Chapter 11

9 1 0
                                    

Pagkadinig ko pa lang sakanyang boses ay agad ko nang binaba ang telepono, hindi ko nga alam kung bakit. Basta nataranta nalang ako at agad na pinutol ang tawag.

Sh*t! Nakalimutan ko pala ang phone ko sa bench! Ang tanga mo self, grabe!

Natalyn you deserve a medal!

Pinukpok ko ng maka-ilang beses ng libro ang ulo ko, nakatulala at walang pake kung mapagalitan pa ng prof.

"Miss Espiñoza? Are you still with us?"

Biglang hinampas ng Prof namin ang desk kaya nagulat ako't napatayo.

"Yes ma'am!"

"Good, take a seat" Sabi niya at napabuntong-hininga nalang ako at umupo pabalik. Nagpatuloy naman ang prof namin sa pagdidiscuss.

"So Class, I was saying that these..."

Bumungis-ngis naman ang mga classmate ko at nang-asar, tulala nalang akong nakinig sa prof. Ini-isip ko kasi kung paano ko kukunin ang cellphone ko. Ang tanga kasi eh! Ba't ko ba kasi nakalimutan yun? Nag aalala na ako kanina at baka nanakaw na yung phone ko tas nasakanya lang pala yun?

Shucks buti nalang hindi talaga nawala

Pagkatapos ng panghuli naming klase ay nanghiram ako kay Anne ng phone niya ulit. Todo rant nanaman siya dahil kesyo baka maubos ko daw load niya kakatawag.

"Ah basta dalian mo ha!? May katext ako!"

"Oo na, hindot ka"

"Oy! G*go ka ah! Hindi no!..."

Hindi ko na narinig ang iba pa niyang sasabihin dahil lumabas na ako sa room at idinail ang phone number ko ulit.

Isang ring palang ay sinagot na niya agad.

"Hello?..." sabi ko at kinalma ang sarili.

Bakit ba ako natataranta?

"Yes hello, Is this Neta's friend?" tumikhim ako nang narinig ang strikto niyang boses.

"Uh...Luciano, ako to si Neta"

"Oh yes, hi Neta, I tought this was your friend since the name saved up here named 'Gagang bruhang hindot'"

Hindi ko napigilang matawa nang binasa niya ang naka pangalan sa number ni Anne, May accent pa yung pagkabasa niya eh HAHAHAHA! Natawa muna ako bago ko tinikhim ang boses at pilit na umayos.

"So, saan ko pwedeng kunin ang cellphone ko?" tanong ko.

"Ah! Sa hacienda nalang! Pupunta ako mamaya! Nandun ka ba?" Kinamot-kamot ko ang ulo ko habang nagtatanong.

Gagu, baka may kuto na talaga ako!

"Yes, sure! Im just there, just call me— I mean your phone, when you're already there! Ay nandito nga pala cellphone mo" huminto siya sa pag sasalita at bumulong-bulong "ambobo putik" dinig kong aniya.

Mahina akong natawa, nagpa-alam na at inend ang call at isina-uli kay Anne ang kanyang phone.

"Sino bang katawag mo? Matagal-tagal ah?" Sabi niya at nag scroll-scroll sa history logs.

"Ay wala yun!"

Tumingin siya sakin na para bang hindi makapaniwala, matapos niyang tingnan ang history logs.

"Nababaliw kana ba? Tinatawagan mo sarili mong phone? Ano? Para sabihing may boyfriend kang tinatawagan? Ulol mo Neta, baliw! Walang jowa! Hmp! Ma-uubos mo load ko, nyeta ka"

"Bahala na, basta thank you. Lumayas ka na din, diba sabi mo may ka text ka?"

"Ay oo nga pala! Yung ka text ko is barkada daw ni Luciano my loves, Ilalakad niya daw ako kung...pagbibigyan ko daw siya" nagbigay siya sakin ng isang makahulugang tingin tuwing magpapadilig siya. Umiling-iling nalang ako at umalis na para umuwi at makuha ang phone ko.

Gagang hindot na bruha talaga, wasak

Umuwi na ako, nagbihis at pumunta na sa hacienda. Pagkarating ko roon, tinanong ko si Manong Luca kung nasaan si Luciano.

"Ah! Nandun ata sa barn hija, nakita ko siyang papunta doon"

"Ah, Sige po Manong, salamat"

Agad na akong pumunta sa barn na nasa likod lamang ng kanilang mansiyon, ngunit bago pa makarating doon, mapapadaan ka muna sa mga tubo at mais. May pathway naman sa gitna kaya madaling makarating.

"Uy si Neta!" Nakita kong siniko-siko ng isang trabahador ang katabi niya na sa tingin koy ka edad ko lang.

Napatingin ako sakanila at magalang na ngumiti, pati na rin sa ibang trabahador na kakilala ko na noon paman nung nagtratrabaho pa si tatay dito.

"Uy nginitian tayo! Partida kinikilig ka na no?"

Dumiretso nalang ako papasok at hinanap si Luciano, agad ko naman siyang nakita dahil matangkad siya, at tsaka nag sta-standout siya sa lahat.

Ang gwapo bes!

Nang tumingin siya sa gawi ko ay kinawayan ko siya. Ngumiti at kumaway siya pabalik sakin at sinenyasan akong lumapit. Lumapit nga ako sa kanya at nagtanong.

"Hi, asan yung phone ko?"

"Ah, your phone is in my office, can hou wait for me here? We'll go there together, I have to run some errands first."

"Sure!" Sabi ko at nagpa-alam muna siya na may kakausapin lang siyang trabahador.

Habang naghihintay sakanya, naghanap muna ako ng mau-upuan, napalinga-linga ako at huminto lamang nang lumapit sa akin yung trabahador kanina na sinisko-siko ng isa ding trabahor.

"H-hi...? ako nga pala si R-roberto" sabi niya ng nauutal-utal.

Bahagya akong natawa at nahihiyang nag-iwas ng tingin naman siya.

"Uh, Hi! Ako si Neta"

"A-alam ko hehe" kamot sa ulo niyang sagot. "Naghahanap k-ka ba ng mauupuan? May upuan dun sa bandang dun!" May itininuro siyang banda na may mga upuan nga. "Pwede ka munang u-umupo dun" nahihiya niyang tugon.

Tumango nalang ako sakanya at sumunod. Nauna siyang naglakad papunta doon at sumunod ako, umupo ako doon at napatingin-tingin sa paligid.

"Ah Neta, M-matanong ko nga kung bakit ka narito? Hehe" Kamot-kamot niya nanaman ang ulo niya.

Hala baka same kaming may kuto nito

"Ah! May naiwan kasi akong gamit, kaya kailangan kong kunin"

"Ah, ganun ba?" Aniya.

Tumango ako kay Roberto at nagpatuloy naman siya sa pagtalk. Feeling close si koyah.

Habang hindi pa bumabalik si Luciano ay nakipag-usap nalang muna ako kay Roberto. In fairness may itsura din siya! Moreno, matangkad at gwapo! Nakaka-aliw din siyang kausap, nagtataka nga ako kung wala ba tong trabaho at pwedeng makipagdal-dalan.

Napasarap ang pagkwe-kwentuhan namin, at napa-upo na din siya sa katabing upuan ko.

"HAHAH! Oo! Ako din–"

Natigil lang kami sa pakikipag-usap nang dumating si Luciano. Ni hindi ko nga napansin na nakalapit na pala siya sa amin eh.

"Focus on your work everyone"

Mariing sabi ni Luciano para sa lahat, ngunit ang mga mata ay sa amin nakatuon.


_____
• NISSIN •

The Answers Behind The LiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon