#55. " Pandemya"

74 1 0
                                    

Pandemya ng Pilipinas,

Iilan lang ang naligtas;

Tumataas na ang kaso,

Kaawa-awa ang mga tao


Ilang buwan ang nasira,

At buhay ang nakataya;

Lahat tayo'y naghihirap,

Sa pandemyang kumakalat


Sa panahon natin ngayon,

Kailangan ang solusyon;

Maging malaya din tayo,

Mula sa pandemyang ito


Sundin lang natin ang batas,

Upang ito ay magwakas;

Makapag-pahinga din tayo,

Kaya, laban Pilipino!

Tula ng makataTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon