CHAPTER 31

13 3 0
                                    

Chapter 31

Heels

"Your m-man?" Tanong nya na parang natatawa. I just nooded to his question. "Is this a trick Alexa?"

"No, of course not!" I immediately answered.

"Hmm, a new guy?" He asked.

"Uhuh.."

"Is he different from your ex?"

"Very different." Sabi ko na hindi parin inaalis ang mga ngiti sa labi.

"Wow, he is interesting," anya na parang may kumikislap pa sa mga mata nya. "I want to met this NEW guy." Nakangiti nyang saad.

"Why not." Sabi sa kanya at saka inakay na siyang pumasok sa kotse dahil nagugutom na ako.

Nawaglit ang usapan namin ni Geoffrey tungkol kay Master ng mag umpisa siyang magkwento tungkol sa mga nangyari sa kanya sa America.

Ala-una y medya na nang makarating kami sa restaurant na paburito kong puntahan. Agad kaming nag order ng makapasok sa loob. Pareho kaming gutom ni Geoffrey kaya imbes na magkwentuhan ay inuna muna namin ang kumain.

"Grabe busog na busog ako." Sabi ko ng makalabas kami ng restaurant at papuntang cine.

"Me too," sagot ni Geoffrey na nasa gilid ko.

Pansin kong kanina pa kami pinagtitinginan ng mga tao. Ang ibang babae ay nakangiti sa amin habang kinikilig pa.

"Why are they starring at us?" Kunot noong tanong ko at bumaling sa katabi na deretso lang ang tingin. Nagkibit-balikat lang ito.

Nagulat ako ng biglang may lumapit sa amin na dalawang babae.

"Ms. Pwede po ba kaming magpapicture?" Sabi ng nakabangs na babae kasama ang isang babae rin na nakaponytail ang buhok.

"Ah..sige akin na yung camera," akala ko ay kay Geoffrey lang sila magpapapicture at ako ang kukuha ng picture sa kanila, ngunit pinigilan akong gumalaw ng babae.

"Hindi po. Sa inyong dalawa po kami magpapicture..kung ok lang." Nahihiyang saad ng nakaponytail na may halong pagkadesperada sa boses nya.

Naiilang na ngumiti ako bilang sagot. Tinignan ko ang katabi at nakatingin narin siya sa akin. Pinandalitan nya ako ng mata. Umiling ako na parang walang alam.

I know Geoffrey will getting mad at me. He don't like this. Ayaw nya na kinukunan ng picture. Ayaw nya ring naiinvolved siya sa kahit anong issue. Dati nga nalaman ko kay yaya Linda na natanggalan daw ng trabaho ang reporter dahil sa paggawa ng kwento na nagdidate daw si Geoffrey at si Zara Cruz na isang sikat na model sa America.

Geoffrey has a beautiful face kaya normal lang na pagkaguluhan siya ng lahat. Marami nang agency ang nagtangkang kunin siya bilang actor, model o kaya naman ambassador. Pero di ko alam kung bakit lagi nyang inaayawan ang mga iyon.

Well, i feel him. I understand why he doesn't like those jobs. I've been there too..

"How many times do i have to tell you Alexa that i don't like those thing!" Tukoy nya sa mga taong nagpapicture sa amin kanina. Pagkatapos kasi ng dalawang babae ay may sumunod pa na nagpapicture. O diba, hindi pa kami artista nyan ah?

Nasa parking lot na kami. Dito na kami dumeretso dahil nawalan daw siya ng ganang manuod.

Tss. Parang bakla.

"Edi sana umalis kana lang don kanina, tss. Daming arte!" Inis kong sabi sa kanya.

Naihilamos nya ang dalawang palad sa mukha nya. "Don't you get it? They will know who I am eventually."

 Master vs. Kumander Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon