-Myka-Ang daming nangyari ngayong taon. Hindi ko akalain na magkakagano'n ang lahat. Parang kailan lang kasi nakakalabas pa kami tapos biglang pinagbawalan lumabas. Syempre mas mahalaga ang kaligtasan ng mga tao at para sa'kin ang taon na ito ng pinaka masakit. Kasi naman maraming nawalan, nasaktan at umiyak ngayong taon. Isa na kami sa mga iyon.
Napansin ko rin ngayon na wala masyadong decoration yung bahay ng iba naming mga kapitbahay di gaya dati. Pakiramdaman ko tuloy walang kabuhay buhay yung ibang bahay. Minsan maingay pa rin may mga nag papatugtog ng christmas songs at ang lalakas pa. Hindi naman ako nagagalit na maingay sila. Mas gusto ko nga yun e para kahit papaano ay ramdam ko ang christmas.
Naalala ko rin pala yung gustong ipabili ni Riku. Binili kasi ni tita yung magandang toy car na remote controlled tapos yung maagas na fridget spinner. Umiilaw kasi kapag pinapaikot na. Sigurado ako na matutuwa si Riku sa regalo sa kanya. Nagiimagine ko na tumatalon sya sa sobrang saya. Hindi pa naman alam ni Riku yung regalo ni tita kasi nga gabi namin binalot yung mga regalo. May binili rin si mama na manika para sa kambal.
Napakabilis talaga ng mga pangyayari. Wala naman ako halos na nagawa ngayong taon. Maliban na lang sa pagpo-procrastinate at ikumpara ang sarili ko sa iba kong kaedad. Pero okay lang kahit puro nood lang ng anime at k-drama yung inatupag ko masaya naman ako. Mas nakakakilig kasi mga napapanood ko.
Apat na araw bago mag christmas ang christmas break namin. Parang di naman kami patutulugin ng nga prof namin kasi nagbigay ng napakaraming gagawin. Parang gusto talaga nila kaming magkabangungot. Tapos lahat ng mga pinapagawa ay ipapasa bago mag new year. Natatawa lang ako sa mga kaklase ko kasi ipapasa raw nila yung mga assignment sa December 31. Pagka 11:58 pm nila ipapasa kasi bago naman mag new year. Syempre hindi ko gagawin yun kasi mabagal yung internet dito sa'min tsaka baka makalimutan ko na may pinapagawa pala.
Buti na lang talaga at naging mababait mga kaklase ko. Sabi ng nanay ko tsaka mga nagcollege ko na kapit bahay na walang sectioning kapag college pero dahil nga pandemic at online class lang kaya may section kada course para di magulo. Hanggang ngayon nga di kami kilala ng mga professor namin. Lagi nilang napagpapalit-palit yung mga name namin kapag tinatawag. Kaya duda kami kung matinong grade yung mabibigay sa'min kasi yung iba nalalagay sa ibang name yung points para sa recitation. Okay na talaga sa'kin kahit maka dos or tres lang kasi nga di naman talaga ako magaling. Wag lang talaga singko. Baka mahambalos ko sarili ko kapag gano'n yung grade ko. Sana lang din hindi roleta yung gamitin ng mga professor sa pagbibigay ng grade.
____
Walang pasok ngayon si papa kaya nakahiga lang sya sa sofa habang kami naman nina Mama at tita ay naghahanda na ng mga pagkain. Si kuya naman lumabas na muna sandali lang naman daw sya.
"Happy Christmas!" Sigaw ni Riku habang nakangiti ng todo.
Tumawa naman ng mahina si Tita saka lumapit kay Riku. "Ang cute cute mo talaga. Pero ang dapat ay Merry Christmas."
"Huh? Bakit hindi happy? Dapat happy para masaya," Nagtataka pang tumingin sa'min si Riku.
Niyakap na lang ni Tita si Riku. Habang ako naman ay tumalikod at nagpipigil ng tawa dahil nga pinagpipilitan nya pa din yung sinabi nya. Marami pa syang tinanong sa'min at natatawa kami sa kanya. Napakacute talaga nya at inosente. Gano'n naman talaga ang mga bata palatanong kasi nga marami silang gustong malaman. Naalala ko tuloy dati naikwento sa'kin ni mama na ang daldal ko raw noong bata ako tapos puro tanong. May time pa raw na nilagyan ni kuya ng scotch tape yung bibig ko dahil sa sobrang daldal.
BINABASA MO ANG
Tumigil Ang Mundo
Fiksi Remaja[Completed ] May isang pangyayari na hindi inaasahan at dahil dito ay marami ang nagbago at maraming nawalan. Ano nga ba ang naidulot nito sa atin? Dahil magkakahalong emosyon ang nararamdaman ni Myka habang nakatulala sa harap ng mga module nya...