•September

111 71 0
                                    

-Myka-


Rinig na rinig ko na kaagad yung mga christmas songs pagsapit pa lang ng September 1. Kadalasan sa mga kapit bahay ko naririnig. Malamang na nakita nila yung mga memes sa facebook. Lalong lalo na  si Jose Mari Chan. Gano'n naman kasi kapag September. Christmas na kaagad yung naiisip at parang nalilimutan na yung ibang okasyon. Mag sstart na yung countdown bago mag christmas na akala mo new year.



Grabe! Ang dami na palang nangyari ngayong taon. Apat na buwan pa at matatapos na ang taon na ito pero hanggang ngayon wala pa rin akong glow up. Ang balak ko pa naman sana magmukhang fresh kapag nag start na ako sa College pero nabulilyaso ang plano ko. De bale na lang baka natraffic lang yung pag glow up ko. Baka nasa gitna pa ng Pacific ocean at hindi makausad kaya matagal makarating sa'kin. Kung di na talaga dadating edi better luck next life.






Ito na rin pala ang birthmonth ko. Hindi ko inaakala na 18 years na ako rito sa mundo. Parang kailan lang talaga ang lahat. Gusto sana ng parents ko na magkaroon ako ng debut party tapos imbitado yung mga kamag anak at mga kaibigan ko pero imposible na ang gano'n. Si mama talaga yung pinaka excited na magkaroon ako ng debut party. Kasi naikwento nya sa'kin na noong nag 18 sya ay walang pera ang parents nya noon kaya hindi nya naranasan na magkaroon ng party noong bata pa lang. Kaya gusto nya na maranasan ko. Kaya lang bawal talagang mag party sa labas ngayon.







Pinalitan na lang ni mama yung plano. Dito lang ako sa bahay  i-ce-celebrate yung birthday ko at may mga handa tapos mag tatake ng pictures na nakagown ako. Dapat nga bibili pa si mama ng bagong gown pero umayaw ako kasi gastos na naman. Pwede naman yung gown na ginamit ko noong nag JS Prom ako. Hindi pa naman yun masyadong luma. Maganda pa naman iyon tsaka maayos pa.






Pero sa totoo lang ayoko na rin naman i-celebrate ang birthday ko. Pakiramdam ko kasi sobrang tanda ko na. Ang naiisip ko kapag hinihipan ko yung kandila ay dumadagdag ang mga responsibilidad ko. Yung mga responsibilidad ko bilang isang mamamayan. Yung iba natutuwa na 18 na pero hindi ko alam kung dapat ba akong matuwa.







Umiling-iling na lang ako habang nagsasagot ng nga online forms. Balak ko kasing mag aaply sa mga college universities na under ng government. Naisip ko kasi na mas maganda  kapag
makakapasok ako sa university na wala akong babayaran. Kasi ayoko nang maging pabigat sa parents at kay kuya. Last year naman nakapag take ako ng entrance exam sa ibang university kaso lang hindi ako confident na makakapasok ako sa mga yun. Kaya mas maigi na damihan ko na yung mga pag aaplyan ko para more chances of winning.








Naalala ko nga pala yung si Kuya Liam. Siguro naliwanagan sya sa mga sinabi ko kasi matapos no'n lumabas na sya ng kwarto nya. Nakahanap na rin sya ng bagong trabaho. Sa talyer na sya nag tatrabaho ngayon na malapit lang dito sa bahay. Mabuti nga at lumabas na ulit si Kuya. Kailangan nya lang talaga ng konting push.








Nagulat ako ng marinig ko yung malakas na tunog ng mga kaldero. Kaagad akong napabangon at tumakbo palabas ng kwarto. Sa paglabas ko ay naabutan ko si mama na dala yung mga kaldero.



"Good Morning, my baby Myka," Nakangiting bati ni mama.





"Ano yan ma? Nagwawala ka po ba?" Pabiro kong tanong.



Tumawa naman si mama tsaka nilapag yung mga kaldero sa lamesa. "Pasensya ka na kung maingay ako. Inaayos ko lang kasi yung mga paglulutuan mamaya. Tsaka yung mga bagong plato at baso ilalabas ko na muna."



Parang pumalakpak ang tenga at kuminang yung mata ko dahil sa sinabi ni mama. Tama ba ang narinig ko? Ilalabas na ni mama ang matitindi–este mga bagong plato at baso namin? Himala talaga 'to kasi madalas lang na nilalabas ni mama ang mga 'yun kapag may bumibisita sa bahay. Kahit sino basta bisita ipapakita ni mama mga magaganda naming baso at plato. Pakiramdam ko tuloy napakaimportante kong tao. Parang isang VIP sa isang sikat na hotel. Sumaya ako bigla!



Kaso bigla ko lang naalala. Kapag ginamit yung mga magaganda, babasagin at bagong plato pati baso na 'yun ay siguradong ako na naman ang mag huhugas. Naku po! Ang bibigat pa naman ng mga 'yun. Pero de bale na basta mag-ala VIP ako ngayong araw.





Nag almusal kami ng sama-sama. Kompleto kami ngayon sa lamesa. Hindi na muna pumasok sina mama at papa. Matapos namin kumain ay sinimulan na namin ang mag ayos at maglagay ng design. Tumulong din ako sa pag hahanda ng pagkain. Pero hindi ako hinayaan ni tita na mag luto kasi sabi nya ako raw ang may birthday. Pinapatikim nya lang sa'kin yung mga niluto nya.



Naupo na muna ako sa sofa tsaka nag online. Nagulat ako sa dami ng notification. Ngayon lang 'to nangyari. Natatawa ako sa mga pinag popost sa wall ko. Parang mga sira talaga yung iba kong kaklase dati noong junior high. Pinopost nila mga pang meme kong mukha. Mga wala talagang magawa sa buhay nila kaya ako yung mapagdiskitahan. Kung anu-anong edit pa yung ginawa nila sa mukha ko. Nakakatawa naman talaga pero nakakahiya sa ibang makakakita.





Namiss ko rin kakulitan ng nga classmate ko na yun. Maiingay sila na akala mo nakalunok ng megaphone o kaya speaker pero maasahan naman sila sa maraming bagay. Gaya na lang ng pagkain ng ulam mo tuwing recess kapag masyado ka ng busog o kaya naman ay tutulungan ka nila sa assignment or groupings. Hindi namin iniisip na may competition sa loob ng classroom. Lagi naming iniisip na kapag tinulugan namin yung isa't-isa ay sabay-sabay kaming aangat.








Kinagabihan ay isinuot ko na yung dark blue ko na ball gown. Naglagay din ako ng light make up para naman di halata na hagard ang mukha ko dahil sa puyat. Napapikit naman ako ng bumungad sa'kin yung flash galing sa camerang hawak ni mama. Napayuko ako kasi masyadong maliwanag yung flash. Parang nag iba bigla yung kulay ng paligid ko.







Nag umpisang tumugtog ang slow dance. Ang unang sumayaw sakin ay si Riku. Binuhat ko sya para kunyari magkapantay kami. Sumunod naman si Kuya,  si Tita Karen, si mama tsaka huli si Papa. Binigyan din nila ako ng roses. Tapos may ibinigay din na regalo sakin yung mga kamag anak namin dito na kapit bahay lang namin .




Hindi man ito yung 18th birthday celebration na gustong-gusto ni mama. Pero para sa'kin ang saya ko. Dahil magkakasama kaming lahat sa araw na ito.



___



Tumigil Ang Mundo Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon