Chapter 6

8 2 0
                                    

I stared at him while he was walking and talking to the harvesters.

Dahil hindi ko naman siya masyadong nakita at napagmasdan nung una naming pagkikita ay hindi ko matukoy kung ano-ano ang mga ipinagbago niya.

Now that I saw him standing, I can purely figure out that he's damn tall. Mukhang hanggang dibdib lang siguro ako.

Alam ko na kung bakit nagka-crush si Anne sakanya. With his messy long shiny hair, broad shoulders, pointed nose, nice and fit body, tall and damn handsome face. Surely girls crave for him.

Woh! Napa english ako dun ah?

Napa-iwas ako ng tingin nang bigla siyang tumingin sa gawi ko. Nagkunwari ako na tumitingin-tingin sa kadena na nakakabit sa gulong at hinawak-hawakan ito, kunwaring namamangha.

Parang timang

Pagkatapos ng ilang minuto ay ibinaling ko pabalik ang aking paningin sa kanya upang makita kung umalis na ba siya, nang nakitang wala na siya sa pwesto niya kanina ay naipalibot ko ang aking paningin upang hanapin siya, ngunit bago pa ako maka-harap sa bandang kaliwa upang hanapin siya ay may bumulong na sa tainga ko.

"Looking for me?"


AY SHUTA!

Bahagya akong napatalon at napahawak sa dibdib ko. Nagulat ako dun ah! Napa-ayos siya ng tayo at bahagyang tumawa. Napalingon ako sa likuran ko at nakita siyang nakangisi.

"Luhh? Asa ka? Sinusundan ko kaya ng tingin yung...yung..."

"Yung?" Napangisi siya.

"Yung...LANGAW! Oo yung langaw! Sinusundan ko ng tingin yung Langaw!" napatango-tango pa ako habang sinasabi yun.

Ngumit siya at parang nagpipigil na humalakhak, napapikit naman ako sa pagkapahiya, napa-ayos ako ng upo at maya-maya ay tumayo at naglakad na pa-alis.

"Hey! Where are you going?" Sabi niya ng nakangisi parin.

"Uuwi na" sabi ko ng hindi siya tinitingnan at nagpatuloy lang sa paglalakad. Sigurado ako ngayon na sinusundan niya ako dahil naririnig ko ang tunog nang boots niya na nasa likuran ko.

"By the way, are you that girl who rolled down here?" At bahagya siyang bumungisngis. Napa-irap ako at hindi na siya sinagot.

Ngunit nung nagpatuloy pa ako sa paghakbang ay natapilok ako dahil sa isang bato! Akala ko mapapa-upo o kaya gugulong ako ngunit bigla niyang hinawakan ang beywang ko.

"Be careful! you might roll down there again"

Nagkatinginan kami at  napatitig ako sa kanyang kulay kayumanggi niyang mga mata.

Napa-ayos ako ng tayo at tiningnan siya ng matalim, inirapan ko lang siya at nagpatuloy na sa pagbaba sa burol.

I glanced him over my shoulder and I immediately said...

"Thank you!"

At kumaripas na ako ng takbo palabas sa kanilang hacienda ng hindi siya nililingon. Umuwi na ako sa bahay at inabala ang sarili sa paglilinis at sa paggawa ng mga proyekto at reports.

Kinabukasan ay sinabi ko kay Anne sa eskwelahan na nakita ko ang dati niyang crush sa hacienda kahapon.

"Luciano hindi Losyangno!" Sabi niya at napakamot nalang ako sa buhok ko at tinanguan nalang siya.

Napahinto siya sa paglalakad, napahinto narin ako at tiningnan siya.

"OMG! Neta! After many months! Wait, months pa ba yun? Last January mo siya nakita diba?" Sabi niya at tumango naman ako.

"Let me rephrase that, OMG! Neta! After 1 year bumalik siya dito sa Triveyo!" Yinugyog niya ako at todo tili naman siya.

Ang ingay naman ng babaitang ito! Pinagtitinginan tuloy kami ng mga estudyante. Tinampal ko ang noo niya at napatigil naman siya sa pagyugyog.

"Aray! Ang sakit! Sabunutan kaya kita!?" Sabi niya at maluha-luhang tinakpan ng kanyang kamay ang kanyang noo. Kitang-kita ko ang pamumula nito at may marka pa ng kamay ko.

Watermark

"Hoy! Annette! Maghunos-dili ka! May boyfriend kana" Sabi ko at nagpatuloy na sa paglalakad at pumasok na sa room namin. Umupo na ako sa silya ko at sumunod si Anne na takip-takip parin ng mga kamay ang noo. Napangisi ako at nagbasa ng libro. Kawawang bata.

Hindi na siya umimik dahil pumasok na rin ang prof namin at nagsimula nang mag discuss.

Pag lunch time ay nagsabay kami ni Anne na kumain sa cafeteria–as usual. At habang kumakain kami ay tinanong ako ni Anne kung ano ang ginagawa niya roon.

"Ayun, nag-uusap lang sila ng mga trabahador nila" sabi ko habang ngumunguya-nguya.

"Yun lang? Pupunta ka ba mamaya sa hacienda?" Tanong niya at uminom ng tubig.

Napatigil ako sa pag-subo at naningkit ang mga mata ko habang tinitingnan siya na umiiwas ng tingin.

"Hoy Annette Rincon, ipapaalala ko lang sayo na may boyfriend ka" sabi ko at tiningnan siya ng maigi. Nagkibit lang siya ng balikat at nagpatuloy na sa pagkain. Ngunit maya-maya ay ibinalik niya ang tanong niya.

"Pero Neta, pupunta ka ba?" Sabi niya at napabuntong-hininga ako, mukhang alam ko na kung ano ang plano niya.

"Hindi, may gagawin ako ngayon" Tumigil siya sa pag-kain at napa-tingin siya sa akin.

"Anong gagawin mo?"

"Magtratrabaho ako kina Aling Susan"

Napatango siya at nagpatuloy na kami sa pagkain at pagkatapos ay bumalik na sa room. Pag-uwi ay sinundo nanaman si Anne ni Gerald at sabay na umuwi. Ina-alok naman nila ako na ihahatid daw nila ako, kaso ayaw ko nang maka-abala at baka maging third wheel pa ako, Wag nalang.

Pumara na ako ng trycicle at umuwi muna sa bahay upang mag-bihis bago pumunta kina Aling Susan. Tuwing biyernes, sabado at linggo nalang kasi ako nakakapag-trabaho sa kanila dahil medyo busy ako, char.

Pumunta na ako kina Aling Susan at tumulong na sa pagbebenta o di kaya'y sa paglilinis at pag se-serve.

Pasado alas siyete ay may isang customer na hindi ko ina-asahan na darating.

"Luciano hijo! Buti at napabisita ka!" Bati ni Aling Susan at pina-upo na si Luciano sa isang Lamesa. Ngumiti si Luciano at umupo rin muna si Aling Susan upang magkamustahan silang dalawa. Tinakpan ko ng Tray ang mukha ko at dahan-dahang umalis papuntang kusina.

"Ay hijo! Ano ang kakainin mo? Sandali lang at tatawagin ko lang si Neta upang ipag-handa ka ng makakain mo"

Nanlaki ang mata ko at agad naglakad papuntang kusina ngunit bago pa ako makapasok ay tinawag na ako ni Aling Susan!

"Neta! Andyan ka lang pala, ikaw muna mag silbi dun kay Luciano" at itinuro pa niya kung nasaan si Luciano. "Sabihan mo lang kung ano gusto niya ha?" At tinapik na ni Aling Susan ang balikat ko bago umalis.

Napabuntong hininga ako at binalingan ng tingin si Luciano na nakatingin din pala sa akin. Napapikit ako ng mariin pinuntahan na siya.

Kainis naman!

_____
NISSIN •

The Answers Behind The LiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon