Sa wakas! At natapos ko na rin ang short story na ito. Paulit-ulit ko na kasi itong pinagbalakan na ipost kaso lang ni hindi ko naman maumpisahan dahil medyo busy sa school tsaka may iba pa akong story na ineedit. Pero kahit na halos amagin na 'to sa draft ko ay sinubukan ko pa rin na gawin. So ayun po maraming-maraming salamat sa lahat ng nagbasa.
Minsan talaga mararamdaman natin na parang nakakalungkot yung mga nangyayari lalo na ngayong nagkapandemya. Kasi maraming nagbago. Dati naman kapag nakafacemask pagtitinginan ka kasi akala nila may sakit ka. Naranasan ko na kasi yung gano'n dati. Kasi nga hinihika ako sa halo-halong amoy kaya nag susuot talaga ako ng face mask. So ayun, nagawa ko yung story na ito noong nakatulala ako sa labas ng bahay namin wala lag share ko lang hehe.
Marami akong gustong gawin kaya lang madalas akong nag po-procrastinate. Pero kahit na gano'n ay gusto ko pa rin na magpatuloy. Minsan mararamdaman natin na wala na tayong halaga kasi wala naman tayong nagagawa. Pero gusto kong sabihin sayo, oo ikaw na nagbabasa nito na mahalaga ka. Ang bawat isang nandito sa mundo ay mahalaga at may kanya-kanyang kakayahan. Kaya ikaw ay mahalaga dahil ipinanganak dito sa mundo. Wag mong pansinin yung sinasabi ng iba sayo. Gaya nga ng sabi nila, Keep On Slaying!!🔥🔥
So yun lang, wala na akong masabi. Naoout of words na ako. Sensya na di pa rin kasi ako gano'n kagaling magsulat. May isa pa pala akong gustong sabihin. Ngiti ka naman dyan. Yes! Ikaw na nagbabasa nito. Smile naman ayieeee ngingiti na yan!😁
Muli, salamat sa mga nagbasa!
Luv Lots(◍•ᴗ•◍)❤
Flowerrry_Sammy
November 26, 2021
BINABASA MO ANG
Tumigil Ang Mundo
Teen Fiction[Completed ] May isang pangyayari na hindi inaasahan at dahil dito ay marami ang nagbago at maraming nawalan. Ano nga ba ang naidulot nito sa atin? Dahil magkakahalong emosyon ang nararamdaman ni Myka habang nakatulala sa harap ng mga module nya...