4. GOOD KISSER

65 17 5
                                    


4:
GOOD KISSER

Sabi ng iba, may dalawang linya kung saan ang isa ay ang mundong ginagawalan natin. At ang kabilang linya ay ang mundo kung saan ginawa ng imahinasyon nating mga tao.

Nang panahong nagdesisyon akong magsulat at maging manunulat, planado na sa utak ko ang mga senaryong mangyayari.

Ni ultimo hitsura, pag-uugali, kilos at kung anong magiging papel ng bawat karakter sa kuwento ko ay plantasado na.

Minsan na akong napagod sa pagsusulat. Naranasan ang mental block. Ngunit hindi sumuko. Dahil ito ang naging daan ko para buuin ang mundo kung saan perpekto ito sa paningin ko.

Ang blangkong papel ay unti-unting napunan. Ang kuwentong sinimulan ay tuluyang natuldukan. Ganito ang eksena ng isang manunulat.

Minsang pinangarap ko na rin na makapasok sa mundo na ginawa ko para sa mga karakter ko sa isang kuwento na na-isalibro. Ngunit hindi ko naman akalain na isang araw, mapapadpad ako sa mundo nila at matutuklasan na gaya nating mga tao ay humihinga rin sila. Ang kaibahan lang, planado na ang takbo ng buhay nila. Alam ko na kung paano mamamatay ang ibang karakter. Kung magkakaroon ba ng happy ending, kasi nga, ako ang nagsulat. Ako ang bumuo sa kanila.

Mulat na mulat na ang mga mata ko dahil kanina pa ako gising. Lampas isang oras na nga siguro akong nakatingin lang sa kisame. Akala ko kasi pagmulat ng mata ko, makakabalik na akong muli sa mundo ko. But unfortunately, nandito pa rin ako.

Kinakain ako ng malalim na pag-iisip. Maraming katanungan ang pilit nagsusumiksik sa utak ko. Katulad na lang na bakit ako nakapasok sa mundo na sa libro lang binuo? Bakit kailangan kong makita ang mga karakter ko? May misyon ba akong dapat gampanan, bukod sa isulat sila?

Wala sa sariling nasabunutan ko na lang ang aking sarili. Kasi kahit ako ay walang masagot sa tila misteryosong pangyayaring ito. At alam ko kung sino ang makakasagot sa akin — ang matandang iyon na nakausap ko sa sementeryo.

Frustrated akong napabangon sa kama at nag-indian seat. Gustuhin ko man makita at makausap ang matandang iyon at napaka-impossible. Pwera na lang kung kagaya ko, pati siya ay nasa mundong ito. Could it be? Nandito rin kaya ang matandang iyon? May kinalaman ba siya o maski ang sinabi niya kaya ako napadpad dito?

Maya-maya lang ay tila nangilabot ako. Tumaas ang balaho ko sa batok at ramdam ko ang paninigas ng aking tiyan nang may marinig na isang tinig sa tenga ko.

“Red...”

Nanlalaki ang mga mata kong napabangon sa kama at inilibot ang tingin sa apat na sulok ng kuwarto.

Red,” muli ay tawag ng tinig na iyon sa pangalan ko.

Napalunok ako at pilit pinatatag ang sarili. Kinuha ko mula sa aking gilid ang isang walis tambo, pang-dipensa sa aking sarili.

Alam ko sa sarili na hindi isa man sa pamilyang Calista ang tumawag sa akin. Dahil kung gusto nila akong isturbuhin sa aking pagtulog ay dapat kanina pa sila kumatok sa pinto ko. Lalo na‘t rinig ko ang pagsara‘t-pagbukas ng pinto sa kabilang kuwarto. Kung saan natutulog si Isabelle.

“Sino ka? Magpakita ka sa akin,” lakas-loob kong pagsagot sa pagtawag niya sa pangalan ko. Saka mas hinigpitan ko ang paghawak sa walis tambo.

“The person who can help you in this world."

Natigilan ako sa sinabi niya. Tanging boses lang talaga ang naririnig ko. Wala akong makitang bakas ng isang tao.

“A-anong ibig mong sabihin?” kahit papaano ay tumapang na ang boses ko. Kung totoong matutulungan niya ako sa mundong ito, kailangan kong makasigurado.

THE TWISTED FATE [unedited] ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon