(A/N: This is it, pancit! Maraming salamat kasi nakaabot kayo hanggang dulo. This is my first ever completed fantasy story. Sana ay na-enjoy niyo ang story na ito. Luvlots!)
10.
ENDING
10 years later..."So, the next question for you, Miss Fred, why do you write stories?"
Inilibot ko muna ang tingin ko sa mga taong nasa ibaba ng stage. Masaya akong lahat sila ay namumukhaan ko pa rin. Ang mga taong sa simula pa lang ay suportado na ako.
"I have two reason why I write stories." Mula sa mga supporters ko ay muli kong nilingon ang tingin sa taong siyang nagiinterview sa akin. "First, because I'm inspired. Second, because I want to inspired others through my works."
Napatango-tango naman ang reporter na tila nagustuhan ang naging sagot ko.
"Matagal na itong itinatanong sa 'yo, Miss Fred. Simula pa no'ng unang live interview mo. So, the last question will be... why do you shift genre daw? From tragic to happy ending?"
Ramdam ko pa rin ang pagkirot ng dibdib ko kahit ilang taon na ang lumipas. Pasimple akong humugot ng hininga.
"Because I believe that everybody deserves a happy ending."
"Is it also because you are now getting married?"
Dahil sa itinanong na iyon ng reporter ay nagsimula ng magtitili ang mga guardians ko. Halata sa mga mukha nilang kilig na kilig at masaya sila para sa akin.
Itinaas ko naman ang daliri ko. "Wala pa akong wedding ring. So, I guess.. I'm not getting married yet."
May mga nalungkot naman sa naibalita ko. Pero nanatiling nakangiti pa rin ako. Hanggang sa nakita na namin ang pagsenyas ng director netong talk show. Saka sa akin biglang lumapit ang assistant director at binulungan ako na malapit ng matapos itong live interview. Inabot niya pa sa akin ang libro ko.
Nang tuluyang itapat sa akin ang camera ay sandali kaming nagkamayan ng reporter saka niya ibinigay sa akin ang oras para i-promote ang libro ko.
"Open na po ulit ang second batch ng pag-order ng Lala Lovely Life. Available na rin po sa national bookstore ang The Twisted Fate. Maraming salamat sa pagmamahal sa istorya ni Lare at Kyler. Kitakits po tayong lahat para sa bago kong novel. I love you all." Bumakas ang ngiti sa labi ko lalo na nang marinig ang palakpakan ng lahat.
Habang ako ay tuluyang naibaling ang tingin sa hawak kong libro. This is the fantasy story about me and Kyler. I wrote all the events and happenings to us, inside of that book. Ngunit sa huling kabanata ng TTF, may mga binago ako. May idinagdag. Lalo na ang mga senaryong naiisip kong gawin sana, kasama siya.
"Hon, are you okay? Anong iniisip mo? Mind if you share it with me?"
Nabalik ako sa reyalidad nang kunin niya ang kamay ko saka hinalikan ang palad ko.
"Don't mind me, hon. Ganito lang talaga kaming mga writer. Bigla-bigla tatahimik lalo na kung may naiisip kaming scenes para sa isusulat namin," paliwanag ko.
"Are you sure? You know, you can talk to me."
Napatango-tango naman ako. "Yes, hon. I love you," madamdamin kong pahayag.
"I love you more." Mula sa daan ay bumaling sa akin ang tingin niya. "Anyway, malapit na tayo."
Dahil sa sinabi niya ay napatingin ako sa tanawin sa labas. Katulad pa rin ito ng dati kahit sampung taon na ang lumipas. Ang malaking lupain na ito ay tinataniman pa rin ng palay. Dahil iyon ang pangunahing produkto sa lugar na 'to. Madali rin mag-ani dahil tulong-tulungan ang mga tao sa bayan na ito.
BINABASA MO ANG
THE TWISTED FATE [unedited] ✔
Fantasy[NOVELLA] WINNER OF WSA (Aug 2, 2022) Highest Rank: #13 Twisted #2 romancefantasy "Even we don't sit together in a one theatre, let's watch in a different time, in a different world, but the same movie." Fredlare Alcantara is a tragic writer on wat...