# 43. "MADUGONG UGNAYAN NA NAGMULA SA NAKARAAN"

85 4 0
                                    

Sa mga huling araw ng Agosto ay natagpuang mo ang pagbabalik ng isang makata,
Mapapasin ninyo't biglaang nag-iba ang mga gintong salita niya;
Tatlong buwan ang nakalipas at lalong nawala sa sarili,
Nasa masayang kalagayan ngunit sa loob-loob ay naliligo ng dugo't pawis

Napapagod siyang mag-isip na tila parang humihikab na lamang ng palihim,
Ano pa nga ba ang isusulat niya?
Kung ang nakaraan niya'y biglaang gumising at naaalala?
Nagising ang sumpang binitawan ng umangkin sa kanyang sarili,
Nagwakas na! subalit tinunton niya muli ang landas na nilakaran ng mga ito...

Bigong-bigo at nawasak ang maharlikang puso,
Ngayo'y muli siyang nagsulat at iminungkahi sa iba pang manunulat;
Natagpuan ang taong hinanap at sa aklat siya naglakbay,
Gumuhit ang isang nakakatakot na ngiti sa kanyang mga labi't nakita ang kapirasong papel;
May nakasulat sa pamamagitan ng dugo na iginuhit ng daliri.


Tula ng makataTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon