6:
CHOICE
“Who‘s Jack?”Tila nanlamig ang buong katawan ko dahil sa itananong na iyon ni Isabelle. Ngayon ko lang napagtanto na mas‘yado akong nagpadala sa emosyon ko. Hindi ko talaga mapigilan ang sarili ko lalo na‘t nakikita ko ngayon ang hitsura ng kapatid ko. Inisip ko na kung makikita ko muli siya, maluwag sa pusong makakapagpaalam ako sa kan‘ya. Hindi tulad noong namatay siya.
Kaagad kong pinunasan ang namasa kong pisngi saka pekeng umubo. Apologetic din akong tumingin kay Jerald na ngayon ay gulong-gulo na ang histura.
“Pasensiya na,” ang unang salitang lumabas sa bibig ko. Paghingi ng dispensa kay Jerald. “Ah ano kasi. Just like what I‘ve said when we first met,” pagbaling ko kay Isabelle na ngayon ay naglalakad na papunta sa kabilang side ng kama ko. “Only child lang ako ng parents ko. At si Jack ang nagsilbi kong kaibigan at the same time, baby bro. Nadala lang ako sa emosyon dahil kamukha siya ni Jerald.
“Where‘s he? Bakit hindi ka niya ata dinadalaw,” si Jerald naman ngayon ang nagtanong.
Malungkot akong napangiti. “Patay na siya.” Tila may bumara na kung ano sa lalamunan ko nang bigkasin ang mga salitang iyon. Mabigat pa rin ang dibdib ko na para bang kahapon lang nangyari ang insidenteng iyon.
“Oh! We are sorry to hear that, Lare.” si Isabelle na ngayon ay hinawakan na ang kamay ko. “Pinag-alala mo kami. Pinag-alala mo ako. Mabuti na lang at ligtas ka na,” dugtong niya pa sabay ngiti.
Bakit tila may pakiramdam ako na hindi na siya sa akin sincere ngayon? Na sinasabi niyang nag-aalala siya ngunit iba ang sinasabi ng mga mata niya? Ano ba talagang nangyari pagkagising ko at pag-alis ko sa mundo na ito? Ang tangi ko lang namang ginawa ay ang baguhin ang tadhanang nakasulat sa libro.
May kabayaran ba bawat pagbago ko sa kapalaran nila? Ang sabi ng matanda, ang buhay ko ang kapalit sa pagsulat muli ng TTOH ngunit bakit may pakiramdam ako na iba ang hihinging kapalit ng tadhana?
“Nagpapasalamat ako kay Kyler dahil iniligtas niya ang buhay ko. Thank you,” mababakas ang sinseridad sa boses ko nang bumaling ako kay Kyler. Tipid siyang ngumiti saka pa nag-thumb up.
Nang ibalik ko ang tingin ko kay Isabelle ay nakita ko pa ang pag-irap niya. Hindi ko alam kung namamalikmata lang ba ako dahil mabilis din siyang nakabawi at ubod ng tamis akong nginitian.
“Maiwan ka na muna namin, hija. Ang sabi ng doctor ay mas mainam kong magpahinga ka muna. Para manumbalik ang lakas mo,” ang siyang bilin sa akin ni Aling Norna.
Nakita ko pa sa peripheral vision ko na hindi sang-ayon si Kyler sa ideyang iyon pero si Isabelle na mismo ang humila sa kan‘ya palabas. Ni hindi niya na rin nagawa pang magpaalam sa akin. Habang si Jerald naman ay lumingon pa sa akin ng isang beses saka na tuluyang isinara ang pinto.
Napahugot ako nang malalim na buntong hininga saka nasapo ang dibdib kong tila tinutusok pa rin ng maraming karayom. Akala ko luluwag na ang bigat sa dibdib ko kapag nakita ko na si Jerald. Pero mas lalo lang atang naging masakit para sa akin ang pagkikita naming dalawa. Lalo na at alam ko sa sarili ko na hindi siya ang kapatid ko dahil matagal na itong namayapa.
Pinilit ko ang sarili kong tumayo at hawakan ang dextrose ko para makasilip sa bintana netong hospital room ko. Mukha kasing nasa private room ako.
Saktong pagbukas ko ng kurtina ay ang pagbagsak ng malakas na ulan. No‘ng natulog ako sa realworld ay umuulan, hindi ko akalaing pati sa mundong ito.
Nangalumbaba ako sa pasamano saka pinagmasdan ang mga taong nakikita ko sa ibaba. Kitang-kita na rin ang unti-unting pagbasa ng paligid. Ni ultimo mga bulaklak sa labas ay tila nadiligan.
BINABASA MO ANG
THE TWISTED FATE [unedited] ✔
Fantasy[NOVELLA] WINNER OF WSA (Aug 2, 2022) Highest Rank: #13 Twisted #2 romancefantasy "Even we don't sit together in a one theatre, let's watch in a different time, in a different world, but the same movie." Fredlare Alcantara is a tragic writer on wat...