-Myka-
Paulit-ulit na akong napapabuntong hininga habang nagsasagot sa mga activities na malapit ng ipasa. Kailangan ko na 'tong matapos dahil kapag lumagpas na sa time naku po! Malalagot ako sa teacher namin. Napakasungit pa naman.
"Uy ate Myka!"
"Ay kabayong palaka!" Halos mapatalon na ako sa gulat dahil sa biglang pagsulpot ng gwapo kong pinsan dito mismo sa tabi ko.
Jusmeng bata! Hindi marunong kumatok basta na lang pumasok. Ninenerbyos na siguro ako kakainom ng kape. Ilang araw na rin kasi akong nagpupuyat sa mga pinapapasa.
"May kabayo bang palaka ate?" Nagtatakang tanong ni Riku at tinagilid nya pa ang ulo nya.
Napakacute talaga nitong pinsan ko! Malapit na syang mag 7 years old kaya naisip ni Tita na magkaroon kami ng outing. Pupunta sana kami sa beach kaso lang na-cancel kasi nga hindi pwedeng lumabas. Naalala ko tuloy bigla yung nakita ko sa tv.
"Isang virus ang kumakalat ngayon at pinag-iingat ang lahat. Ideneklara ng ating pangulo ang enhanced community quarantine sa buong Manila ganoon na rin sa iba pang lugar dito sa Pilipinas," Patuloy sa pagbibigay ng impormasyon ang mga news ankor habang ako naman at natahimik.
Napatulala ako at napahawak sa gilid ng sofa. Noong nakita ko yung announcement sa tv at doon ko lang narealize na totoo nga talaga ang ipinakita ni Mirabelle sa amin. Totoo nga talaga yung virus. Mas lalo lang akong natakot na lumabas. Sabi pa kasi sa balita ay nakamamatay daw ang virus na kumakalat.
Matapos na mag announce na hindi na pupunta sa school ang mga estudyante pero lahat ng mga pinapagawa ng teacher ay ipinapasa online. Parang kailan lang nasa loob pa ako ng maingay namin classroom pero ngayon nandito lang ako at nakakulong sa apat na sulok ng kwarto ko.
"Ate, ok ka lang ba?" Muling tanong ni Riku kaya natauhan ako at tumango.
"Oo naman ok lang ako. Nga pala, ba't ka ba nandito? Nasaan na mama mo?" Hindi lang sya sumagot at sumimangot lang sa akin.
"Hindi mo nga po sinagot yung tanong ko. Hmp!" Ay ang bilis naman magtampo ng batang 'to.
"Ano ba kasi yung tanong mo?"
"Hindi ka rin naman nakikinig. Bahala ka na nga dyan," nakasimangot syang lumabas ng kwarto ko.
Napailing-iling na lang ako at tuluyan ng lumabas ng kwarto. Sa paglabas ko pa lang ay nakasalubong ko si kuya at bihis na bihis sya. Nakasuot sya ng formal attire, naka black suit, black slacks pati sapatos nya nakashine at pati face mask nya black. Mukha syang alagad ng mafia boss.
"Wow! Saan punta mo kuya?" Tanong ko habang tinitingnan ang suot ni kuya.
"May pupuntahan lang akong meeting. Kaya ma, wag mo na akong antayin mamaya ah. Baka kasi hindi na muna ako makauwi. Ang hirap pa naman bumyahe ngayon. Buti na lang talaga may tropa akong pumapayag lang na sumabay ako sa kanya," Saad ni kuya habang inaayos yung brown nyang bag na malaki.
"Sige anak, mag ingat ka ah. Yung tinutukoy mo bang tropa yung may magarang pula na kotse? Yung magandang babae na blonde yung driver? Tropa mo lang ba talaga yun?" Mapang asar na tanong ni mama habang pinaniningkitan pa ng mata si Kuya.
BINABASA MO ANG
Tumigil Ang Mundo
Teen Fiction[Completed ] May isang pangyayari na hindi inaasahan at dahil dito ay marami ang nagbago at maraming nawalan. Ano nga ba ang naidulot nito sa atin? Dahil magkakahalong emosyon ang nararamdaman ni Myka habang nakatulala sa harap ng mga module nya...