Nagising ako ng nasa isang kwarto ako.napaupo ako habang napahawak sa ulo ko ng biglang kumirot iyon.
"Wag ka munang gumalaw iha" nagulat ako ng biglang may nagsalitang isang ginang sa harap ko.
"Maayos naba ang pakiramdam mo?nakita kong pinunta ka dito ng anak ko" nakangiti niyang sabi kaya napalunok ako.
"H-ho."
"Ako ang umampon kay ivan.alam kong ikaw ang kaibigan niya" nakangiting sabi niya nailang ako ng hawakan niya ang buhok ko.
"Napakaganda mo.naman iha" sabi pa niya kaya napayuko ako.
"Nagugutom kana ba?halika kain ka muna" sabi pa niya at inakay ako na patayo.naisip ko nanaman ang nangyari sa bahay ampunan.
"Bakit?"nag aalalang sabi niya sakin.
Napailing ako at ngumiti sa kaniya.
"Wala po.naisip ko lang po kasi ang nangyari sa ampunan kung san ako nag mula" sabi ko sa kaniya.nagulat ako ng mapatingin siya sakin.
"Sa ampunan ka nagmula?"aniya kaya nagtaka ako ng biglang may nakita akong pangungulila sa mata niya.pero ngumiti lang siya.
"Bakit po?"takang sabi ko sa kaniya.
"Wala naalala ko lang ang anak kong babae sayo.namatay kasi siya.isang napakademonyong pamilya ang pumatay sa kaniya.lalo na ang asawa ko labis kaming nangungulila sa kaniya.kaya napagdesisyunan naming mag ampon para may kasama kami.sakto at si ivan ang nakita namin mabait na bata siya.sabi niya ay kaibigan ka daw niya so ayon.nako naparami ata ang nasabi ko sayo" natatawang sabi niya kaya hindi ko maiwasang mapatawa.
"Oh mukang nagkakasiyahan kayo?"pukaw samin ng isang lalaki.
"Ah.ito ang asawa ko si afredo.hindi pa nga pala ko nagpapakilala sayo.ako si lina,tawagin mo nalang akong mom" sabi niya kaya napangiti ako.
"Hi po." Bati ko sa lalaking tumabi kay mom lina.
"Hi,ako din tawagin mo nalang akong dad" sabi sakin ng asawa ni mom lina.kaya napatango ako.
"Oh.eto na pala ang kaibigan mo" pukaw sakin ni mom lina habag napatingin ako kay ivan.mababait pala ang umampon sa kaniya kaya napakaswerte niya.
"Ayos kanaba?"tanong ni ivan kaya napatango ako.
"Mabuti naman okey kana.nahimatay ka kanina" sabi niya kaya nagulat ako.
"H-huh?"takang sabi ko sa kaniya.napatingin siya kay mom lina habang si mom lina ay nakangiti sakin.
"Bakit po?"takang sabi ko.
"Napag alaman kasi ng sumuri sayong doctor na nagdadalang tao ka you're 2 weeks pregnant iha" siya na ang sumagot sakin kaya napaluha ako napailing ako kaya nagtaka sila sakin.
"H-hindi! Ayokong magka anak!"sigaw ko habang pinaghahampas ang tiyan ko.
"Iha!oh my god" sabi ni mom lina habang pinipigil ako .napahikbi ako ng yakapin niya ko napapikit ako ng parang anong pakiramdam ko sa bisig niya.
"bakit ayaw mong magka anak?"tanong niya sakin habang pinupunasan ang luha ko.
Napailing ako at tuloy tuloy ang patak ng luha ko.
"Ayoko po."iling na sabi ko sa kanila.
"Damn it!"sigaw ni ivan kaya nagulat ako.
"Sabriah!lumabas ka diyan!"nagulat kami ng isang malakas ang sigaw sa labas kaya pinanlamigan ako ng kamay habang napatingin kila mom lina.mahigpit kong tinabanan ang braso niya at hindi ko binitawan iyon.
"Sino bayon?"takang tanong ng dad ni ivan kaya napalunok ako.
"Si kairo" napatingin sakin si ivan nakita kong tumingin siya sa magulang niya.
"Kairo?"takang bulong ng mom niya.
"Haharapin ko siya" sabi ni ivan at biglang lumabas ng pinto.
KAIRO POV
"Sabriah,lumabas ka diyan!"sigaw ko habang pinaghahampas ang gate nila.alam kong andito si sabriah.alam kong kasama niya si ivan.fuck!
"Anong kailangan mo?wala dito si sabriah!"nakita kong lumabas si ivan kaya napangisi ako.
"Fuck you!sinong niloko mong hayop ka!"sigaw ko sa kaniya.habang matapang na hinarap siya.
"Wala siya dito!"pag uulit pa niya.nilabas ko ang baril ko at walang ano anoy tinutok sa kaniya.pero napangisi ako ng hindi siya natinag aba!
"Ilabas mo siya!o papuputukin ko sa bungo mo to!" Saad kopa sa kaniya.
"Wala nga siya dito!"
"Tangina!sinong niloko mo.buksan mo to! Sabriah!"hiyaw ko pa.marahas niyang binuksan ang gate kaya dali ko siyang tinulak
"Sa tingin mo may gana pang sumama sayo si sabriah!diba ikaw ang nagpasunog ng ampunan!"aniya kaya napatigil ako.kunot noo akong tumingin sa kaniya.
"Anong pinagsasasabi mo!"sigaw ko sa kaniya.napailing lang siya.
"Sino ka para magpunta dito sa pamamahay namin!"napatingin ako ng may isang ginang na lumabas alam kong ito ang umampon kay ivan.
"Gusto mo bang ipakulong ka namin" saad pa niya habang inalalayan siya ng asawa niya.
"Wala dito amg sabriah na sinasabi mo" aniya kaya napailing ako.
"Alam kong andiyan siya sabriah!!" Hiyaw ko."Guard,ilabas niyo tong taong to!" Sigaw ng ginang kaya nagpumiglas ako sa mga humawak sakin.
"Fuck let me go!" Sigaw ko habang tinutok sa kanila ang baril.
"Sabriah lumabas ka diyan!"hiyaw ko habang napaupo ako ng may sumuntok sakin.nakita kong si ivan ang may gawa non.
"Wala nga siya dito!"sigaw niya.pinagsusuntok niya ko habang taban ako ng dalawang lalaki.
"I-ivan tama na!"napadilat ako ng marinig ko ang tinig ni sabriah.
Napadura ako at pinahid ang dumugong labi ko.
"Umalis kana kairo!"aniya kaya natawa ako.hinawi ko ang dalawang lalaking tumaban sakin at hinaklit ang braso niya.
"No!sasama ka sakin"mariin na sabi ko pero nag pumiglas siya.nagulat ako ng sampalin niya ko.
"Hindi nako sasama sayo!napaka sinungaling mo diyan ka magaling!sa mga salita mo!i-ikaw ang may kasalanan kung bakit nawala sila sister pati si mica!mamamatay tao ka!"sigaw niya sakin habang umiiyak.
Hindi ko siya kayang makitang umiyak dahil ang pag iyak niya ang kahinaan ko.
"Sasama ka sakin."mariin pa ding sabi ko at kinaladkad siya.pero nawala siya sa hawak ko ng may kumuha sa kaniya si ivan.
"Hindi siya sasama sayo.kairo lumayas kana!"sabi ni ivan nakipag tagisan ako ng tingin sa kaniya.ambang susugudin ko siya ay humarang sakin si sabriah.
"Baguhin mo ang sarili mo.pinilit mo kong makasal sayo kahit na ayoko.sumama ako sayo kahit na ayoko hindi kita mahal pinipilit mo lang ang sarili mo sakin,kahit alam mong hindi naman talaga ikaw ang lalaking pakakasalan ko,hindi ikaw ang gusto kong makasama ayoko sayo" aniya habang nakatingin sa mga mata ko.
"A-ano bang nagawa ko?"tanging sambit ko habang napaatras ako.
Napalunok ako ng makita kong napakuyom ang kamay niya tuluyan nakong napaluha ng makita ang babaeng mahal ko na hinalikan si ivan sa harap ko.napaka sakit.
"Umalis kana.s-si ivan ang mahal ko" aniya habang nakatalikod sakin.napalunok ako habang unti unting tumalikod at napatawa ng pagak.
Sumakay ako sa kotse ko habang seryosong nagmamaneho napailing ako habang tuloy tuloy ang luha sa mata ko.
Eh kung ibangga ko nalang kaya to para mawala ang sakit.
Napahikbi ako habang pinabilisan ko pa ang pag mamaneho ko.ngunit nabigla ako ng isang napakalakas na ilaw ang tumama sa muka ko.napapikit ako ng wala nakong narinig kundi isang napaka lakas na impact ang nag pamanhid sa buong katawan ko.