What the?

340 14 4
                                    

Nagulat ako ng may Ferrari na tumigil sa harap ko. Nasa labas kasi ako at ready ng pumasok. Dahan dahang nagbukas ang bintana and to my surprise si Zylex yung nandon. Did he really pick me up? Pero di ko pa naman sinasabi sa kanya ah? Inirapan ko lang sya

“Ano?! Dali sakay na!" sigaw nya. Nahigh blood naman ako. Ang ganda ng pagbati nya ha? Umagang umaga

“And why would I"

“Ano ba namang kaartehan yan?! Cant you see pinapasundo ka sakin ni Mommy?!" He said then glare at me.

Sumakay naman na ako “Whatever" I murmured ng makarating sa loob

He started to drive. Almost 20 minutes akong nakikiramdam kung magsasalita ba sya o ano. I hate silence! Kaya di ko na napigilang hindi magsalita

“What the hell Zylex?! Ganyan ka ba talaga kaboring kasama? Ni hindi ka umiimik! Hellooooo! Nandito kaya ako" i shouted at him. Nakita ko namang nagsalubong ang kilay nya

“You know why? Kasi mas gugustuhin ko pang mabingi sa katahimikan kesa kausapin ka so just shut up" he said while looking at the road

“Why so sungit? Akala mo lagi pasan pasan yung mundo" I said to myself

“Bakit ba masyado kang madaldal? You know what? Ayoko sa mga taong dakdak ng dakdak. Daig mo pa nanay ko"

“Im wondering. Baka nga adopted ka lang. Ibang iba kaya yung ugali mo kay Tita Jhela. Tita Jhela was an Angel samantalang ikaw--Oh wait. Right! Ikaw nga yung nawawalang anak ni Pontious Pilate" I said then roll my eyes

“Ako ba tinutukoy mo? Based from description ikaw yun"

Nakarating kami sa parking lot ng nagsisigawan. Pati mga nonesense na bagay pinagtataluhan namin.

“Bat ka naunang magbukas ng pinto?! Napaka Gentle Man mo talaga" sarcastic na sabi ko

“Kasalanan ko bang daig mo pa ang pagong sa kabagalan? Yang mga pinagsasasabi mo parang ikaw. Its Nonesense" he said then started walking.

Sinabayan ko sya ng lakad

“Wag ka ngang pacute dyan. Kadiri lang" sabi ko at umirap. Lahat kasi ng babae nakatingin sa kanya. Naiirita ako

“Im not even doing anything. Sadyang gwapo lang talaga ako. Dumistansya ka nga ng konti sakin baka mahawahan ako ng germs mo"

“Wow ha? Ikaw nga dyan may Bacteria. Ang layo layo ko na nga sayo" sabi ko at umirap

Nagulat naman ako ng may lalaking humarang sakin. Ugh!

“Enrique not now! Wala ako sa mood!" Sigaw ko sa kanya. Nauna na tuloy si Zylex

“Margaux. Free ka ba ng lunch?" He ask while smiling

Sa tutuusin gwapo naman talaga din itong si Enrique, habulin din ng mga babae at mayaman. Di ko nga lang talaga type. Alam nyo naman na siguro kung bakit diba?
Sad to say

“No and will never be" pagsusungit ko tsaka patuloy na naglakad. Sumabay naman sya

“Sige na oh. Lagi nalang pag niyaya kita tumatanggi ka"

“Oh edi wag mo na kong yayain"

“Margaux naman eh. Alam mo namang--"

“Sige bye. May klase pa ko" I said at dali daling pumasok sa loob.

Halos kaklase ko si Zylex sa lahat ng subject ko. Syempre ginagaya ko yung schedule nya para naman alam ko kung ano ano ang mga ginagawa nya sa buhay. Dun ako umupo sa tabi nya

“Pwede ba?! Wag ka nga dyan umupo! Naiirita ako sa pagmumuka mo" sigaw nya. Sakit sa eardrums

“May nakalagay ba dito na bawal umupo? Wala naman diba? At sa pagkakaalam ko lang school KO to. Bat di nalang ikaw ang lumipat?" Sabi ko at umirap. Napapakaarte nya

“School KO rin to. Remember? Investors nyo kami. Lumipat ka na ng upuan!"

“Oh edi wag na kayong mag Invest samin. Problema ba yun? Tumigil ka na kakaarte dyan. Kalalaking tao"

“Abat--" magsasalita pa sana sya nang dumating na ang proffesor namin. Walang Good Mo-Good Morning at nagsimula na agad sya mag discuss. As usual alam ko na yung tinuturo. Advance ako eh.

Bored na bored ako kaya naman nakatingin lang ako sa bintana at tinatanaw ang mga tao sa labas.

Si Zylex? Cool lang na nakaupo at mukang hindi rin nakikinig. Oh well matalino na naman sya.

“Hoy makinig ka nga! Hindi binayaran ng magulang mo ang Tuition fee mo dito sa paaralan ko para lang mag pa Cool dyan" sabi ko. Alam nyo namang hobby ko na ang inisin sya.

“Ang alam ko din kasi. Hindi ko binayaran ang paaralang to para lang mangealam ang isang estudyante sa buhay ko"

“Oh Edi Wow! Ikaw na. Mag lawyer ka nalang diba? Ikaw naman palaging tama" sabi ko at umirap

“Mr. Montereal and Ms. Xian its final" biglang sabi ng prof namin.
What? Ano daw yun?

“Ano daw yun?" tanong ko kay Dominic na nasa likod ko

“Search for Mr and Ms Foundation" nanlaki naman ang mga mata ko at napatayo

“Sir Ayoko" sabi ko. Ayoko sa mga ganyan ganyan

“But Ms. Xian it is now final"

“Ano bang klaseng proffesor kayo? Sinabi ko ng ayoko diba? And besides magiging unfair yun sa ibang sasali kung kasali ako. Iisipin nila simula palang na mananalo ako because I own this school" Totoo naman diba? Napakaboring kaya ng mga ganon ganon. Besides ayokong ilabas ang talent ko.

“Our judges will be fair" saad nya pa. Tiningnan ko si Zylex at wala lang syang reaksyon. Gusto nya ba ang mga ganong ka ekekan?

“Di ka manlang ba magcocomplain?!" Nainis na sabi ko sa kanya

“Wala naring magagawa. Masasayang lang ang laway ko. Besides naipasa na sa Dean ang final list" bored na sabi nya.

“Fine!" Naiinis na sigaw ko at naupo na. Atleast manlang si Zylex ang kapartner ko diba? I smiled pero agad ding nag pokerface. Ano ba yan?! Kung ano ano ng naiisip ko

Mabilis lumipas ang oras at break na agad. Pumunta akong Cafe at dun inantay si Yna.

RegretsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon