3: ASTONISHED

66 15 0
                                    


3:
ASTONISHED

Halos walang kurap kong inilibot ang tingin ko sa kabuuan ng street na 'to. Nawala na ang atensiyon ko sa dalawang tao kanina.

Ramdam ko ang pagbilis ng tibok ng puso ko kahit gulong-gulo na ako sa nangyayari. Nagawa ko pang kurutin ang balat ng braso ko.

"Ouch." Nasaktan ako, so it means.. totoo ito at hindi lamang panaginip?

Napatingin akong muli sa babae kanina. Si Isabelle. Ang karakter na binuo ko sa aking istorya, the lading lady of The Taste of Tragedy, to be exact.

Hindi lang ang ngiti niya, ang mata niyang naghuhumiyaw ng sobrang paghanga sa kaharap niya ang siyang nakakuha talaga ng atensiyon ko. It's because we both have the same face. Ang kaibahan lang ay ang skin color naming dalawa. Maputi ako samantalang morena ang kulay niya.

Ang tindig, pananamit niya, ang ngiting iyon, ang eksenang ito ay pawang isinulat ko lamang base sa imahinasyon ko. Kaya bakit? Bakit nagkatotoo sila at ngayon nga ay kasama na akong gumagalaw sa mundo nila?

Bigla ay parang may bumulong na hangin sa aking tainga.

"Magbubukas na ang portal papunta sa sarili mong libro, hija."

Ramdam ko ang panghihina na ng aking tuhod pero pinanatili ko ang pagbalanse sa aking katawan. Kasi kung hindi ko gagawin 'yon ay pakiramdam ko mabubuwal ako mula sa pagkakatayo.

Wala sa sariling natawa ako dahil sa alaala ng matandang iyon, ang mga sinabi niya sa akin. Napaka-impossibleng magkaroon ng portal papunta sa isang libro. Sa kuwentong gawa lamang. Dahil ang mga ganoong senaryo ay pawang kathang isip lamang. O 'di kaya ay napapanuod ko lang sa korean dramas.

Maya-maya lang ay nakita ko ang paglapit sa akin ng isang babae. Makikita ang pagkalito sa kan'yang maamong mukha. At alam ko na kaagad kong bakit.

"T-teka, miss.. Bakit magkamukha kayo ng ate ko?"

Tama nga ang hinala ko.

Siya si Karina, ang bunsong kapatid ni Isabelle.

Mula sa akin ay nalipat ang tingin niya sa bahay nila. "Ate Isa!" tawag pansin niya sa kan'yang ate na ngayon ay mukhang namamaalam na sa manliligaw neto.

Tumakbo naman si Isabelle sa kinaroroonan namin dahil sa pagtawag sa kan'ya ni Karina. Katulad ng huli ay gano'n din ang naging reaskyon niya.

Hindi ko na siya napigilan pa nang itaas niya ang isang kamay at haplusin ang mukha ko.

"N-nananalamin ba ako? Bakit tayo magkamukha?"

Kahit ako ay gulong-gulo pa rin. Ang tangi na lamang naiisip ko, heto at kaharap ko si Isabelle. I describe her in my novel based on how I look like. Well ofcourse, except of our skin color and hairstyle. Pero parehong-pareho kami ng body type, tangkad at ng mukha. Kahit sinong makakakita sa amin ay iisiping magkambal kaming dalawa.

Hindi ko ito naisip nang isinusulat ko. Medyo nabigla pa nga ang mga mambabasa ng TTOT sa webtoon na magkamukha pala ang bidang babae at ang nagsulat no'n. Noong una ay balak sana iyong baguhin ni Laisa noong dina-drawing niya palang, pero hindi ako pumayag. Because I want my character to look like me. Para maipaalala ko sa sarili ko na inspired ang story na ito sa lahat ng sakit na naranasan ko pagdating sa pag-ibig.

"Look, I don't know how to explain this. I don't know where to start." Hindi ako makahanap ng tamang salita na sasabihin kay Isabelle. Hindi ko alam kung dapat ko bang sabihin na ginawa ko lang siya.

Ang weird naman siguro kung sasabihin ko sa kan'ya na naka-plano na ang buhay niya base sa kuwentong ginawa ko. I know I'll sound a crazy girl for them.

THE TWISTED FATE [unedited] ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon