First Kiss

263 5 0
                                    

"Good Morning Ms. Xian"

Hindi ko pinansin ang guard at direderetchong pumasok.

Mangiyak ngiyak na ko dahil sa puyat na puyat ako. Pano hindi? Kasalanan to ng Tristan na yan eh. Malas talaga sya sa buhay ko.
Pwe! Makita ko lang ang pagmumuka nya parang gusto ko ng iuntog ang ulo sa pader eh
I stopped when I pass by a two girls talking.

"Huy Jella nag Kiss na kami kahapon. Y--yun ang first kiss ko"

First Kiss

A scenario Two years ago hit my mind

"Pano? Una na ko?" Sabi ko habang nakangisi. Inaasar ko lang si Justin. Alam nyo yon? Kakain na ko ng lunch habang pagsasabihan naman sya sa Dean's office dahil sa ginawa nya na namang pakikipag basag ulo kahapon

"Sige lang" sabi nya habang asar na asar na lumabas ng room

Iiling iling ako na naglakad papuntang cafeteria. Lahat naman ng madadaanan ko ay napapalingon at nag gigive way.

"Shit" agad na uminit ang ulo ko ng makita sa Favorite spot ko si Tristan na may kahalikang babae. Sino sya?

Oh well sya lang naman ang Basketball Team Captain slash Casanova ng school namin

Lalong nandilim ang paningin ko ng maalala ko ang mga pinag gagawa nya nung mga nakaraang araw. Namumuro na sya sakin ha?

First of all sinadya nyang banggain ang kotse ko pagkapasok ko palang sa gate ng school nung isang araw. Second, tinawag nya akong Baby sa harap ng madaming tao kahapon. Ayos lang naman kung gawin nyang babae lahat ng dalaga dito sa school pero yung isama pa ko sa koleksyon nya?

No thanks.

Inis na lumapit ako sa table na yon at padabog na ipinatong ang kamay ko sa harap nila habang naghahalikan pa sila. Napailing ako habang naka smirk. How gross

"Yes? Do you need anything?" Sabi nya na parang nakaabala ako ng sobra sa kanya.

Fudge this! Kung di lang sya kabarkada ni Justin matagal ko na syang pinatanggal dito.

"You can now go" sabi ko sa babaeng kahalikan nya kani kanina lang. Yumuko naman ito at inayos ang sarili bago umalis "Talaga bang nananadya ka?!" Sigaw ko kay Tristan

Sobrang daming vacant seat pero dito sya umupo?

Nag shrug lang sya

"Ano bang kelangan mo?" Sabi ko habang umuusok na ang ilong. Malapit na kong maging dragon. putspa

Tumayo sya at akala ko ay aalis na pero akala ko lang pala dahil lumapit sya sakin at mahinang itinulak ako dahilan para mapasandal ako sa pader na nasa likod ko lang

Nakikipaglaro ba sya sakin? Dont he dare.

"Kelangan ko?" Nakasmirk na sabi nya habang lumalapit sakin

Bigla akong kinabahan pero hindi ko pinahalata. Ano bang pinaplano nya?

Tumigil sya ng halos isang dangkal nalang ang lapit namin sa isat isa

"TALAGA BANG NANG AASAR KA--"

Natigil ko ang sasabihin ko ng halikan nya ko. Naistatwa ako

Hindi makagalaw. Hinalikan nya ko

"Woah" natauhan ako ng marinig ang kantyawan ng mga tao sa Cafeteria

Kahit nanghihina ay nagawa ko syang itulak

"What? Tinatanong mo kung anong gusto ko diba?--"

PAK!

I slap him. I slap him hard.

Ang first kiss ko..

"Wala kang karapatang halikan ako. Manyak!" Sabi ko at umalis na sa lugar na yon

"Andrea" natauhan ako at nawala sa pag iisip ng matagpuan ang lalaking kanina ko pang iniisip sa harap ko. He's looking so Good with his polo. Kulang nalang ay maglaway ako dahil sa kagwapuhan nito.

But I choose not to mind that. Dahil dito... Dito ako nahulog sa kanya dati and I have to make sure na hindi na mauulit yun.

"Dont call me Andrea. Hindi yun ang pangalan ko. I dont even know you. Sino ka ba? Hindi ba sinabi ng teacher nyo nung Elementary na dont talk to strangers?"

Parang gusto ko ng bawiin ang sinabi ko dahil halata sa mga mata nya na nasaktan sya.
Huh. Nice Acting skills my Dear EX

"I--Im sorry" double meaning na sabi nito

"Sorry for what? For calling me Andrea or for Breaking my heart Two years ago?" I sarcasticly laugh

Nakakatawa diba? Nasa harap ko sya ngayon at nagsosorry

"Im sorry for everything"

"Ano pang magagawa ng sorry mo? Mababawasan ba nyan yung dinanas kong sakit? Maibabalik ba nyang sorry mo yung feeling na gusto ko ng ibitin patiwarik yung makikita kong couple dahil sa bitterness? Nasaktan ako Tristan! Putangina nasaktan mo ko! Ano pang silbi nyang sorry mo?"

Pinunasan ko ang luha na tumutulo sa pisngi ko. Gago sya diba? Sobrang gago nya!

"I--I want to explain. J--just let me explain Andrea. Pakinggan mo ko. I admit its my fault and I want to make things right. Please Andrea"

Nagulat ako ng may mga tubig din na pumatak sa mga mata nya. Totoo ba ang mga yon?

Malalaman ko ba ang sagot sa mga tanong ko pag nag usap kami?

RegretsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon