8. OVER

42 10 3
                                    


8:
OVER


Ramdam ko ang hingal pero hindi ako tumigil hanggang sa tuluyang marating ang gusali na nakita ko sa vision ko. May mga tao ng naroroon. Kaya hindi ko na napigilan ang sarili kong tingalain ang itaas ng gusaling ito.

Expected ko na nasa itaas si Jerald pero hindi ko pa rin maiwasang mapasinghap, kasabay ng mga bulong-bulungan ng mga tao.

Kaya kahit nanghihina na ang mga tuhod ko ay pinilit ko pa ring tumakbo papasok ng gusali. Kapag minamalas ka nga naman, pagtapat ko sa elevator ay under maintainance iyon. Kaya wala akong pamimilian kung hindi ang akyatin ang napakahabang hagdan papuntang rooftop netong gusali.

“Pakiusap, Jerald. Sana maabutan pa kita,” piping dalangin ko.

Dahil sa isiping iyon ay mas lalo lang akong nagmadali sa pagtakbo. Ngunit sadya nga talagang mapaglaro ang tadhana, dahil nadapa pa ako at nagkaro’n pa ng sugat sa tuhod. Saka ko lang naalala na naka-palda nga pala ako ngayon.

Hindi ko na ininda pa ang sakit na nararamdaman ko dulot ng sugat sa tuhod ko, basta ang alam ko lang ay mas lalo ko pang binilisan ang pagtakbo. Tila ako nakakita ng liwanag nang tuluyang makita ang pinto. Malakas ko iyong binuksan kaya nabaling ang tingin sa akin ni Jerald.

Hilam na ng luha ang pisngi niya. Mababakas sa mga mata niya ang labis na pangugulila at sakit na nadarama. Nakakuyom din ang kan‘yang kamao at bagsak ang balikat.

Paunti-unti ay naglakad ako kahit nakikita ko ang marahas niyang pag-iling. Inangat ko ang kamay niya para bigyan siya ng senyales na abutin ito para tuluyan na kaming makaalis sa lugar na ‘to.

“Jerald, nakikiusap ako sa ’yo. Abutin mo na ang kamay ko, ha?”

Kaunting distansiya na lang ang namamagitan sa aming dalawa. Ngunit tuluyan na akong huminto sa paglalakad. Ayokong lalo lang siyang ma-triggered na talunin ang ibaba ng gusali.

“At bakit ako makikinig sa traydor na tulad mo? Inagaw mo si kuya Kyler kay ate. Kaya ngayon ay mag-isa niyang nilalabanan ang sakit niya. Wala sa tabi niya ang taong mahal niya at ang kaibigan na itinuturing niya. Pati si mama ay nawala sa amin. Si kuya Julius at ate Rita, naghiwalay. Si marga, nabuntis ng boyfriend niya at tinakbuhan. Tapos si karina.. si karina na ngayon ay malala ang kalagayan sa hospital. Sabihin mo? Bakit nangyayari sa pamilya namin ang lahat ng ‘to? May ginawa ba kami sa dati naming buhay para iparanas niya sa amin ‘to? Bakit sa lahat ng pamilyang nabubuhay sa mundo, bakit kami pa?”

Hindi ako makahinga nang dahil sa rebelasyon ni Jerald. Ang lahat ng mga sinabi niya ay isinulat ko sa nobela ko na TTOH. Ngunit hindi ko akalaing mangyayari pa rin iyon gayong muli ko ng isinulat ang kuwento kung saan ay inilayo ko na sila sa kapahamakan at kamatayan.

Kaya bakit nga naman? Bakit bigla ay bumalik nanaman sa orihinal ang daloy ng kuwento? Ako pa ba talaga ang author netong libro? Bakit pakiramdam ko ay may iba ng nagpapatakbo ng kuwento at dinala ako sa librong ito para masaksihan ko ang kamatayan at pagkasawi ng bawat karakter na nilikha ko?

Ngunit hindi ito ang tamang oras para sa isiping iyon. Hindi ito ang tamang oras para panghinaan ako ng loob. Kaya muli ay tumingin ako sa mga mata ni Jerald. Ang mga mata ko ay sumisigaw ng pagsusumano na tuluyan na niyang abutin ang kamay ko. Mas lalo ko pa itong itinaas saka naglakad pa ng kaunti papalapit sa kan‘ya.

“At sa tingin mo ba ang tamang solusyon sa lahat ay ang magpakamatay ka? Ni hindi mo ba naisip kung anong mararamdam ng mga taong iiwan mo, ha? You‘re too selfish, Jerald. Sarili mo lang ang nakikita mo. Mas mahalaga sa ‘yo ang sakit ng nararamdaman mo. Pero paano naman ang mga taong nakapaligid sa ‘yo? Matatakasakan mo nga ang lahat ng sakit na pinagdaraanan mo, pero mag-iiwan ng mas masakit na alaala ang mga taong iiwan mo.” Huminga ako nang malalim dahil pakiramdam ko ay nawalan ako ng hangin sa katawan.

THE TWISTED FATE [unedited] ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon