5. INTEREST

79 21 5
                                    


5:
INTEREST

“Ilang araw na akong tulog, Laisa?” tanong ko sa kan‘ya dahil bigla ay naalala ko na dalawang araw akong nasa loob ng librong iyon.

Napatingin ako sa sliding door sa bandang gilid ko. Bukas na iyon kaya hinahangin na nang malakas ang kurtina at mataas na ang sinag ng araw. Nabaling ang tingin ko pabalik kay Lalaisa nang lumapit siya sa kama ko at naupo sa harapan ko. At hindi ko napaghandaan ang sunod niyang ginawa. Naramdaman ko na lang ang malakas na pagpitik ng daliri niya sa noo ko.

“Laisa!” galit kong tawag sa pangalan niya saka sinamaan siya ng tingin at nasapo ko na lang ang noo kong nasaktan.

“Ginigising ko lang ang diwa mo, Red. Mukha kasing nananagip ka pa rin. Syempre ilang oras kang natulog, noh. Napakatulog mantika mo nga ngayon. Biruin mo alas diyes ka na nagising. Samantalang ako nakaligo na lahat-lahat at nakapagluto na rin, ikaw nakahilata pa rin diyan sa kama mo.”

“You mean? Simula nang matulog ako, ngayon lang ako nagising?”

Nakita ko naman ang pag-irap sa akin ni Laisa dahil sa tanong ko. Siguro para sa kan‘ya ay ang weirdo ko na. Sino nga naman ba ang hindi maweweirduhan sa isang tao kung ganito ang tanong niya, hindi ba?

Gusto ko lang talaga kasing malaman kung ilang araw akong natulog sa mundo ko. At base sa sinagot ni Laisa, ilang oras lang akong tulog sa mundo ko, samantalang lumipas na ang dalawang araw sa libro.

Tuluyan na akong bumangon at niligpit ang kama ko. Bumabagabag pa rin sa isipan ko ang misteryosong pangyayari sa akin na iyon. Base sa isinagot ng matanda, napunta ako sa libro dahil gusto netong maramdaman ko kung gaano kadali para sa akin ang pumatay. Kung gano‘n? Anong misyon ko? Ang baguhin ba ang kuwento at nakatadhana na sa kanila?

Maya-maya lang ay naagaw ng isang bagay na umiilaw sa lalagyan ko ng libro ang atensiyon ko. Ang umiilaw ro‘n ay ang ikalawang libro na na-release ko, ang The Taste Of Tragedy. Kinuha ko iyon at pinagmasdan maigi. Saka biglang pumasok sa isipan ko ang ginang na kapit-bahay nila Isabelle — si Aling Norna.

Wala na sa loob ng kuwarto si Lalaisa kaya malaya akong maglakad-pabalik sa loob. Nagawa ko ng ikot-ikutin ang kabuuan ng kuwarto ngunit wala pa rin akong mahanap na magiging solusyon para hindi tuluyang mamatay sa kuwento si Aling Norna.

Oo na, para sa iba madali lang para sa akin ang pumatay. But I did not take someone‘s life in my story just because I want them to be die. The reason is it‘s needed to happened for the story to keep going. Pero ngayon na alam kung hindi lang sila gawa ng imahinasyon ko at humihinga sila at gumagalaw, kailangan kong gawin ang lahat para lang manatili silang buhay sa kuwento.

Kaya hindi na ako nagdalawang isip na magpalit ng damit kahit hindi pa ako nakakaligo, naghilamos lang. Kinuha ang sling bag ko, bitbit pa rin sa kamay ko ang libro ng TTOH na lumabas ako ng kuwarto. Nakasalubong ko pa sa labas si Laisa na mukhang balak akong tawagin for breakfast.

“I‘m just going somewhere, Lai.”

“Huh? Where?” Sinundan niya ako hanggang sa kunin ko ang sandals ko na nasa lalagyan ng mga sapatos sa labas.

“Sa sementeryo.”

“Dadalawin mo si Jack?”

Dahil sa tanong niya ay natigilan ako. Si Jerald ay si Jack sa kuwento. Kung magagawa ko na mabuhay si Jerald sa TTOH, magagawa kong mapagmasdan sa pamamagitan ng histura niya na binase ko kay Jack ang namayapa kong kapatid. Sa gano‘ng paraan ay mararamdaman ko at makikita pa rin ang kapatid ko sa kan‘ya.

Nang masuot ko na ang sandals ay do‘n ko palang siya nilingon. “Hindi. Pero siguro dadaanan ko na lang siya after ko makausap ang matandang iyon.”

THE TWISTED FATE [unedited] ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon