•May

133 79 0
                                        


-Myka-

Nabo-bored na ako rito sa bahay. Wala kasi akong makausap–ay meron pala si Riku at lagi kaming dalawa ang magkasama. Naalala ko lang bigla. Malapit na pala yung birthday ni Riku. Sa 24 na yun ngayong May kaso lang hindi kami makakalabas. Cancel na kasi lahat ng mga bakasyon ngayong may pandemya. Wala namang magagawa kasi kailangan sumunod sa patakaran ng gobyerno. Para din naman sa kaligtasan ng lahat. Nakakalungkot lang kasi ang tagal inantay ni Riku yung birthday nya. Kasi requested nya talaga na pupunta kami sa dagat at mag babarbeque.  7th birthday nya pa naman. Paulit-ulit na tinitignan ni Riku yung calendar na nasa may pintuan tapos saka sya sisigaw.



"Yehey! Malapit na birthday ko!" Masayang sigaw ni Riku habang lumulundag.


"Mama, di ba sa beach tayo pupunta? Wahhhhh! Nakakaexcite naman!" Patuloy lang sa paglundag si Riku


Gusto ko sabihin sa kanya na pinaguusapan namin kagabi yung tungkol sa birthday nya pero yung mukha nya kasi sobrang saya kaya di ko masabi. Alam ko naman na madidismaya sya. Dapat kasi talaga special yung birthday nya dahil pang 7th na yun.




"Anak, halika dito." Kaagad naman lumapit si Riku kay tita na nakaupo sa sofa.

Lumapit ako ng bahagya sa pwesto nila at kitang-kita ko ang pagkislap ng mga mata ni Riku na patuloy na nakatingin sa mama nya. Tuluyan ng hindi nakauwi sina Tita at Riku sa probinsya dahil nga naabutan na sila ng quarantine. Ang balak lang sana ni Tita ay bumisita sa amin noong nakaraang March. Ok na rin yun para kasama namin sila. May iba pa naman kaming mga kamag anak na nandito pero sa side kasi yun ni papa at yung mga nasa side naman ni mama ay nasa Cavite.



"Makinig ka sa akin Riku," Panimula ni tita. "Hindi na muna matutuloy yung pagpunta natin sa dagat pero magcecelebrate pa rin naman tayo ng birthday mo kahit na nandito lang tayo sa bahay."



Nakita kong nalungkot ang ekspresyon ng mukha ni Jiro pero niyakap nya ang kanyang mama. "Ok lang po. Basta ang mahalaga magkakasama tayo."



Napangiti naman ako ng marinig ang mga salitang iyon. Mahalaga naman kasi talaga na magkakasama at safe ngayong pandemya. Sa bawat araw na lumipas ay naghanda kami para sa birthday ni Riku. Sina mama at tita na yung bumili ng mga ihahanda at ako naman ang nagbabantay kay Riku. Tamang nood lang kami ng cartoons at nakikipaglaro ako sa kanya. Wala akong pakialam kahit isipin ng mga kapit-bahay na isip bata ako. Kailangan ko kasing iparamdam kay Riku na hindi sya nag-iisa. Kaya sasamahan ko sya sa mga pinaggagawa nya.




"Tikman mo nga itong niluluto ko Myka." Kaagad akong lumapit kay tita saka tinikman yung caldereta.


Nanlaki ang mata ko at nagthumbs up. "Ang sarap po Tita. Wag mo na dagdagan ng paminta at asin."



"O sige," nakangiting wika ni tita saka ipinagpatuloy ang pagluluto.




"Happy Birthday Jiro!" Sabay na sigaw ng kambal kong pinsan na sina Martha at Marina.



Parehong nakapig tail ang kambal pero magkaiba lang ang suot nila. Si Martha ay nakasuot ng pink dress at si Marina naman ay blue dress. Mas matanda sila ng isang taon kay Riku at hindi talaga sila magkakasundo. Ayaw kasi ni Riku sa pinaggagawa sa kanya habang nandito sa bahay. Minsan kasi nagpupunta ang kambal dito para lang lagyan ng make-up si Riku.




"Mama, bakit nandito sila! Bad sila pareho!" Pagmamaktol ni Riku saka tinuro pa ang kambal.

"Hoy! Hindi kami bad ah. Eto pa nga oh. Binilhan ka ni papa ng gift tapos kami naman ni Marina nagbalot nyan," Nilapag naman ni Martha yung dalawang kahon doon sa center table.



"Kaya nga. Good kami," saad pa ni Marina.



"Bad kayong dalawa kasi memek-upam nyo ko!" Dinuro-duro pag ni Ruku yung kambal kaya natatawa na lang ako sa gilid.


Mukhang malaki talaga yung hinanahit ni Riku sa kambal.





Lumapit naman si Tita para buhatin si Riku.  "Wag ka na magalit nak, birthday mo ngayon di ba?"




Muling lumapad ang ngiti ni Riku at tumango. Nang ibaba na sya ni Tita ay tumakbo na si Riku na parang ninja. Epekto na siguro yan ng anime sa kanya. Naupo na muna ako at nilagyan ng hangin yung mga balloon na ididikit sa pader na may kurtina. Matapos na magluto ni Tita ay saktong dumating si mama at papa. Kakagaling lang nila pareho sa trabaho. Si kuya naman mamaya pa yun dadating.




Nag umpisa na kaming mag take ng pictures na kaagad namang pinost sa mga social media platforms na kadalasan namang ginagawa ng mga pilipino. Tapos panay pa ang pag video ni mama at tita saka buong pangyayari. Ultimo pag putok ng mga ballons at pagkakatanggal ng kurtina na ka video.  Syempre di mawawala ang kainan. Tamang-tama lang kasi nakain na kami pagdating ni kuya kasama yung babae na "katropa" lang kuno. Inaasar pa si kuya kaya pulang-pula yung mukha nya.






Pagkatapos ng kasiyahan ay nakita ko si Riku na nakahiga sa sofa at yakap yakap yung robot na niregalo sa kanya. Abot langit pa ang ngiti nya habang nakapikit. Ang cute talaga ng pinsan kong 'to.




"Tita..Bubuhatin ko na si Riku sa kwarto nyo ah," nakangiti kong pagpapaalam at tumango naman sa akin si Tita.



Maingat kong binuhat si Riku at dahan-dahang ibinaba sa kama. Gusto ko sanang tanggalin sa kanya yung robot kaso mahigpit yung pagkakakapit nya kaya hinayaan ko na lang at nilagay ko yung kumot. Ang dami nyang nakain ngayong araw at sa tingin ko masaya naman sya. Gano'n naman kasi talaga ang bata kahit mababaw lang na bagay masaya na. Ganyan na ganyan ako noong bata pa ako. Yung tipong kahit may magbigay lang sa'kin ng baloon masaya na ako. Tapos puro mga laruan ang iniiyakan. Lalo na kapag di ako nabilhan ng gusto kong laruan. Pero ngayon may mas malalaking responsibilidad na ako na dapat kong harapin. Kaya minsan parang gusto ko na lang bumalik sa pagkabata na walang iniisip na problema. 








Nag iinuman na sila mama, papa, kuya at tita sa sala ng maabutan ko. Hindi naman ako pala-inom ng alak. Ayoko lang naman. Tsaka gabi na ayoko na muna magpuyat kasi gagawa pa ako ng mga pinapapasa. Sinilip ko na muna silang mga nag iinuman at  parang okay lang naman sila kaya nagtungo na ako kaagad sa kwarto ko para magpahinga pero noong hahawakan ko pa lang ang doorknob ay nagulat ako ng biglang sumigaw si mama.





"Eh bakit hindi mo sinabi saamin kaagad? Bakit kailangan mo pang magsinungaling?!" Halata sa boses ni mama ang inis.




Kaagad akong bumalik sa sala. Pagbalik ko ay nakita ko si Mama na nakatayo habang si tita naman ay nakaluhod at umiiyak. Teka, ano bang nangyayari?





"Sorry ate, hindi ko na sinabi dahil gusto kong ako mismo ang umayos ng gulo," lumuluhang wika ni tita.





Huh? Anong gulo? Gusto kong makinig sa pinag uusapan nila kahit pa alam kong hindi dapat ako nakikinig sa usapan ng matatanda.


__________

Tumigil Ang Mundo Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon