Chapter 8

9 2 0
                                    

"HAHAHAHA, OMG! Aaminin ko Neta, Ang tanga mo!" Napahalakhak si Anne ng napakalakas habang kumakain kami ng lunch dito sa cafeteria ngunit napa ubo-ubo siya nang mabilaukan.

Hindi ko kilala 'tong babaeng to

Tinitingnan siya ng mga studyante na para bang isa siyang babaeng nasisiraan ng bait.

I just told everything to Anne, including those embarassing moments that I did infront of Luciano yesterday, I also told her about Luciano giving me a ride.

Nung gabing yun habang hinahatid ako ni Luciano, palagi akong nakatingin sa may bintana, hindi sumusulyap sa kanya. I was so embarrased that night! The atmosphere inside his car was so akward that I could almost hear crickets, I only looked at him when I got off his car, thanked him and then runned away.

Napa-irap ako at napasandal sa upuan dahil tapos na akong kumain, uminom ako ng tubig habang tinitingnan si Anne na tumatawa parin habang umiinom ng tubig, ni hindi niya matuloy-tuloy ang pag-inom dahil bigla bigla nalang bumubungisngis.

I just looked at her boringly while she was almost dying from laughing, napa-buntong hininga nalang ako at binaba ang tingin sa walang laman na plato sa harap ko.

Wala na sira na ang babaeng to

"Ha.." Napabungisngis parin siya "...Haha! Buti ka pa Neta palagi mo siyang nakikita samantalang ako noon hanggang picture lang!" Aniya. Inirapan ko lamang siya at nilaro-laro ang kutsara sa harap ko.

"Ay nga pala Anne, kung sa picture mo lang pala siya nakikita, paano ka nagkagusto sakanya? Dahil lang ba sa gwapo siya?" Tanong ko at pinagsingkitan siya ng mga mata.

"Hmm...Let's just say na nakita ko ang picture niya sa social media dahil may nag share, at yun! Na curios ako so I stalked him, and tadaah! I just suddenly got a big fat crush on him! But I didn't expect that he will be just from our province!" Sabi niya at napangisi.

For the nth time I sighed and got up when I noticed that she's already done eating her food and she's just talking nonsense to me. Habang naglalakad papuntang room namin ay napa-isip ako bigla na malapit na pala mag third sem!, Dalawang buwan nalang at aalis na siya!

"Neta, break na kami ni Gerald"

Napahinto ako sa paglalakad nang bigla niyang sinabi yun. Napasinghap ako sa pinandilatan siya ng mga mata.

"ANO!? GAGA! BAKIT!? NANAMAN!?"

Napakamot siya sa kanyang batok na balisa. She doesn't want to answer my question so I squinted my eyes on her and crossed my hands over my chest.

"Wala... boring na" at peke pa siyang tumawa.

Napabuntong-hininga nalang ako at naglakad na papuntang room. Sanay na ako.

May iba nanamang natipuhan

"Neta, pupunta kaba ng hacienda ngayon?" Tanong sa akin ni Anne nang nakapasok na kami sa room at umupo.

Napatingin ako sakanya at napa-isip.

"Alam ko binabalak mo" sabi ko sakanya at napangisi naman ang gaga "Gusto mong makita si Luciano no?".

Napa iling-iling nalang ako sakanya at tinalikuran siya upang hanapin ang notebook ko. Matunog siyang ngumisi at maya-maya pa ay yinugyog ako.

"Sige na Neta! Pagbigyan mo naman ako oh! Crush ko siya noon pa! Gwapo siya, matalino at responsable, kaya naman ako na ang da-damoves at baka maunahan pa ng iba!" Proud na sabi niya at pinatong ang baba niya sa balikat ko't niyakap ako. Nagpapa-cute.

Napairap nalang ako at tumango na, walang magawa.

Pag-uwi namin parang nanibago ako na walang tumatawag kay Anne at sumusundo sa kanya sa may gate. Nakakapanibago ring nakakasabay ko na siya sa pag-uwi.

Minsan mas mabuti pa talagang walang jowa

"Neta, magbibihis lang ako ha? Magkita nalang tayo dito sa kanto"

"Okay" buntong hininga ko.

Nagpa-alam na ako kay Anne nang nakarating na kami sa may kanto namin, pero bago pa ako makapaglakad papunta sa bahay namin ay tiningnan ko muna siyang mawala at lumiko sa kanto nila bago ako tumalikod at lumakad.

Pagkarating ng bahay ay naligo muna ako at nag linis muna ng pambahay. Knowing Anne, sigurado akong matagal pa yun dahil todong ayos ang gagawin nun, sana nga lang nandun si Luciano sa hacienda.

Nag ayos-ayos ako ng mga gamit ko sa cabinet at umupo muna sa isang silya ng matapos. Napatingin ako sa wall clock na nakasabit sa itaas ng kusina at napagtantong isa't kalahating oras na ang iginugol ko sa pag aayos at hanggang ngayon wala parin si Anne. Pawis na pawis na rin ako at baka kailangan kong mag half-bath.

It's already 6pm, 2 hours has passed. Still no Anne showing up. Grabe naman sigurong pag-aayos nun, nag gown na siguro yun!

Tumayo ako mula sa pagkaka-upo at napag isipang mag half-bath nalang. Pagkatapos kong manghilamos at mag-bihis ay umupo nalang muna ako sa sofa at in-on ang tv na kaharap nito.

An hour passed again and I concluded that Anne is not going anymore, kaya naman nagluto nalang ako ng makakain ko at pagkatapos ay hinugasan ang mga plato tapos bumalik sa panonood ng telebisyon, ilang minuto ay biglang tumunog ang cellphone ko hudyat na may nag-text. Kinuha ko iyon sa gilid ko at tiningnan ang text.

Gagang Bruhang Hindot:

H0y Neta! Srry ha! Nndto ksi si Grld na lasIng na lasng! Naghihimutok, bailkan ko dw sya!

Napabuntong hininga ko nalang inirapan ang cellphone ko at binaba sa kandungan ko. Hindi ko matukoy kung sino ba talaga ang lasing, Si Gerald ba o siya, para kasing lasing kung mag-type.

Alien po talaga siya.

Pagka alas-otso ay naisipan ko nang matulog, at dahil biyernes ngayon at pansamantalang lumuwas sila Aling Susan sa syudad para mag bakasyon ay sigurado akong mahaba-habang tulog to.

Nag inat-inat ako at handa nang humiga sana nang biglang may malakas na kumatok sa pintuan ng bahay. Sa pag aakalang si Anne iyon ay agad akong pumunta sa pintuan upang pagbuksan siya.

"Ano bayan! Ang lakas mo namang kumatok! Plano mo bang sirain ang pintuan kong bruha ka!?" Sabi ko habang binubuksan ang pintuan ngunit agad na nanglaki ang mga mata ng makita kung sino ang nasa labas.

With a bloodshot red eyes staring darkly and angrily at me with a scent of liquor, I can sense that he's madly drunk.


"K-kyle w-what are you doing here!?"

_____
• NISSIN •

The Answers Behind The LiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon