Chapter 14

4 1 0
                                    

I immediately blocked and ignored the number. I tossed my phone and stood up. Nagpaikot-ikot ako doon sa kwarto ko at hindi mapakali, iniisip kung saan niya pwede nakuha ang number ko. As far as I remember si Mama, Anne, Teacher ko, ibang classmates at si Luciano lang ang may alam ng bagong number ko. Hindi naman siguro ibibigay ni Anne ang number ko kay Kyle dahil alam naman niyang galit na galit ako sa taong yun.

May posibilidad na nakuha ni Kyle ang number ko sa school, kung gusto niya makukuha niya talaga. Matagal na akong nagpalit ng number para hindi na niya ako ma contact, but he found a way again.

Napasapo ako sa ulo ko at piniling umupo at mag relax muna sa kama hanggang sa nakatulog ako.

Kinabukasan ay kabado akong pumunta sa school at baka andun si Kyle, buti nalang at nakapasok ako sa school hanggang sa room na hindi nakikita ang mukha niya. Pero bago pa ako makapasok sa school ay napansin ko na may mga construction worker doon sa lumang building, katapat lang ng building namin. May mga estudyanteng nag kukumpulan at tumitingin-tingin sa kung ano ang ginagawa nila. Mukhang i re-renovate na yata nila yung old building.

Tutuloy na sana ako sa paglalakad papunta sa building namin nang may namukhaan ako.


Wearing a white hard hat with a leather boots, maong jeans and tucked-in white polo shirt, I knew it was Luciano. Nagtaka ako kung bakit siya andito at wala sa hacienda

Nagmadali na akong pumunta sa room at ibabalita kay Anne na nandito si Luciano sa school. Pero pagpasok ko sa room ay wala pa siya at malapit nang magsimula ang class, kaya nag text nalang ako sakanya na andito si Luciano at dalian niya.



Maya-maya pa ay pumasok na ang prof namin kasabay si Anne na hinihingal at napakagulo ng buhok. Napakunot ang nuo ko nang tinaliman niya ako ng mata at padarag na naupo sa tabi ko. Tinaasan ko siya ng kilay at binulungan kung anong problema ngunit inirapan niya lang ako.

Napakibit balikat nalang ako at nakinig sa Prof namin. Habang nakatalikod ang prof namin dahil may sinusulat siya sa board ay hinatak ni Anne ang buhok ko. Napadaing ako at napatingin sakanya, napalapit ako ng konti nang may binulong siya.

"Gaga ka, nagmadali ako dahil akala ko andito si Luciano, sinungaling kang bruha ka—"

"Yes Miss San Juan and Miss Espiñoza?"

Napatingin kami ni Anne sa aming prof at napatuwid ng upo.

"What were the two of you whispering about? Can you speak it out loudly and share it with the class?" Taas kilay na tanong ni Ma'am samin. Napayuko ako at napa-iling, napayuko din si Anne at nag sorry.

Pagkatapos pagalitan ay tumingin ako kay Anne at sinamaan siya ng tingin nang nakita kong inirapan na naman niya ako, ngunit hindi ko mapigilang mapangisi dahil dun sa rason niya. Pinigilan ko nalang ang pag angat ng magkabilang labi ko ngunit hindi ko talaga mapigilan. Napatingin si Anne sakin at inambaan ako ng kurot, napatigil ulit kami ng biglang tumingin ang prof namin. Yumuko ako at doon nalang tinago ang ngisi ko.

Nung lunch na ay patuloy parin sa pagsusungit si Anne sa akin, hindi niya ako pinapansin pero sumusunod naman siya sa akin. As usal umupo kami sa table na madalas naming kainan sa cafeteria at doon na ako napahalakhak sakanya.

"Hoy, totoo yung text ko sayo na nandito si Luciano! Kung sana maaga-aga kang dumating ay nakita mo siya!" Ngisi-ngisi kong pang-aasar sakanya.

"Eh sa wala talaga akong nakitang Luciano kanina! Paasa ka! nagmadali pa naman ako ng husto, hindi ko pa nga nasusuklay buhok ko bwisit ka" and for the nth time, she rolled her eyes on me.

I just maked face on her and decided to line up to get some food. Hindi na siya tumalak at sumunod nalang sa akin. Pag upo namin pabalik sa table ay doon ko sinabi sa kanya na nag text si Kyle kagabi sa akin.

"Ano?? Paano?? Paano niya nakuha number mo?"

"Hindi ko din alam" Napakibit-balikat ako at uminon sa shake ko.

"Pano yan? Alam na naman niya number mo, magpapalit  ka ba ulit?"

"Siguro, pero blinock ko naman din, inignore ko lang din message niya"

"Hmm mabuti..." Aniya at uminom narin sa shake na order din niya.

Habang tinatapos ang ulam ko ay sinabi ko kay Anne kung saan ko nakita si Luciano

"Nakita ko siya doon sa old building, yung i re-renovate? Sure akong nakita mong may mga construction worker doon at mga sasakyan"

"Oo, may nakita nga akong mga construction worker kanina... nag cat-call pa nga sila sakin mga ulol, kairita"

"Sexy ka kasi miss..." kinindatan ko siya ngunit inambahan naman niyang itatapon yung tray sa mukha ko. Napa-tayo ako at napahalakhak habang iniiwasan siya. Bumalik ako ng upo sa table ng nakitang huminahon na siya at busangot nalang ang mukha.

"Anyways, Anne. Nakita ko siya kanina na nakasuot nung construction hat na color white, Diba yung white is for the Engineers? Engineer ba siya?"

Biglang lumiwanag ang mukha niya at lumapit ng upo sa akin.

"Ha, nakita mo siyang naka suot ng ganon? May posibilad na Engineer siya! Engineer ang mapapangasawa ko!!!"

Tuwang-tuwa siya at para siyang nanalo sa lotto. Napa-iling nalang ako at tumayo na upang pumunta sa next subject, pero bago pa ako maka hakbang ay hinatak ako ni Anne pabalik sa upuan at tinuro ang counter.

"Neta, Si Luciano" bulong niya sakin habang di makapaniwalang nakaturo sa may counter.

Tiningnan ko ang counter at nakitang si Luciano nga yun kasama ang Dean at nag-uusap, nakita ko siyang bumili ng tubig at umalis kasama parin ang dean habang may pinag-uusapan.

Pagkatapos nilang umalis ay sinulyapan ko si Anne na nakatunga-nga parin at ang paningin ay nandun parin sa may counter. Napabuntong-hininga nalang ako at pinulot yung nahulog na ballpen ko dahil sa paghatak ni Anne kanina. I clapped twice in front of her face and called for her.

"Mala-late na tayo, abangan mo nalang pag-uwi natin"

"Neta! Tama ka! Andito si Luciano! Tama, aabangan ko siya mamaya" her eyes sparkled with joy.

"Kung meron pa siya mamaya..." bulong ko

"Ano? Anong sabi Mo?"

"Wala, sabi ko pasok na tayo" tumayo na ako at nagsimulang lumakad paalis.

Pumasok na kami sa Afternoon classes namin at nakinig. Si Anne ay atat na atat nang lumabas at palaging naka-tutok sa wall clock. Hindi ko nalang siya pinansin at nagpatuloy sa pagta-take notes.

Nung out na namin ay sobrang laki ng ngisi niya at sinabihan pa akong magmadali sa pag ligpit ng mga gamit ko, ready to go na talaga siya.

Hatak-hatak niya ako pababa sa building at kinaladkad patungo sa old building.

"Magdahan-dahan ka nga! Madadapa na ako sa ginagawa mo!" Hindi niya ako pinansin at patuloy lang siya sa pag takbo, naka-abot kami doon at agad na hinanap si Luciano. Nang nakitang walang Luciano ay linapitan ni Anne ang isang construction worker.

"Ah manong, sino po yung engineer niyo dito? Asan po siya? Umuwi na ba?" Sunod-sunod na tanong ni Anne sa isang construction worker na naka-upo at nagpapahinga.

"Ahh yung engineer ba kamo? Wala na umuwi na si Mr. Laurencio"

_____
•NISSIN•

The Answers Behind The LiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon