7:
LOSE
Malakas ang ihip ng hangin. Mabuti na lang at makapal ngayon ang suot ko. Pero ang suot kong summer hat ay tinangay ng hangin. Wala na akong nagawa kung hindi ang sundan na lamang iyon ng tingin hanggang sa bumagsak iyon sa lupa.Ngunit ang pagtingin ko sa aking summer hat ay unti-unting nalipat sa lalaking lumuhod para kunin iyon. Nagawa niya pa iyong pagpagan bago tuluyang tumayo at titigan ako sa mga mata.
Hindi pa siya gumagawa ng hakbang para lapitan ako pero sobrang bilis na kaagad ng tibok ng puso ko. Na tila ba kilala siya neto.
Pareho lang naming pinagmamasdan ang isa‘t isa. Tila sinusuri kung pareho bang may nagbago sa aming dalawa. Ang mga tingin niyang tila inaalisa bawat parte ng mukha ko. Ang mga mata niyang nagsasabing nangungulila siya sa presensiya ko.
Peke akong umubo at ako na mismo ang nagsimulang maglakad papunta sa gawi niya. Mukhang natauhan naman na siya kaya nagsimula na rin siyang maglakad papasalubong sa akin. Huminto lang kami pareho nang kaunti na lang ang distansiya naming dalawa. Nanatiling magkahinang ang mga mata naming inabot niya sa akin ang summer hat ko.
“It‘s been one week since the last I saw you.”
Dahil sa sinabi niya ay nagising ako sa katotohanan na iniiwasan ko nga pala siya. Kaya paunti-unti ay umatras ako patalikod saka iniwasan ang tingin niya.
“Free ka ba this Sunday?”
Kaagad ko siyang nilingon dahil sa tinanong niya kahit ang totoo ay dapat hindi ko na ginagawa ang bagay na ‘yon.
“Why?”
Nagkibit-balikat naman siya. “Because I want to treat you for a lunch.”
“Hindi pa naman ako namumulubi. So you don‘t have to treat me.”
“Ang sungit,” mahina lang ang pagkakasabi niya no‘n pero abot pa rin sa pandinig ko. Nang dahil do‘n ay napahalukipkip ako.
Balak ko na sana siyang talikuran nang bigla ay mahuli niya ang kamay ko. Pagtingin ko sa kan‘ya ay seryoso na ang mukha niya. Wala ng mababakas na kalokohan sa hitsura niya ngayon.
“Iniiwasan mo ba talaga ako?”
Napabuntong-hininga naman ako saka mabilis na inalis ang kamay niya sa braso ko. “Alam mo na ang magiging sagot diyan.”
Totoong iniiwasan ko si Kyler. Hindi lang siya, pero pati na rin ang lahat. I‘ll just show up to them if ever man na may hindi magandang mangyayari sa kanila. Ayoko na ring humadlang pa sa kanila si Isabelle lalo na‘t hindi naman ako parte ng kuwentong ito. Dahil hindi ito ang totoo kong mundo.
“Dahil ba kay Isabelle? O dahil sinabi kong interesado ako sa ‘yo, Lare?”
“Both. And one more thing, dahil ayoko rin sa ‘yo.”
“Anong ayaw mo sa akin? Para mabago ko.” Tila nagsusumamo na ngayon ang kan‘yang mga mata. Sinubukan niya ulit na hawakan ako pero mabilis akong lumayo.
“Wala kang dapat baguhin pa, Kyler. Ano bang mahirap intindihin sa salitang ayoko sa ’yo, Kyler? Pakiusap, tumigil ka na. Sumuko ka na.”
“Hindi ako titigil dahil lang sa ayaw mo sa akin. Pero gusto ko pa ring malaman ang dahilan kung bakit ayaw mo sa akin.”
Matapang kong inangat ang ulo ko at sinalubong ang mga mata niya. “Dahil gwapo ka!”
Wala na akong maisip na idahilan kung hindi ayon na lang. Kung kinakailanganan kong magsinungaling, gagawin ko.
BINABASA MO ANG
THE TWISTED FATE [unedited] ✔
Fantasy[NOVELLA] WINNER OF WSA (Aug 2, 2022) Highest Rank: #13 Twisted #2 romancefantasy "Even we don't sit together in a one theatre, let's watch in a different time, in a different world, but the same movie." Fredlare Alcantara is a tragic writer on wat...