Chapter 9

9 2 0
                                    

What is he doing here?

I was shocked to see him at this state to the point that I am terribly trembling, I also Don't know what to do! I stepped back and tried to shut the door out, but he was too strong to hold it and pushed the door inside.

Napa-upo ako sa sahig dahil sa lakas ng kanyang pagtulak, and because of the large impact my butt hurts so much!

Habang ini-inda ang sakit ay nakita ko siyang ini-lock ang pintuan. I trembled as I saw him walk towards me! Sinubukan kong tumayo ng mabilis ngunit hindi ko talaga kaya, ang nagawa ko lang ay ang pag-atras at nang nakalapit siya ay hinawakan niya ang dalawang magkabilang braso ko at sapilitang itinayo.


"Kyle! W-what are you doing here!? Umalis ka!" Sabi ko at nagpupumiglas sa hawak niya pero sobrang lakas nito, he could almost crush me.

"Why!? Why did you leave me alone!?" He shouted with pure anger as he moved his face closer to mine, yinugyog pa ako. I could see his veins poppin out on both sides of his forehead.

"Why— AHAHAHA! SHUT THE FUCK UP KYLE! WHAT ARE YOU DOING HERE!?" I screamed so loudly hoping that one of my neighbors will go and check me out.

Ipinatong niya ang noo sa akin at tinakpan ang bibig ko, nagpumilit akong iniwas ang mukha sakanya but his other free hand cupped my nape to stop me from moving.

"Shhh.." he said and hushed me using his forefinger  "I just want to have a good time with you my dear".

He smiled at me like a mad man that made me shiver. Tears started to pool around my eyes as I forcefully pushed him away but unfortunately he didn't move, even an inch. He started to kiss my neck harshly, I wanted to scream so bad but his big hands covered my mouth, tanging ungol lang ang nailalabas ko.

I was crying loudly and screaming, despite of his hand covering my mouth. I remembered that night again, that he almost molested me. I remembered that shitty night, that night that I would wish it was just a nightmare trying to bother me.

"KYLE GET YOUR HANDS OFF ME!" Sumigaw ako ng na tyempohan kong hindi niya hawak ang bibig ko. I felt his hand brushing up and down on my waist, ngunit parang wala siyang nadinig.

I was hoping that someone would hear my screams and help me to get away from him. Gustong-gusto kong sumigaw ngunit nakatakip ang kanyang kamay sa aking bibig, at nang tinaggal niya ang kanyang kamay sa aking bibig ay agad akong sumigaw ngunit naputol ito nang agad niya rin akong hinalikan. Sinubukan kong pagsusuntukin o sakalin siya ngunit agad niya rin hinawakan ang dalawang kamay ko.

He lifted me up to my room, then he harshly placed me in the bed.


"Neta? Ba't ka nagsusumigaw!?" Dinig kong sigaw ni Aling Grace sa labas ng pintuan namin.


Agad nanlaki ang mga mata ko at sumigaw ng tulong, natigil din si Kyle sa paghalik sa aking leeg ng narinig niya yun, agad ko siyang tinuhod at pinagsasampal, at dahil sapo-sapo niya ang kanyang alaga, nakawala ako sa pagkahawak niya at agad na tumakbo sa pintuan at binuksan iyon.

"Jusko! Neta hija! Anong nagyari sayo!?" Sabi niya at pumasok sa loob ng bahay, kasama pa pala niya ang asawa at ang  iba pa naming kapit-bahay.

Nanginginig ako sa takot lalo na nang nakita ko si Kyle na lumabas ng wala sa sarili, bitbit ng asawa ni Aling Grace, nakita kong duguan din ang gilid ng labi ni Kyle, siguro sinuntok.


Agad akong niyakap ni Lia, anak ni Aling Grace, she comforted me and wrapped a blanket around me.


Napapikit ako at napayakap kay Lia, habang sila Aling Grace at ang iba pa naming mga kapitbahay ay abala sa pakikipag away kay Kyle, may mga rumespondeng tanod din at sinabihan si Kyle na sumama sa baranggay. Pero alam ko na kung ano ang mangyayari, makakawala si Kyle sa gulong ito, tulad nalang ng kanyang ginawa noon. Iba talaga pag may kapit, lalo na't anak ng Mayor.


"Neta hija, okay ka lang ba?" Alalang tanong ni Aling Grace at ng mga kapitbahay, ang iba sakanila ay umuwi na.

Nanginginig akong tumango at sinabihan sila ng salamat.

"M-maraming salamat p-po sa pagtulong" sabi ko at isa-isa silang tinanguan. Pina-inom muna ako ng tubig ni Mang Tonyo, at pinasamahan muna ako ni Aling Grace kay Lia sa bahay.

Tulala akong bumalik sa bahay, tinulungan pa ako ni Lia na humiga sa kama hanggang sa makatulog.

KINAUMAGAHAN ay sinalubong ako ng isang balita na nakalusot nanaman si Kyle sa kabalastugang ginawa niya.

Hinayaan ko nalang ito dahil alam ko naman na talagang ganito rin ang mangyayari, balang-araw kakarmahin din siya.

Nagkulong lang ako sa loob ng bahay buong umaga at bumisita naman si Anne sa hapon.

"NETA! KANINA PA AKONG UMAGA TAWAG NG TAWAG! OKAY KA LANG BA!? HUH!?" Nag-aalalang sigaw ang pambungad niya ng nakapasok sa bahay.

"Pwede ba hinaan mo muna boses mo!? Oo! Okay lang ako!" Sabi ko at na-upo sa sofa.

"Loko talaga yang Kyle na yan! Pwera anak siya ng Mayor magagawa na niya lahat ng gusto niya! Ha! Hayop!" Himutok ni Anne at padarag na umupo sa tabi ko.



Mas galit pa siya sakin



"O sya! Mag hahain nalang ako, dito ako kakain, may dala akong pagkain..." sabi niya at tumayo papuntang kusina upang maghain "...dito na rin ako matutuolg para iwas pahamak" dagdag niya at kinindatan ako.


"Oo, ikaw magsisilbing siren ko, sa lakas ba naman ng bunganga mo" sabi ko at tumayo upang tulungan siya, ngunit pagka lapit ko sakanya ay isang batok ang natanggap ko.

"Gaga! Umayos ka"

Napa iling-iling nalang ako at tinulungan siyang maghain, sabay kaming maghapunan at pagkatapos  ay nagpasya kaming manood muna ng telebisyon bago matulog.

"Neta, pasensya na ha, hindi ako dumating kahapon" sabi niya habang nanonood kami ng isang palabas.

"Ano ka ba? Okay lang yun, buti nalang agad na pumunta sila Aling Grace"

"Hay, buti nalang talaga" Aniya at niyakap ako, niyakap ko din siya pabalik at tumagal muna kami ng ilang minuto ng ganoon ang ayos nang biglang may naalala ako.

"Uy Anne diba sabi mo hindi ka nakapunta kahapon dahil nandoon si Gerald na lasing? Anong ginawa mo?"

"Ayon, pinapasok ko muna sa bahay kasi nakakahiya sa mga kapitbahay, nandun siya sa labas sigaw ng sigaw ng    "Anne! Gagawin ko ang lahat bumalik ka lang sakin! Irog ko!" Nakakahiya!"

"Pagkatapos?" Sabi ko at napatingin naman siya ng may pagka-irita sa akin, napabungisngis nalang ako.

"Nakatulog siya dun sa sofa namin! Kaya ayun dun pa nakatulog ang sira,  mga alas nuwebe na siya sa umaga naka-uwi, ugh kairita!" Gigil niyang sabi.


Napahalakhak nalang ako sakanya at maya-maya pa ay napag pasyahan na naming matulog. Sabay kaming humiga at nag usap-usap muna hanggang sa dalawin ng antok.

"Good night Neta! My shitty bff!"

"Good night bitch"


Ha what a day.

_____
• NISSIN •

The Answers Behind The LiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon