Ang paglisan mo'y parang isang talumpati na pinaghandaan pa bago bigkasin sa harap ng tao kahit ito'y biglaan.
Biglaan na animo'y parang isang kisap-mata...
Paano?
Paano ako makakatulog ng mahimbing kung mukha mo' y umiilaw parin;
Oo nga pala...
Nakalimutan kong hindi kana masaya,
Hindi kana masaya kase ako lang nag-iisa.
Alam kong hindi ako sapat subalit ako'y tapat at alam ko na ito'y nararapat...
Pinilit kong magpakatanga at minahal kana lamang kahit pag-ibig mo sa kanya ang lalamang;,
Hindi kanaman manhid,
Hindi ka bingi at mas lalong hindi ka bulag...
Pinaparamdam ko sayo palage na Mahal kita,
Ngunit sa paglipas ng panahon, biglaan kang nagkagusto sa iba...
Sa simula sinabi mong paghanga,
Ngunit bakit umabot sa Mahal mo na nga?
Hindi naman ako gwapo, oo.
At lalong kaibigan mo lang ako.
Aking sinta,
Ako ba'y nakikita?
Hanggang kailangan pa ba akong maghintay?
Sa hangin ko na lang ba ibubulong ang lahat?
BINABASA MO ANG
Tula ng makata
PoesíaMga tulang iba't-iba ang paksa. May tungkol sa romantiko at politiko, mga pangyayari sa totoong buhay ko na pwedeng mangyari sayo. Sana ay magustuhan mo.