Simula

161 94 0
                                    



Maikli lang ang buhay ng isang tao kaya dapat na sulitin nya ang bawat sandali sa kanyang buhay. Gumawa ng mga alaala na hindi nya malilimutan, makakilala ng mga tao na kanyang magiging kaibigan at pahalagahan ang mga taong lubos na nagmamahal at pinahahalagahan sya. Ngunit paano kung magbago ang mundo? Paano na lang kung pilit kang itatali sa loob ng isang maliit na kahon?




Magawa mo kayang makatakas? Magawa mo kayang makalabas? O hahayaan mo na lamang na manatili ka sa loob ng kahon na iyon?





Noong una ay masaya pa ako dahil iniisip ko na mabilis lamang ang pananatili sa loob ng kahon. Mabilis lang na babalik sa dati ang lahat.  Puro positibong pag iisip ang nangingibabaw pero habang tumatagal ang napupuno ako ng magkahalong takot at lungkot. Gusto kong isipin na matatapos na ang mga hindi magandang nangyayari pero hindi naman iyon ganon kadali. Bata pa ako at alam kong marami pa akong dadanasin na hirap kaya ayokong sumuko na lang. Pero paano ko nga ba lalabanan ang mga nangyayari?





Gusto kong matapos na ang lahat ng ito dahil masaya naman ako dati. Ginagawa ang nga bagay na gusto ko at malaya lang na nasa labas. Pero nag iba ang sitwasyon ngayon. Paano ko ba masusulit ang panahon na meron ako kung nakakulong lang ako sa isang maliit na kahon? Gustuhin ko man na lumaban ay wala pa rin naman akong magagawa. Hindi sapat ang aking kakayahan at wala naman akong kapangyarihan para ibalik sa dati ang lahat.




Naalala ko pa ng araw na iyon. Yung araw na mag umpisang magbago ang lahat.  Masaya akong naglalakad palabas ng school kasama ang mga tropa ko. Sinamahan ko na lang silang bumili ng kwek kwek at fish ball na paborito  nila . Tapos ako naman ay ice cream ang binili. Naisip ko kasi na mas masarap kumain ng ice cream  kahit medyo malamig. March noon, malamig pa rin ang simoy ng hangin pero di naman ako nag re-reklamo.





Naalala ko pa na hindi ko mapigilan na iangat ang magkabila kong mga kamay at damhin ang simoy ng hangin. Ang lakas kasi maka-commercial ng shampoo yung hangin  pero minsan nakakainis kasi tumataas palda ko kapag masyadong malakas.  Masaya kaming lahat ng  araw na yo'n .  Masayang nagtatawanan na para bang walang problema. Ordinaryong araw lang naman pero hindi ko maintindihan ang sarili ko. Kasi parang kinakabahan ako. Na parang may mangyayaring hindi maganda. Ayoko na mapalitan yung kasiyahan na nararamdaman ko. Kasi kadalasan ang sabi nila kapag masaya ka ay napapalitan ito ng kalungkutan. Mukhang hindi nga sila nagkamali.





Hindi ko akalain na paggising ko ay magbabago ang lahat. Isang nakakabinging umaga ang bumungad sa'kin.  Nanood kaagad ako ng balita at nagulat. Isang balitang kahit kailan ay hindi nanaisin ng karamihan dahil tila tumigil ang mundo...



_______


Date Started/Finished: December 20, 2020- November 26, 2021
Date Posted: September 08, 2021











Tumigil Ang Mundo Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon