Napabalikwas ng bangon,
Sa telepono nakatuon;
Gumagawa ng mahabang mensahe,
Para sa isang babaeng maswerte"Mahal, halos gabi-gabi akong dalawin ng antok dahil sa puso kong ikaw ang kumakatok."
"Mahal, umuwi kana sabik na akong mahagkan ka."
"Mahal, kumain kana huwag mong hintaying ako pa ang kakain sayo."
"Mahal? dalawang araw kang di nagpaparamdam ah?"Humiga ako't bumalik sa pagtulog,
Pinapakinggan ang paborito nating tugtog;
Sa aking pagtulog, ako'y naalimpungatan,
Ikaw daw ay isang salawahanUmupo ako't nagdasal,
Na burahin ang masamang sagabal;
Dahil ayokong mabuhay sa tukso,
At hayaang magpasya' ang ating puso.
BINABASA MO ANG
Tula ng makata
PuisiMga tulang iba't-iba ang paksa. May tungkol sa romantiko at politiko, mga pangyayari sa totoong buhay ko na pwedeng mangyari sayo. Sana ay magustuhan mo.