Disappointed?

300 6 0
                                    

"Nandito na tayooooo!" sigaw agad ni Zyra pagkalabas ng van. Isa sya sa mga kaklase ko.

Ngayong kasi yung Outing 'daw' namin. For Pete's sake. Mag No-November ngayon at ito pa ang napagtripan nila? Ayos lang sana kung Summer eh

Binigay lang nila yung assign rooms for us. 2 persons per room. Si Lea ang naging room mate ko. Mabuti naman. Tahimik lang kasi yun at di masyadong socialize.

Pagkadating sa room ay nahiga agad ako. Wala pa kasi akong sapat na lakas para mag enjoy. 

"Lunch?" nagulat ako sa biglang pagdungaw ni Dominic sa pinto. 

Past 11 narin naman at nagugutom na ko

"Sure! Basta ba libre mo" then I chuckle.

"You little parasite!" Nagtawanan nalang kami habang palabas.

pumunta kami sa isang Resto malapit sa dagat. Namangha ako sa tanawin ng makarating sa loob

Kitang kita kasi yung kulay berdeng mga puno pati yung mga tao na naglalangoy

"Dominic nandito pala kayo!" biglang sumulpot si Erin sa tabi namin.

Naagaw naman ang atensyon ko ng kasama nya "Zylex"

Nagtatakang tiningnan nya kami ni Dominic

"Nawalan na ko ng gana. Tss" tumalikod ito at naglakad na palabas

"Dominic. Sundan ko lang" pilit akong ngumiti sa kanya at dalidaling sinabayan sa paglalakad si Zylex

"Bat ka nandito?" nagtatakang tanong nya ng mapansing sinusundan ko sya

"San ka ba pupunta? May Walk Out effect ka pa dyan" sinamaan naman ako nito ng tingin

"Stop pestering me. Bumalik ka na don baka iniintay ka na ni Dominic"

"Ano bang problema mo?! Dont tell me--" humarang ako sa nilalakadan nya at ngumiti ng nakakaloko sa kanya "Your Jealous?"

Kumunot naman ang noo nito at agad na nag iwas ng tingin "Im not! Umalis ka na nga lang dyan"

sabi nito at tinabig ako

Hinila ko naman kaagad ang kamay nito "Tara magtayo tayo ng sarili nating mundo" then I wink at him

Hinila ko sya papunta sa resto sa kabilang side. Pero habang papasok kami ay naguilty ako.

Iniwan ko si Dominic dun?

"Bat ba tayo nandito?"

"Baka maglalangoy. Eto yung sunblock ko oh pakilagay naman. Stupid. Edi syempre kakain" I said sarcasticly

Umupo kami at nag order na.

"Asan nga pala sina Dave?"

"Muka ba kong hanapan ng mga nawawalang Gago?" He glared at me

"Bat ba ang sungit mo? Daig mo pa si Manang nung nag Menopause"

"Stop saying nonesense things"

Di nalang ako sumagot. Pagod na kasi akong makipagtalo dito. Makalipas ang ilang minuto ay dumating na ang order namin kaya nagsimula na kaming kumain.

"Masarap ba yan?" tanong ko at tinuro yung steak. Hindi sya sumagot

Paborito ko kasi ang steak. Hindi ko nga lang nakita sa menu kanina. "Penge ha?"

Kukuha na sana ako ng tapikin nito ang kamay ko. "What the? Bat ang damot mo?!"

Hindi na naman sya sumagot. Nakakainis na ha?

Natapos kaming kumain ng sobrang sama parin ng loob ko. Grabe naman kasi sya.

"You Jerk!" pinaghahampas ko sya

"Aray! Ano ba?!-- Teka-- Aray!" pilit nitong sinasangga ang braso nya sa bawat pagpalo ko. He hold both of my hand "Ano bang problema mo?"

"You Idiot!" sabi ko at naglakad na palayo

Nilingon ko ulit sya "Hindi mo manlang ba ko susundan?! Aish Unbelievable" nilapitan ko ulit sya.

Nakakaasar naman yung mag wo-walk out ka tas di ka manlang susundan o pipigilan

"Tara na nga" ito naman ang humila sakin.

Namula naman ako ng nakitang ang daan na tinatahak namin ay papunta sa kwarto nila ni Erin.

"H--Hoy anong gagawin natin dito?"

Sinarhan nya ang pinto at agad na dumapa sa kama "Massage me"

Nag init naman ang ulo ko "Ah Massage gusto mo ha?! Oh eto"

I punch his back "Hey!" Nanlaki ang mata ko when he smirk "Disappointed?"

RegretsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon