2. REAL

130 21 2
                                    


2:
FICTIONAL CHARACTERS BECOME REAL


Napabuga na lang ako nang marahas dahil wala pa ring panibagong plot na pumapasok sa utak ko. Isang buwan na akong hiatus simula nang second book signing ko. Pero magpahanggang ngayon ay wala pa rin akong nobela na naisusulat.

Ni ultimo description lang at kahit maliit na detalye ay para bang pinagkakaitan ako ng utak ko. Nakakapanibago dahil noon, sa tuwing nakaharap ako sa aking laptop ay kaagad rumaragasa ang mga naiisip kong scene na mangyayari sa kuwento. Kaya sa loob ng isang oras ay nakakatatlo or nakakaapat kaagad akong chapters.

Hindi tulad ngayon. Tapos mabilis pa akong ma-distract. Samantalang noon ay inspired na inspired akong magsulat at naka-set pa ang schedule kung anong oras ko isusulat ang next chapter ng story ko.

Pero sa kaso ko ngayon? Ni hindi ko na nasusunod ang schedule time ko. Sinubukan ko na rin mag-outline na hindi ko naman dating ginagawa pero wala pa ring nangyayari.

Kaya kahit labag sa loob ko ay nagdeklara muna akong magiging hiatus. Ang sabi ko sa post ko ay hanggang dalawang linggo lang akong mawawala pero mahigit isang buwan na. At nahihiya na akong buksan ang wattpad account pati social media accounts ko dahil alam kong bubumbahin lang nila ako ng tanong kesyo kailan ako babalik. Kaya pinili kong 'wag magbukas lalo na't hindi ko pa alam kung kailan talaga ako makakabalik.

Ilang beses na rin akong nakatanggap ng mga mensahe galing sa editor ng Chapters of Bookfare. Bukod sa gusto nilang magkaroon ng second batch para sa releasing ng The Taste of Tragedy, nagtatanong na rin sila kung kailan ang balik ko at balak nilang mag-sched for live interview sa facebook. Together with my co-authors.

Matagal na nila akong kinakausap sa bagay na magpalit ako pansamantala ng genre. From Tragic story to Erotic Romance na kaagad kong inayawan. Bukod sa hindi ako komportable sa genre na iyon, iniisip ko rin ang mga readers ko na wala pa sa legal age.

Kasi aminin man natin o sa hindi, may iba talaga riyan na kahit may warning ka na, babasahin pa rin nila. May mga pasaway talagang readers pero ‘yong iba naman sa sobrang suportado ka, kahit na genre na ‘di na akmang basahin para sa kanila ay binabasa pa rin nila.

This past few weeks medyo ginigisa na ako ng editor namin. Kulang na lang ay palitan ko na ang simcard ko para hindi na nila ako ma-text. But that's too unprofessional for me.

Napahugot akong muli ng malalim na buntong hininga saka ko pinatong ang baba ko sa isa kong palad at tinitigan ang blangko ko pa ring microsoft word. Ni isang salita ay wala pa akong nata-type.

“Red, nabalitaan mo na ba?” maya-maya ay rinig kong tanong ni Laisa. Katulad ko ay nakaharap din ito sa sariling laptop. Mukhang may pinapagawa nanamang bagong design ang boss niya.

“Ang alin?" walang-ganang tanong ko pabalik.

“Magkakaroon daw ng collaboration between wattpad and webtoon.” Mababakas ang kasiyahan sa mukha niya. Nagawa pa nga niya akong yugyugin sa balikat.

“May collaboration naman na between the two of us. So, what‘s new?”

Si Laisa kasi ang ka-collab ko sa paggawa ng story ko. Ako nagsusulat at siya naman ang nagda-drawing at pinopost niya iyon sa webtoon. Syempre, with my consent. Maganda naman kasi ang gano‘n, hindi mo na kailangan ng mahabaang paliwanag. Sa paggalaw palang ng mga characters sa drawing ni Laisa ay alam mo na kaagad kung anong ginagawa nila. Kailangan lang talaga ng mahabang usapan sa kuwento. Dahil do‘n tatakbo ang istorya.

Kaya nga medyo may kahabaan ang mga isinusulat ko kasi pina-practice ko na ang sarili ko na maraming dialogue sa pagitan ng mga characters ko.

Noong una, ginawang hobby lang ito ni Laisa. Hanggang sa pareho kaming ma-discover. Nakaabot pa nga istorya ko, worldwide dahil sa tulong ng webtoon. Hindi lang oppurtunity sa mga artist and writers ang ibinibigay ng webtoon. This platform also gives fee or the artist are being paid off. Kaya nga itong bestfriend ko tuwang-tuwa kapag ka sumusuweldo na. Kaya ginawa niya ring sideline ang pagda-drawing niya.

THE TWISTED FATE [unedited] ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon