Realizations

510 7 0
                                    

"Bago ata Bro. Kanina ka pa namin hinahanap. Di ka pumasok tas nandito ka lang pala sa rooftop at nagiinom?"


Hindi ko sila pinansin at nilagok na ang beer na nasa can

Parang puzzle na unti unti ko ng nalalaman kung bakit nga ba ganito ang nararamdaman ko ngayon

Hindi pa malinaw ang lahat pero alam kong may kakaiba din sa mga kinikilos ko


"Pare ano ba talagang nangyayari sayo? Ilang araw ka ng ganyan"


"Iwan nyo na ko" sabi ko at binuksan ulit ang isang can ng beer


"Alam mo namang hindi--"


"SINABI NG IWAN NYO MUNA KO"


napabuntong hininga nalang sila at nagsimula ng maglakad pababa


Kinuha ko ang cellphone ko sa bulsa ko at tiningnan ang picture namin ni Steffany

I smirk


I just felt normally. Ni hindi ako nasaktan hindi katulad dati na halos maibato ko na ang iPhone ko pag nakikita ang picture na to

Iniscroll ko ang screen ko at nakita ko ang muka ni Margaux


Nung isang gabi to nung lasing sya. Hindi ko rin malaman kung bakit ko sya kinuhanan ng litrato

Napangiwi ako ng biglang sumikip ang dibdib ko.


"Zylex" agad naman akong napatayo ng marinig ang boses na yun

Sigurado akong sya yun. Nabitawan ko ang can na hawak ko


Humarap ako sa kanya and there I saw her. Nakangiti sya pero iba ang mga ngiti nyang yun

Malungkot ang mga mata nya


"Bat ka nandito?" kunot noong tanong ko


dahan dahan syang lumapit sakin na mas ikinakabog ng dibdib ko

What is she doing to me?


"Ayokong umalis ng hindi nagpapaalam sayo" tumingin sya ng deretso sa mga mata ko "Im going to New York for the better" ngumiti sya ng mapakla


Parang nawala naman ang epekto ng alak sa mga narinig kong sinabi nya. 

Alam ko ng aalis sya pero bakit nung sakanya ko narinig parang sobrang sakit?

Naikuyom ko ang kamao ko. Ang bigat ng nararamdaman ko. For the first time nagkalakas ng loob akong itanong sa sarili ko

Inlove na ba ulit ako?


"That's Good" Tumalikod ako sa kanya "Sana wag ka ng bumalik" malamig na sabi ko


Napapikit ako dahil sa biglang sakit na naramdaman ko.  Hinawakan nya ang mga braso ko kaya napaharap ulit ako sa kanya and I was surprise when I saw her crying pero nakangiti parin sya sakin

RegretsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon