Nakasimangot akong pumunta sa table niya habang dala-dala parin ang tray.
Pagkarating ko sa table niya ay may multo ng ngisi sa kanyang mukha. Padarag kong binaba ang tray sa harapan siya at tinanong kung ano ang gusto niya.
"Ano po sa inyo sir?"
"Ano bang available niyo?".
Napabuntong-hininga akong tumingin sa ibaba at balik sa kanya.
"Merong adobo, friend chicken, tinola, isda, lumpia, siniga-"
"Merong ikaw?"
Napatitig ako sa kanya ng ilang saglit at para akong timang na nagloading sa harap niya at nang makabawi ako ay sinagot ko siya.
"Ay! sorry po sir, pero wala kaming putaheng ganyan, Naku! baka sa ibang carenderia meron!" Sabi ko sabay kamot sa buhok at pekeng tumawa.
Sarap ihampas sa mukha niya ang tray!
I pouted and looked at him with a sad face. He sighed and let out a funny laugh. Joke mo baduy! Pilit kong tinatago ang ngisi ko sa pamamagitan ng pagiging malungkot na mukha pero inaamin ko, bahagyang tumataas ang gilid ng labi ko.
Tinitigan niya ako ng ilang sandali bago siya bumuntong hininga.
"Meron kayong hotdog?" aniya.
Napatitig ako sa kanya at maya-maya pa ay hindi ko na napigilang humagalpak sa tawa! Tinuro-turo ko pa siya habang nakahawak ako sa tiyan ko, napa-upo din ako sa bakanteng upuan na katapat niya at hindi ko na din inalintana pa ang mga taong nakatingin sakin.
HOTDOG!
When I sober up from laughing I looked at him, still plastering a wide smile but to my surprise I saw him seriously staring at me with a sweet smile like he finds it amusing.
Napa tikhim ako at tumayo mula sa pagkaka-upo ngunit nakapaskil parin ang ngisi sa labi.
"Sure ka ba? Hotdog lang pala hinahanap mo? Pina recite mo pa ko" Sabi ko na natatawa, he only smiled at me and laughed a little.
"Sya kukunin ko lang order mo, wala na bang iba?"
"Three hotdogs, one cup of rice and water only" then he stared at me and nodded.
Ngisi-ngisi akong bumalik sa counter at kinuha na ang order niya. After a while I got back ang placed his orders in the table, he smiled and thanked me.
"Softdinks po?" I asked him.
"No thanks, but by the way drop the 'po' me Im not that old" iling niya at bahagyang napahalakhak.
"Anong you're not that old, eh mas matanda ka nga sakin ng four years!"
"How did you know? As far as I remembered I didn't told you my age...to you hmm?" Aniya na naniningkit ang mga mata.
Buset ka Anne!
"Ahh...eh..hehe.." napakamot ako ng batok at tumingin-tingin sa kabilang banda.
"A-alis na ako madami pang customers" I said dodging his question. Napa linga-linga siya sa buong carenderia kaya napalinga din ako, napapikit ako ng mariin ng mapansing kokonti lang ang kumakain.Kahiya ka Neta! Punyeta naman oh!
"Hmm...is that so?" Aniya na may ngising nakapaskil sa labi.
Tumango-tango ako at tumalikod na sakanya papuntang counter, ibinalik ko ang tray sa lalagyanan at nagtago sa may shelf at dun ko pinukpok-pukpok ang ulo ko.
ANG. TANGA. KO. ANG. TANGA. TANGA. KO.
Napa-ayos ako ng tayo ng may mga customer na pumasok at nag order, kaya may napagkaabalahan ako. Tuwing wala akong ginagawa at nag lilinis lang ng mga lamesa ay sumusulyap-sulyap ako sakanya.
He was eating his hotdog while seriously watching his phone and typing something. Probably texting his girlfriend.
Bigla akong napahalakhak nang maala-ala ang inorder niyang hotdog, tinakpan ko ang bibig ko nang mapansing tiningnan ako ng isang customer.
Napanguso ako at nagpatuloy na sa pagaayos ng mga lamesa. Bumalik ako sa counter at chineck ang oras, It's already 8:30pm, ang uwi ko sa amin ay 9:00pm kaya naman ay nagsimula na akong ligpitin ang mga gamit ko at umupo muna dun sa stool habang nag-aantay kay Aling Susan.
Naglaro ako ng games sa phone ko dahil nabobored na ako, wala din namang customer na aasikasuhin. Maya-maya ay tiningnan ko ang oras ko at napansin kong 8:56 na kaya naman nagpasya na akong puntahan si Aling Susan sa mini office niya 'kuno' para magpaalam.
"Aling Susan aalis na po ako, tatawagin ko na po si Jude para siya nanaman mag-bantay dun"
"Ah siya sige hija! Mag-ingat ka pag-uwi mo ha? Oh eto sweldo mo ngayon, maraming salamat"
Tinanggap ko ang perang ibinigay niya at nagpasalamat. Lumabas na ako sa opisina at tinawag si Jude upang palitan ako, pagkatapos ay naglakad na ako palabas. Habang naglalakad palabas dala-dala ang sling bag ko ay napasulyap ako sa table ni Luciano, malapit kasi siya sa pintuan. Nakatitig siya sa akin habang umiinom ng tubig, tinanguan ko lang siya at napatuloy na sa paglalakad.
"You off now? Pwede kitang ihatid" He said. Napahinto ako sa paglalakad at hinarap siya.
"Ay wag na! Nakakahiya, okay lang!" Sabi ko na todo iling. Ngunit napahinto ako sa pag-iling nang pagharap niya sa akin ay nakita kong may katawag pala siya sa kanyang cellphone!
Pangalawa na to! Uumpog ko na ulo ko!
Napataas ang isa niyang kilay sa akin habang may naglalarong ngisi sa kanyang labi, may katawag parin. I akwardly smiled at him and slowly walked away
"Okay, bye...I'll call you again when Im home"
Nakalabas na ako sa carenderia at agad na nag abang ng trycicle sa kanto. Nakakahiya yung ginawa ko kanina! Napaka-assuming! Sobrang pagkapahiya na ang nagagawa ko sa harap niya ah!
Napatadyak ako sa inis nang magdaan ang ilang minuto ay wala parin akong trycicle na makita, ngunit maya-maya pa ay may isang sasakyan na huminto sa harap ko.
Napa-atras ako at nasa isipang tumakbo kung sakaling may masasamang tao sa loob, ngunit bago pa ako makatakbo ay binuksan ng tao sa loob ang bintana. It revealed Luciano's face, He was illuminated with a dark yellow light from his car, and he looks intimidating.
"Neta right?" Sabi niya at dahan-dahan naman akong napatango.
"Come, ihahatid na kita. It's already nine pm, It's not safe for you to be alone...especially because you're a girl" he said and looked away.
Napabaling ako sa kalsada at sa kanya, nakaka enganyong maki-sakay nalang sakanya dahil nga mukhang wala nang daraang trycicle pero dahil sa ideyang hindi ko siya kilala ay umayaw ako.
"Ah wag na! Okay lang! Sanay na ako, baka maya-maya may daraan nang trycicle" sabi ko at mabilis na umiling. Shit.
"Look, I won't harm you" napahalakhak siya "Im going to take you home safely, okay? Besides I will go to the hacienda and I believe na doon lang din ang bahay niyo banda?"
Char...pang pageant may pa 'I believe' pa nga
Nagdadalwang isip pa ako kung sasabay ba sa kanya, pero nang natantong mukhang wala na ngang daraan na trycicle pa ay tumango nalang ako, at sumakay na.
_____
• NISSIN •
BINABASA MO ANG
The Answers Behind The Lies
Подростковая литература[On-Going] Are you willing to sacrifice your friendship over love? Or are you willing to sacrifice your love for your friendship?. You must only choose one, even though it's gonna be the cause of your breakdown.