9. VANISHED

48 10 0
                                    


9.
VANISHED

Nanatiling pikit ang mga mata ko. Natatakot kasi ako na kapag iminulat ko na ito, mas lalo ko lang mapagtanto na bumalik na ako sa totoong mundo ko. Hanggang sa naramdaman ko na lang ang pagpatak ng luha ko.

Ang kaninang malamig na hangin na nagmumula sa aircon ng sinehan ay ramdam kong ibang lamig na ang aking nararamdaman. May naririnig din akong tunog ng isang machine. At isa pa, pakiramdam ko ay naaamoy ko ang pamilyar na amoy ng isang hospital.

Dahil sa naisip ko ay bigla, naimulat ko na ang aking mga mata. Nasilaw pa ako sa liwanag na nagmumula sa ilaw na nasa itaas. Dis-oriented kong inilibot ang aking mga mata at nahinto iyon sa babaeng nakaupong natutulog sa sofa. May nakatakip na isang kumot sa balikat neto.

"M-ma?" mahina lang ang naging labas ng salitang iyon sa bibig ko.

Dahil pakiramdam ko ay nanunuyo ang lalamunan ko at ang bigat ng katawan ko. Ngunit kahit gano'n, naging sapat pa rin iyon para unti-unti ay gumalaw si mama at tuluyang imulat ang kan'yang mga mata. Sandali kaming nagkatitigan hanggang sa unti-unti ay namilog ang kan'yang mga mata at bigla ay napatayo. Kaagad siyang naglakad sa gawi kung saan ang maliit na speaker.

"D-doc, gising na ang anak ko."

Hindi ko alam kung dahil sa pagod na nararamdaman kaya namalayan ko na unti-unti ulit namigat ang talukap ng aking mga mata. Narinig ko pa ang ilang beses na pagtawag ni mama sa pangalanan ko ngunit tuluyan ng kinain ng kadiliman ang kamalayan ko.


Naalimputangan ako nang makarinig ng mga boses. Muli kong iminulat ang aking mga mata para lang masilaw ng florescent light na nasa kisame na siyang bumungad sa akin. Kaagad na dumapo ang aking mata sa kamay kong may nakasalpak na dextrose.

"This is a miracle, doc. After one month of being comatose, she is being awake," dinig ko sa boses ni mama.

"I'm agree with you, Mrs. Alcantara. Anyway, I'll do some rounds. Maiwan ko na kayo ni Mr. Alcantara," tinig ng isa pang boses na sa hinuha ko ay isang doctor base na rin sa formal na pagsasalita neto.

Narinig ko ang pagbukas-sara ng pinto bago ko tuluyang ibinaling sa parents ko ang tingin ko. Hindi ko akalaing muli ko silang makikita sa ganitong sitwasiyon. Kitang-kita sa mukha nila ang labis na pag-aalala. Nakayakap pa si papa sa balikat ni mama, inaalo ito.

Muli ay bumukas ang pinto netong silid at gan'on na lang ang pagbilis ng tibok ng puso ko nang makita ko ang kapatid ko. May hawak itong supot at nagkatitigan kaming dalawa. Nabitawan niya 'yon at katulad ko ay nanlalaki na rin ang kan'yang mga mata.

"J-jack?" hindi makapaniwalang sambit ko sa kan'yang pangalan.

Paanong nandito ngayon siya sa harapan ko? Nanaginip nanaman ba ako?

"Gising ka na, hija," tila nagulat na lumapit sa akin si mama ngunit ang tingin ko ay nakapako pa rin sa kapatid ko na ngayon ay mukhang nahimasmasan na.

Lumapit na rin sa tabi ni mama si papa na ngayon ay nakangiti na. Kahit naguguluhan ako ay masaya akong buo silang nandito. Maya-maya lang din ay nakalapit na rin si Jack sa gilid ng kama ko. Kinuha niya ang isa kong kamay at may pagsuyong hinawakan iyon.

"Pinag-alala mo kami, ate. 'Wag mo na ulit gagawin ito."

"B-bakit? A-ano bang ginawa ko?" hindi ko na natiis pang itanong. Kailangan ko ng maliwanagan sa lahat ng bagay.

"Naglayas ka ng bahay. Nagulat na lang kami nang may tumawag sa amin at nasangkot ka sa isang car accident," si papa ang siyang sumagot sa tanong ko.

Nangunot naman ang aking noo. May naaalala akong nasangkot ako sa isang car accident pero noon pa iyong... nanlalaki ang mata kong inilibot iyon sa kabuuan ng silid na ito. Naghahanap ako ng kalendaryo para tuluyang mapagtagi-tagpi ang naiisip kong possibleng nangyayari ngayon. At nang wala talaga akong makita ay lumingon ako muli kay mama.

THE TWISTED FATE [unedited] ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon