Mag kakahalo-halong emosyon ang nararamdaman ni Myka ng magsimula ang pandemya. Hindi lamang sya ang nakakaramdam ng gano'n kundi ang iba pang tao na nananatili lamang sa kani-kanilang mga bahay. Natakot sya para sa kaligtasan ng kanyang pamilya at para sa sarili, nalungkot sya dahil hindi na sya makalabas gaya ng dati pero lubos syang nagpapasalamat sa may kapal dahil kahit papaano ay kasama nya ang pamilya. Magkakasama pa rin silang nagkakausap at gumagawa ng mga alaala kahit nasa loob lang ng bahay.
Nag sisi rin sya dahil hindi sya masyadong sumama sa mga gala noon. Hindi tuloy sya nakapagsaya kasama ang mga kaibigan bago magpandemya. Pero kahit na gano'n ay nagpapasalamat pa rin sya dahil nakakausap nya ang mga kaibigan kahit pa sa online lang. Hindi nabago ng pandemya ang magkakaibigan nilang tatlo. Pero kapag mag isa na lamang si Myka ay naiisip nya na para bang lumiit ang kanyang mundo. Madalas nya itong naiisip pero sinasabi nya sa sarili na maganda na rin itong oportunidad para mag reflect sa sarili. Mas itinuon nya ang atensyon sa kanyang sarili. Tinatanong nya kung ani ba ang mga bagay na nagawa nya na dati. May mga mabubuti ba syang nagawa? May mga bagay ba na dapat nyang baguhin? Inisip kung ano ba ang mga bagay na dapat iimprove at mga bagay na dapat nyang mapanatili.
Sa dinami-dami ng mga nangyari ngayong pandemya ay sasagi sa ating isip ang kawalan ng pag asa na minsan ay masasabi natin sa ating mga sarili na hindi na tayo kailangan pa. Oo, hindi naman kaagad mawawala ang pag iisip sa mga problema at kalungkutan sa salitang "wag". Hindi mawawala ang galit kapag sinabi mong "huwag kang magalit" o kaya naman kapag malungkot, hindi mo masasabi na "huwag ka ng malungkot". Ang nararamdaman natin ngayon ay mahalaga. Hindi dapat ine-invalidate iyang emosyong nararamdaman mo. Tao ka lang din naman kaya normal lang na tumawa, lumuha, magalit o sa madaling salita ay magpapakita ng emosyon.
May mga tao talaga na huhusgahan ka at aalipustahin ka pero hindi ka dapat magpasindak sa kanila. Dapat na mas maging matatag at ipakita sa kanila na kaya mong bumangon sa pagkakadapa. Mahirap man ang pinagdadaanan ay kailangang magpatuloy tulad ng ginawa ni Myka. Akala nya ay hihinto na lamang sya. Akala nya ay hindi na sya makakapag aral o makakapasok sa college dahil hindu sya nakapasok sa university na gusto nya. Minsan syang nag doubt sa kanyang kakayahan pero naisip nya rin na hindi titigil ang mundo kapag huminto na lang sya.
Hindi pa ito ang katapusan. Magpapatuloy ang ating paglalakabay kung tatagan natin ang ating loob. Mas pairalin natin ang liyab ng ating puso para makamit ang mga pangarap na nais nating makamit. Balang araw ang lahat ng mga sakit at pagdurusa ay mapapalitan ng kasiyahan at kaginhawaan.
BINABASA MO ANG
Tumigil Ang Mundo
Teen Fiction[Completed ] May isang pangyayari na hindi inaasahan at dahil dito ay marami ang nagbago at maraming nawalan. Ano nga ba ang naidulot nito sa atin? Dahil magkakahalong emosyon ang nararamdaman ni Myka habang nakatulala sa harap ng mga module nya...