Isang binatilyong kahabag-habag ang ayos nito,
Humpak ang pisngi at maputla ang labi;
Naglaho na ang maamong mga mata,
Napalitan ng matalim na tingin.Dalawang buwan na ang lumipas,
Pumasok ka sa silid-aralan;
Ako'y napukaw sa presensya mo,
Tumitig at lumalim ang gatla sa noo koLumabas ako para kumain,
Dala-dala ang dalawang tsokolateng tinanggihan;
Tumutol kang pagusapan ang problema mo,
Parang sa himagsik at bigong-bigo akoPatapos na ang isang oras...uwian na,
Naglalakad mag-isa't sinusundan ka;
Nakita ang matigas na tindig ay naging hukot walang buhay,
Parang bulaklak na uhaw sa tubig at maibalik ang tunay na kulay.
BINABASA MO ANG
Tula ng makata
PoetryMga tulang iba't-iba ang paksa. May tungkol sa romantiko at politiko, mga pangyayari sa totoong buhay ko na pwedeng mangyari sayo. Sana ay magustuhan mo.