Unknown feelings

343 6 0
                                    

"At dahil kakarating mo lang. Yan at ikaw naman" sabi ni Joshua at inilapag ang wine glass sa harap ko

Umupo ako at ininom ito

"Bat kayo lang tatlo ang nandito?"

"Si Dave nag aasikaso daw ng ma bisita tapos si Dominic ayun oh" napatingin naman ako sa nginuso ni Erin

Only to find out na nagmomoment na naman sila ni Margaux

Hindi ba sila nagsasawa sa muka ng isat isa?

Hindi na sila mapaghiwalay

"Ikaw Joshua bat di mo kasama si Yna?"

"Nag away kami eh. Kanina ko lang kasi sinabi sa kanya yung pag alis ko sa isang linggo"

Napatango nalang kami sa kanya. Bat kasi ngayon nya lang yun sinabi kung kelan malapit na

"Gago makipag ayos ka na--Ayun sya oh. Baka magdrama drama ka pa bago umalis dyan" pinagtulakan sya ni Darren

He sigh at naglakad na palapit kay Yna

Hanga din talaga ko sa tindi ng pagmamahal ni Joshua dyan kay Yna

"Kukuha lang ako ng wine" sabi ni Erin at tumayo na

"Dominic naman. Ayoko nga kasi eh"

"Sige na. Isa lang naman"

"Ayoko. Nakakahiya ang dami daming tao"

"Pero nanalo ako. Ang sabi mo pag nanalo ako susundin mo yung gusto ko"

"Iba nalang. Ayokong maexpose beauty ko no"

"Isa lang naman. Sige na kumanta ka na"

"Tss" Napairap ako sa kanilang dalwa "Ayoko nga eh" i said. Ginaya ko pa ang boses nya

"Bro muka kang Tanga" sabi ni Darren at binato ako nung chips

Inayos ko naman yung upo ko "Di ko parin talaga maintindihan yang si Dominic kung bakit nagkagusto dyan kay Margaux. Wala naman akong makitang kagusto gusto sa kanya. Maarte, Masama ang ugali, Mataray, Bully--"

"Maganda, Magaling kumanta, Magaling sumayaw, Sexy, Palaban. Alam mo bro hindi naman mahirap mahalin yang si Margaux eh. Kahit naman ganyan yang uali nyan may pagka sweet parin. Hindi ko nga maintindihan ang isang Zylex dahil look" tumawa sya ng konte "Imagine? Niligawan na sya at lahat lahat hindi parin nya nagustuhan si Margaux"

Napailing nalang ako sa kanya "Thats nonesense"

"Pero ang hula ko sayo may feelings ka na dyan kay Margaux eh. Nalalaman mo naman yun sa kilos ng isang tao"

Napabuntong hininga nalang ako sa kakulitan nya

Ng bumalik si Erin ay nagkwentuhan lang kami sa kung saan magbabakasyon this Christmas Break

RegretsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon