Chapter 10

8 1 0
                                    

My most hated day, Monday.

Tinatamad talaga akong mag-aral, pero pag gumimik, ang energetic.

Pahikab-hikab akong naglakad patungo sa eskwelahan namin, napahinto lang ako ng tumunog ang cellphone ko.

Mama:

Nak, uuwi ako next week, miyerkules.

After many months ngayon lang talaga siya nag text sa akin. Napabuntong-hininga nalang ako at nagpatuloy na sa paglalakad.

Pake ko kung uuwi ka

Nang nakapasok at naka-upo na ako sa room namin ay agad na pumalibot ang mga kaklase ko sakin, halatang mga cheese. Cheesemoso at cheesemosa. Nagkunwari nalang akong nagbabasa-basa at hindi sila pinansin, kahit na halatang-halata na gusto nilang kunin ang atensyon ko, ang iba'y umu-ubo ng peke, kunwaring nahuhulog ang ballpen at iba pang nonsense na bagay. Bored kong ibinaling ang tingin sakanila at bumuntong-hininga.

"Oh? Gora, magtanong na kayo mga dakilang tsismosa"

At dahil sa sinabi ko agad na isinatinig nila ang kanilang sari-sariling tanong, nagmukha nga silang reporter na inambush ang isang artista.

"Kumusta ka Lyn?"

"Anong ginawa ni Kyle?"

"Nakalusot nanaman ba?"

"Okay ka na ba?"

"G*go i report na natin sa pulis yan!"

"G*go ka, nireport na yun pero nakalusot!"

"Andito lang kami Natalyn"

"Guys group hug"

"Mag solo ka ng group hug, ambaho mo kaya"

"Kung kailangan mo ng tulong nandito lang kami"

Napangiti ako sa mga sinasabi nila, kahit yung iba nakaka-irita. I appreciate every words they said to comfort and show worry and support on me. I love them. Ang tanging nagawa ko lang ay tumango at sinabi sakanilang okay lang ako.

"Eh Neta, hindi na maganda yung ginagawa ni Kyle ah? Dapat aksyonan na natin yan!" Sabi ni Ella, yung mahilig makipag-away sa room namin.

"Mag rally kaya tayo sa harap ng munisipyo?" Dagdag ng isang classmate kong tamad.

"Tamad ka ngang tumayo kapag flag ceremony tapos may nalalaman kapang rally-rally!?" Supalpal sakanya ng bida-bida kong klasmeyt, pero dahil mukhang nasa mood si Erik 'the tamad' at napikon, ay sinunggaban niya si Edward 'the bida-bida'.

Napa iling-iling nalang ako at umupo ng maayos ng nakitang papasok na ang prof namin, agad din namang tumahimik at bumalik sa kanya-kanyang upuan ang mga timang.

Lumipas ang sampung minuto ay nagpakita si Anne, as usual late nanaman ang gaga.

"GOODMORNING SIR! GOODMORNING CLASSMATES! SORRY IM LATE! MAY I STILL COME IN!?" Pasigaw na sagot ni Anne.

Nang sinagot siya ni Sir at pinapasok ay ngisi-ngisi siyang pumunta sa tabi ko.

"Bakit ka nanaman ba late?" Sabi ko sakanya ng nakaupo na siya sa upuang katabi ko.

"Napu-"

"Hulaan ko, "Napuyat ako kaya late akong nagising" noh?" inunahan ko na siya sa kanyang sasabihin, at bumungis-ngis lang siyang tumango.

Ano kayang ginagawa ng babaeng to, at bakit parang puyat kada gabi?

Napa-iling nalang ako at ibinaling ang atensyon kay Sir Hermosa na nagtuturo.

The Answers Behind The LiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon