"Sino ka ba?"
Tanong ko habang nakakrus ang magkabilang braso sa aking dibdib at nakataas ang isang kilay.
Hindi ko kasi siya nakikita dito sa hacienda, ngayon lang.
"Hmm, does it matter?"
Sana all english spokening.
"Edi wow, mahulog ka sana, tche!" sabi ko at tumalikod na upang umuwi, may gagawin pa kong project noh!
Kunot noo akong lumapit kay tatay, badtrip parin sa nangyari. "Tay! Uwi muna ako! Gawa lang ako ng project" sabi ko kay tatay habang tinatago ang mga galos ko.
"Oh sige apo, magsaing ka na rin, bibili lang ako ng ulam pag-uwi"
Tumango ako kay tatay at umuwi na. Nagsaing muna ako at pagkatapos ay ginawa na ang mga project ko.
Maya-maya pa ay narinig kong bumukas ang pinto at agad akong tumayo at nagmano nang makitang si nanay ang pumasok.
"Hi Nay! Kamusta? San ka pala galing?" Tanong ko habang tinutulungan siyang ilapag ang mga bitbit niyang gulay.
"Ahh, dyan lang kina Aling Susan, nagpapatulong siya sa paghaharvest ng mga gulay niya, binigyan rin ako ng mga gulay" ibinibaba ni nanay ang basket niya na may mga laman na gulay at hinagkan ako sa noo.
Tumango ako kay nanay at bumalik na sa paggawa ng project ko, actually last week pato pinagagawa pero mas gusto kong gumawa pag malapit na deadline eh.
Patapos na ako nang may biglang sumigaw sa labas ng bahay.
"Neta! Neta! Asan ka naaaaaa!?"
Putik naman tung si Anne oh, ang layo layo pa sumisigaw na, akala mo naman may sunog, ang sakit kaya sa tenga ng boses niya.
Bumungisngis ako nang may nagreklamo na namang kapitbahay sa kanya.
"Punyeta Anne! Paki hinaan mo boses mo! Ang layo pa ng bahay nina Natalyn oh! Juskong bata to araw-araw parang bombo radyo!"
Lumabas ako ng bahay at hinintay siya, nakita naman ako ng gaga at agad akong kinawayn habang tumatakbo at sumisigaw.
"Neta! Neta! Hulaan mo kung ano dala koooo!" Sabi niya habang winawgayway niya ang isang kahon ng cellphone.
"Cellphone?"
"Oo! Binilhan na ako ni mama! Yehey! Ngayon makikita mo na crush ko!"
"Nay, andito si Anne" sabi ko kay nanay habang pumapasok kami sa loob.
"Oo halata eh, malayo pa dinig na dinig ko na"
"Hi Nanay Janna!" Nagmano siya kay nanay at hinatak ako.
"Lika dito, papakita ko crush ko" sabi niya habang hinihila niya ako patungo sa bakuran namin, at pagkatapos ay may pinindot-pindot siya dun sa kanyang cellphone.
"Bago nanamang crush yan? Grabe bilib talaga ako sayo, landi mo talaga, lika nga pakurot, isa lang" nangigigil na sabi ko at kinurot ang pisngi nya.
"Aray! Tatadyakan kita eh! Oh! Eto oh, wag mo agawin ha" at pinakita naman ng lukaret ang picture, pero sandali parang may kamukha siya. Napatulala ako habang ina-alala kung saan ko ba nakita tong lalaking to.
"Hoy! Natulala kana! Akin lang tong crush ko, kay Kyle ka lang no!" Singhap niya at inirapan ako.
"Woiii, sayo na yang crush mo! Sakasak mo sa baga mo tsaka may Kyle na ako! Ano kasi eh, parang nakita ko na siya" nakatulala parin ako habang iniisip ng mabuti kung saan ko nga ba nakita tung taong to.
Aha! Siya yung unggoy!
_____
• NISSIN •
BINABASA MO ANG
The Answers Behind The Lies
Novela Juvenil[On-Going] Are you willing to sacrifice your friendship over love? Or are you willing to sacrifice your love for your friendship?. You must only choose one, even though it's gonna be the cause of your breakdown.