Bilang isang estudyante,
Gustong matutunan ang kaisipang luma;
Mga simulaing kasalungat sa tama,
At sa ganitong paraan ay sisigla
Mga iba't ibang pakikitungo,
Galawang pagbabalatkayo;
Ang totoo'y kinasusuklaman,
Pormahang di makatotohanan
Mabuti ang mga layunin,
Kaakit-akit pang gawain;
Ang iba'y hindi napapansin,
Katarungan ay parang kinain
Natatawa't nalulungkot,
Mga batang nasasangkot;
Ipinapakita nila ang kahusayan,
Mapapansin pala sa maling paraan.
BINABASA MO ANG
Tula ng makata
PoetryMga tulang iba't-iba ang paksa. May tungkol sa romantiko at politiko, mga pangyayari sa totoong buhay ko na pwedeng mangyari sayo. Sana ay magustuhan mo.
