Napamulat nanaman ako bigla, Naging dilaw ang paningin sa ibaba; Mata'y nakatingin sa kaliwa, Lumalabo ang kulay ng bintana
Kapansin pansin ang kakaibang titig, Dugo ko'y kumulo na parang tubig; Tumayo ako't kinausap ka, Palingalinga ka't sinabi mong "ayaw ko na"
Sinampal ako ng katotohanan, Napatingin bigla sa kawalan; Naputol ang ating ugnayan, Tanging ngiti mo'y binitawan
Bumalik ang sarili sa realidad, Kinakailangan kong maging matatag; Tatanggapin ang habilin mong salita, Kahit ayaw kitang mawala.
BINABASA MO ANG
Tula ng makata
شِعرMga tulang iba't-iba ang paksa. May tungkol sa romantiko at politiko, mga pangyayari sa totoong buhay ko na pwedeng mangyari sayo. Sana ay magustuhan mo.