1. TRACES

297 25 11
                                    

EDITED

SABI nila may dahilan daw kung bakit nagiging sakim,
masama at nagiging bato ang puso ng isang tao.

Maaaring nasaktan sila ng pamilya, hindi naabot ang
expectation ng parents nila, na-inlove sa bestfriend kaya nag-iwasan. Maaaring nag-iwan ng malalim na sugat ang mapait nilang nakaraan.

At sa kaso ko... kung bakit natuto akong magpaiyak ng aking mambabasa ay dahil paulit-ulit na lang akong nasasaktan.

Sabi nila ay malas ako sa pag-ibig. Noong una ay ayokong maniwala. Dahil alam ko sa sarili na matatagpuan ko rin ang lalaking para sa akin sa mundong ito. Bilyon-bilyon naman ang tao sa mundo kaya sigurado ako na hindi ako mauubusan ng lalaki.

Kahit na ang totoo ay ang unang naging boyfriend ko ay inagaw sa akin ng itinuring kong bestfriend. Masakit iyon sa akin lalo na’t kaibigan ko pa ang siyang nagtaksil sa akin. Maiintindihan ko pa sana kung ibang babae ang ipinalit niya sa akin.

Ngunit hindi natapos ang lahat do‘n. Sumubok ako nang makailang beses kahit makailang beses din akong nasaktan. Kaya ang naging resulta ay hindi ko na mabilang pa kung nakailang
boyfriend na ako at kung ilang beses na rin akong nasaktan.

Totoo nga namang masarap magmahal, ngunit hindi rin
naman gano‘n kadaling limutin ang lahat pagkatapos mong masaktan.

Kaya natuto na ako at namanhid na ang puso ko. Nagtayo na ako ng malaking pader sa pagitan ko at sa mga taong susubok na
saktan at paglaruan lang ako. I have enough! Sa pagsusulat ko na lang ibubuhos ang lahat.

Masaya ako na sa kabila ng masasakit at mapait na naranasan ko ay nakahanap ako ng isang bagay na naging daan para muli
akong maging masaya – ang pagsusulat.

NAPANGITI ako nang tuluyan na akong makalabas ng backstage. Ito palang ang pangalawang beses na magkakaroon ako ng book signing. Marami ang nagri-request sa akin noon na makita na nila ako in person. But then, I remained msyterious and faceless for those who support me.

And at last, last year nga ay napagpasyahan ko nang
magpakilala. Ipakita ang totoo kong pagkatao. Kung sino ang Fred sa likod ng mga nakakaiyak na istorya sa wattpad.

Marami ang nagulat kasi ang buong akala nila ay lalaki ako dahil sa ‘Fred’ na username ko sa wattpad.

Kaagad na may dalawang matipunong lalaki ang umalalay sa akin sa pag-akyat sa stage. Parehong nakaputi ang dalawa na animo ay mga modelo ng tide. Napailing-iling na lang ako dahil sa naisip.

“Let’s give a round of applause for Miss Fredlare Alcantara, our heartless Queen on wattpad.”

Kinain ako ng malalim na pag-iisip. Minsan ay napapatanong na lang ako sa aking sarili kung deserve ko nga ba ang lahat ng achievements na ito. Kasi to tell you honestly, hindi ko pinasok ang pagsusulat sa wattpad dahil iniisip ko na maraming magbabasa ng
novels ko. Ang tanging nasa isipan ko lang talaga nang magpasyaakong gumawa ng account sa wattpad at magsimulang magbahagi
sa iba ng mga akda ko ay ito ang magiging paraan ko para
makalimot sa sakit at pait na naranasan ko sa pag-ibig.

Ni hindi ko akalaing may maa-attach, makaka-relate sa story ko at higit sa lahat, may mapapasaya akong mambabasa kahit tragic naman talaga ang genre ko.

Masigabong palakpakan ang nakapagpabalik sa akin sa
reyalidad. Kitang-kita ko ngayon na nakaupo sa pinakaharapang bahagi ang bestfriend kong si Lalaisa. Ang buong akala ko ay hindi
siya makakapunta ngayon. Ang sabi niya kasi sa akin ay maraming designs ang pinapagawa ng boss niya sa kan‘ya. Itong bestfriend ko ang isa pa pa talaga sa mga scam.

“Miss Fred, idoool!”

“Miss Fred, mahal na mahal ka po namin.”

“Miss Fred, can’t wait to finally hug you.”

THE TWISTED FATE [unedited] ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon