"Ang sad mo naman, hindi mo siya nakita" asar ko kay Anne at nag sad face.
"Kainis ka naman! Wag mo nga ako asarin! Babalik din yun, makikita ko rin siya! Hmp!" umaktong iiyak pa siya.
"Sabi mo eh" nagkibit-balikat ako at nagsimulang tupiin nalang ang mga damit ko na bagong laba.
Dahil hindi namin nakita ang crush ni Anne kahapon, umuwi siyang malungkot at ngayon naman ay pumunta sa bahay at nag e-emote.
"Neta, diba nakita mo siya nung isang araw?"
"Oo, bakit?"
"Describe mo naman siya oh, nakita mo kasi siya ng personal, di gaya ko na hanggang picture lang huhuhu"
Napatigil ako sa pagtutupi at inalala ang mukha ng crush niya, napa tingin ako sa kisame at inalala ng maigi kung ano nga ba itsura non nung nakita ko siya.
"Para siyang tao"
"Neta naman eh parang sira"
"Totoo nga! para siyang tao"
"Gusto mo bang masaksak?"
"Hoy ang brutal mo"
"Sabihin mo na kasi!"
"Di ko siya masyadong naaninag kasi nasa itaas kasi siya tsaka agaisnt the sun. Akala ko nga maligno eh pero naaninag ko naman yung mukha. Ah basta! kagaya lang nung nasa picture, ang hirap mag-explain"
Sinimangutan niya ako at tumalikod. Sumilip ako sa ginagawa niya at nakitang tumitingin lang pala siya sa picture ng crush niya.
"Ilang taon na ba yan?" Bulong ko sa tenga niya, nagulat naman siya at nilayo ang mukha ko sa mukha niya.
"Neta naman eh!" Napahalakhak ako sa kanya kasi parang nagulat talaga siya. Nag isip-isip muna siya bago sumagot sa tanong ko.
"Nag-stalk ako sa fb account niya, tiningnan ko birthdate niya at nakitang 20 years old na siya" At tumili pa siya.
"Yuck! Nagkagusto ka sa mas matanda sayo ng higit apat na taon? Yan na ba trip mo?"
"Gusto ko matured noh!"
Napailing nalang ako sa kaniya at nagpatuloy sa pagtutupi ng damit.
KINABUKASAN ay nag handa na ako para sa pagpasok sa eskwela, pagka-uwi ko naman ay tumutulong ako sa karenderia nila Aling Susan upang may maipang tustos ako ng konti para sa baon ko habang wala pang pinapadalang pera si Mama. Yan palagi ang ginagawa ko araw-araw. Minsan naman pag walang masyadong customer kina Aling Susan ay pumupunta ako sa hacienda at nagmumuni-muni o gumagala kasama si Anne at dahil malapit na ang moving up namin ay walang masyadong klase at preperations nalang.
And as I thought that everything would go well throughout this year...
Mischiefs and unfortunate had been bought up against me...
And all I wanted to do was dissappear...
MONTHS have passed and Anne and I we're now seniors, those pass months have been the worst months in my life. A lot changed and all I wanted was to bury everything including my memories that taunts and hunts me.
January na ngayon at balik-aral na pagkatapos ng new year, excited na excited si Anne at sinabing namiss niya ang school.
School daw, eh boys ang nami-miss niyan
"Beh di ako makapaniwala na malapit na tayo gumraduate! Isang Taon nalang!" Sabay tili ni Anne.
"Ako din, di ako makapaniwalang pumasa ka" at sinabayan ko rin siya ng tili.
"Grabe ka naman!" at binatukan pa ako.
"Aray!"
Nagpatuloy kami sa paglalakad sa corridor ng aming paaralan papunta sa last subject namin ngayong araw nang biglang lumabas ang boyfriend ni Anne na si Gerald.
May bago nanaman siyang boyfriend at kahapon pa niya ito sinagot.
"Hi babe! Hi Neta!" Tumango lang ako kay Gerald at tiningnan sila.
Walang Forever
"Babe magkita nalang tayo sa gate mamaya ha? Bye!" sabay halik niya sa pisngi kay Anne. Napakalaki ng ngisi ng bruha habang kinakawayan paalis ang kanyang nobyo.
"Hoy ang landi! yucks PDA!" Inalog-alog ko ang bruha at tinampal-tampal sa pisngi.
"Dzuh? Inggit ka lang bleh!" inirapan niya ako at nag flip-hair, pakembot-kembot oa siyang naglakad.
Inirapan ko lang siya at nagpatuloy na sa paglalakad hanggang sa makapasok kami sa room. Pero bago pa ako makapasok sa loob ay bigla akong hinigit ni Anne at may binulong.
"Beh, alam mo? Nabalitaan ko kasi na babalik na daw si Kyle"
Nanlaki ang mata ko at biglang tumingin kay Anne.
"Talaga? Ang kapal ng mukha niyang bumalik" Humakbang ako papasok sa room ngunit ayaw bitawan ni Anne ang braso ko, kaya napabalik ako sa puwesto.
"Ano ba? Mapapagalitan tayo kung di pa tayo papasok"
"Okay lang yan! Wala pa naman ang Prof!"
Inirapan ko siya at buntong hiningang hinarap.
"Okay ka lang ba?" concerned na tanong ng bruha sa akin, I just rolled my eyes and sighed.
"Beh past is past na, wala na akong nararamdaman sa kanya pero sana karmahin siya, tanging poot at galit nalang meron sakin"
Hinigit ko si Anne at pumasok na kami sa room, maya-maya pa ay pumasok na ang aming prof at nag discuss. Wala akong maintindihan sa dinidiscuss ng prof namin—as always. Nakatulala lang ako habang iniisip ang sinabi ni Anne.
Uuwi na si ang gagong si Kyle, huh? May mukha pa pala siyang i-uuwi, kapal naman.
Wala ka nang sama ng loob sakanya?
Bumalik sa isipan ko ang sinabi ni Anne, at napaisip. Meron at ang laki-laki ng sama ng loob ko sakanya, hayop siya! Dahil sakanya nagkanda leche-leche buhay ko!
Tulala ako hanggang sa pagligpit ng mga gamit at sa pag-labas, namalayan ko na lang na meron na pala ako sa may gate. Bigla nang nagpaalam si Anne dahil sinusundo na daw siya ni Gerald, nagpaalam na din ako sakanya at pumara na ng trycicle upang maka-uwi, ngunit pagkalabas ko palang ng gate ay may isang lalaki na bumaba sa isang SUV at tinanggal ang shades habang naglalakad papunta sa akin, maraming estudyante ang nagbulong-bulongan at ang iba naman ay tumitili.
Unti-unti kong tininggnan kung sino iyon hanggang sa nakalapit ito sa akin, He stopped inches away from me. I felt my breathing just stop. Kumalabog ang puso ko at hindi ko napigilan ang pag-atras.
"Hi Natalyn, Long time no see" then he smirked.
That familiar and disgusting smirk.
_____
• NISSIN •
BINABASA MO ANG
The Answers Behind The Lies
Ficção Adolescente[On-Going] Are you willing to sacrifice your friendship over love? Or are you willing to sacrifice your love for your friendship?. You must only choose one, even though it's gonna be the cause of your breakdown.