•August

110 70 0
                                    


-Myka-

Isang buwan na ang lumipas ng namatay si lola. Pinamalita na rin ni mama ang nangyari sa iba pa naming mga kamag anak. Ang daming nagulat sa balita. Kasi malakas naman talaga si lola. Lumala raw kasi ang diabetes ni lola at hindi na nakatayo pa. Madalas daw syang nakatulala sa may bintana at may kinakausap na kung sino. Pero kapag tinitignan naman sya ng mga kapit-bahay at wala naman daw syang kausap . Sinabi pa ng pinsan ko na minsan daw hindi na sya nakikilala ni lola. Ang sakit lang na makita si mama na umiyak gabi gabi dahil sa pagkawala ni lola.


Sinisi nya pa ang sarili dahil ni hindi nya magawang umuwi. Hindi pa kasi pwedeng umuwi ngayon dahil nga pandemic. Kahit ako nasasaktan kapag naririnig ko yung hagulgol ni mama sa gabi. Hindi ko mapigilan na maluha. Nadudurog ako puso ko kapag naririnig o nakikita ko si mama na humahagulgol at lumuluha. Pero ngayon nakakangiti na si mama kahit papaano.



Mahirap man pero kailangan na tanggapin ang nangyari. Masakit man pero kailangan tiisin at magpatuloy. Dahil gano'n ang buhay. Alam ko, bata pa ako at marami pa akong dadanasin kaya kailangan kong harapin ang lahat ng iyon ng buong tapang at gumawa ng paraan para masolusyonan ang mga problema. Normal lang naman ang malugmok at masaktan pero gaya nga ng sabi ko kanina, kailangan nating magpatuloy. Hindi hihinto ang mundo para lang sabayan ka.



Mas naging malambing ako kay mama ngayon at madalas ko na syang yakapin. Hinahalikan ko rin sya sa pisngi at nagsasabi ng "I love you" kahit pa alam ko na minsan ang cringe pakinggan kapag ako ang nagsasabi. Ginagawa ko rin yun kay Papa, Tita Karen, kuya at kay Riku dahil gusto kong iparamdam sa kanila na mahal na mahal ko sila. Ayoko na antayin pa ang panahon na huli na ang lahat para sabihin at gawin ang mga simpleng bagay. Gusto ko na ngayon pa lang maipakita at maiparamdam ko na sa kanila na mahalaga sila para sa'kin.



"Ate gusto mo?" Tanong ni Riku saka inabot sa'kin yung apple.

Ngumiti naman ako tsaka tumango. Naupo naman si Riku sa kandungan ko at sabay kaming nanood ng mga anime sa tv. Niyakap ko ng mahigpit si Riku at pinisil ang pisngi nya. Ang puti-puti kasi nitong si Riku parang gatas ang balat, yung mata nya naman parang kumikinang at ang hahaba pa ng pilik mata. Minsan kapag tinitignan ko sya naiisip ko na para syang manika. Hindi maipagkakaila na ang ganda nyang lalaki. Kaya nga mahilig syang lagyan ng make up ng kambal.




Siguro kapag nag high school na si Riku malamang na maraming mga babae ang magkandarapa sa kanya. Para na syang heartthrob nyan sa  school na papasukan nya. Mabait naman kasi si Riku at sana hindi sya magbago. Sana lagi syang masarap ibulsa.




"Uy Riku, wag ka magbabago ah. Dapat ikaw pa rin ang baby namin," nakangiti kong wika habang ginugulo ang buhok nya.



Humarap naman sa'kin si Riku tsaka ngumiti ng malapad. "Syempre! Ako lagi ang baby nyo!"


Ngumuso pa sya at nag aktong si super man tapos bigla syang nag dive sa sofa kaya napatawa ako ng malakas.



__

Matapos maghapunan ay ako na ang nagligpit at naghugas ng mga plato. Hinayaan ko na si mama na matulog sa kwarto. Bago ako bumalik sa kwarto ay nanood na muna ako ng mga teleserye. Habang nanonood ay biglang dumating si kuya at halatang halata na may kakaiba sa kanya.



"Uy kuya, anong nangyari sayo?" Nag aalala kong tanong.


"Natanggal ako sa trabaho," Nakayuko nung wika habang may malungkot na tono.




"Hala! bakit?" gulat kung tanong.



"Nalugi na kasi yung kompanya na pinag tatrabahuan ko," muling wika ni Kuya tsaka naglakad papalayo.


Sinundan ko ng tingin si kuya habang papunta sa kwarto. Hindi maipinta ang mukha nya.  Ibang-iba ang itsura nya ngayon kumpara sa itsura nya  kapag inaasar nya ako. Mahirap talagang makipag sabayan sa mga kompanya ngayong may pandemic. Naka dalawang taon pa lang  si Kuya sa trabaho nya. Ang pag kakatanda ko  yung trabaho nya ay yung nag ooperate ng mga magiging byahe doon sa transportation company . Malamang na nalugi yung kompanya dahil na rin walang pwedeng bumyahe ngayon. Sobrang bihira lang talaga ang mga byahe. Halos wala ring mga tao ang nauwi sa mga probinsya dahil sa banta ng virus.





Habang tumatagal mas dumadagdag na kasi yung mga cases ng naiinfect ng virus. Kahit ako hanggang ngayon natatakot pa rin. Hindi ko nga magawang lumabas kahit sa tapat ng bahay na walang face mask at walang dala na alcohol. Baka kasi bigla akong mahuli ng mga tanod at ni kapitana. Ayokong masampal ng face mask at on the spot na  mapaliguan ng alcohol. Nakakahiya yun. Lalo na at may mga chismosa ka pa rin sa paligid. Baka kung anong kwento ang ipagkalat nila.  



Lumipas ang ilang araw at napapansin ko na hindi na masyadong lumalabas si Kuya sa kwarto nya. Nag kukukulong na lang sya sa kwarto nya. Minsan pa naririnig ko na may kumakalabog sa kwarto nya. Malamang na masama talaga ng loob nya dahil sa nangyari. Naalala ko tuloy yung naikwento sa'kin ni Kuya dati na gusto nya na iisang trabaho lang ang gusto nya at kapag nag retire na sya iisa lang ang trabaho na pinasukan nya. Yun yung gusto nyang mangyari. Masyadong na inspire si kuya sa dedikasyon ni Papa.


Si Papa kasi sobrang tagal na sa kompanya na pinag tatrabahoan nya. After nyang makagraduate yun na kaagad yung trabaho nya yung sa cable company. Hindi umayaw si papa kahit pa may mga nangutya at maraming naiingit. Wala raw balak na mag quit si papa hangga't hindi pa sya retire. Mag tatrabaho raw sya hangga't kaya nya pa. Yun din sana yung gusto ni kuya kaso lang nangyari naman 'to.


Hindi lumabas si kuya para kumain ng tanghalian kaya nagpunta ako sa kwarto nya dala yung tray ng pagkain. Dahan-dahan ko munang nilapag yung tray saka kumatok.

"Uy kuya Liam, kain ka na."


Wala akong narinig na sagot pero nararamdaman ko na nakahiga lang si kuya sa kama at lugmok na lugmok ang mukha. Huminga naman aki ng malalim tsaka naupo sa gilid ng pinto.




"Kuya Liam, minsan talaga may mga nangyayari na hindi maganda at hindi natutuloy yung mga plano natin. Oo, nakakainis, nakakagigil, nakakaasar pero hindi tayo dapat huminto. Dapat na gawin nating motivation ang mga nangyari para magpatuloy sa buhay. Kasi kailangan nating lumaban. Hindi pa rito natatapos ang lahat," seryoso kong wika habang yakap ng tuhod ko.



Hindi ko akalain na manggagaling sa bibig ko ang mga salitang yun. Hindi ako sure kung mamomotivate ba si kuya pero nararamdaman ko na nakikinig sya sa kabilang part nitong pinto.


"Alam ko naman na bata pa ako.  Kulang pa ako sa karanansan sa buhay pero gusto ko pa rin magpatuloy at matuto.  Sige na kuya, kain ka na. Iiwan ko lang dito sa tapat ng pinto yung pagkain mo." Matapos kong sabihin yun ay mabilis akong umalis at nagtago.



Ilang sandali lang at binuksan ni kuya ang pinto. Grabe yung itsura nya. Sobrang laki ng eyebags nya at namamaga ang mata nya. Nakakaawa na ang itsura ni kuya. Sa mga oras na 'to parang gusto kong tumakbo at yakapin ng mahigpit si kuya Liam kaso lang baka lalo lang syang magalit at magkukulong sa kwarto nya. Gano'n naman kasi si kuya. Kapag natatalo sya dati sa mga laro nagmumukmok sya. Dinadamdam nya talaga ang pagkatalo kaya lagi syang kinakausap ni papa. Ngayon kasi masyado ng busy si papa sa trabaho. So ngayon, ako na muna ang magsasalita. Hindi ko man makausap ng harapan si kuya sigurado ako na nagets nya yung gusto kong sabihin. Hindi dapat sya sumuko.


Kinuha ni kuya yung tray pero bago pa man isara ang pinto at nagsalita sya. "Salamat, Myka."





Ewan ko pero pakiramdam ko maiiyak ako sa mga oras na 'to. Bihira lang kasi magsabi ng magagandang words si kuya. Parang ang bait nya sa part na yun. Pinagmasdan kong muli ang pinto ng kwarto ni kuya saka ngumiti ng malapad. Laban lang kuya Liam!




_______


Tumigil Ang Mundo Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon