FOUR YEARS LATER...
Nakaupo si Xam sa tabi ng salaming pader ng isang coffee shop na malapit lang sa kompanya nila. Pinagmamasdan ang kalye na puno ng sasakyan at abala.
She's wearing a beige round neck sleeveless paired with White long square pant and White pumps. She has a cup of coffee in front of her.
Ilang taon na rin ang nakalipas mula ng makakita syang muli. Matapos mawala ni Jay ay lumipad sila pa-america dahil may magiging donor na daw sya. Hindi na sya nakapunta pa sa burol nito, maski sa libing nito. Makalipas ng ilang buwan ay nalaman nyang ang matang inilipat sa kanya ay mula kay Jay. Ayaw sa kanya ipaalam sana ng kanyang mga magulang gaya ng nais ni Jay pero aksidente nyang narinig iyon habang naguusap ang mga magulang.
"Xam!"Hinihingal natawag sa kanya ng kararating lang na lalaki. Naupo ito sa harap nya sabay pangalumbaba nito sa lamesa.
"Oh! Anong ginagawa mo dito?" Gulat na wika nya."Anong ginagawa mo dito?" Tumingin pa sya sa paligid bago bumaling muli dito "Anong mukha yan?"napangiwi sya sa itsura nito"Ano na namang problema mo? At parang ang ganon kalala?"natatawa nyang tanong.
Bumuntong hininga ito. "Si Wynter kasi hindi na naman ako pinapansin. Akala ko, Okay na kami,e. Pero bakit ganon na naman sya?" Nakasimangot na wika nito.
"Bakit? Ano na naman bang ginawa mo?" Natatawa nyang tanong habang nakahalukipkip ang mga braso at nakasandal sa backrest. "Baka naman kasi may nagawa ka na naman?"
"Yun nga hindi ko alam eh" frustrated na wika nito saka isinubsob ang ulo sa lamesa habang mahinang sinasabunutan ang sarili. Iritable itong umupo ulit paharap sa kanya. "Hindi rin naman sya nagsasabi kung ano ang problema nya. Arrggghhh...." He groaned
Natawa naman sya mukha nito. "Tsk. Kausapin mo na yun. Baka kung ano pa ang inaalburoto ng isang yun"natatawang wika nya. "Sige na. Umalis ka na. Puntahan mo na ang mag-ina mo" natatawang pagtataboy nya dito. "Shoo!"
Nakasimangot naman itong tumayo at para bang nanlulumo talaga. "Sige na pinagtatabuyan mo na ako eh." Tinalikuran na sya nito saka naglakad papalabas ng Coffee shop.
Nang mawala ang kausap kanina sa kanyang paningin, natatawa na naman syang sumandal sa backrest at tinanaw na muli ang kalye na nababalot na ng kadiliman at puno ng ilaw ng mga nagdadaanang sasakyan.
Nagpalipas pa sya ng ilang minuto dun bago tumayo at naglakad papalabas ng coffee shop.
Tumawid sya at naglakad pa sandali pabalik sa building nila. Iniwan nya ang sasakyan sa basement ng building nila kanina kaya kinailangan pa nyang bumalik ulit. It's already past 6 in the evening.
"Good Evening, Ma'am" bati sa kanya ng guard na nasalubong nya.
"Evening" Tinanguan nya ito bago siya makalagpas dito.
Dumiretso na sya pasakay sa BMW nya. Inilagay nya ang dalang bag sa katabi nyang upuan. Nasa kalagitnaan sya pag-aayos ng seat belt ng biglang tumunog ang cellphone nya kaya kinuha nya ang bag saka inilabas dun ang nagriring na cellphone nya.
"Hello?"Iniipit nya ang celphone sa pagitan na balikat at tenga para maikabit na ang seatbelt nya.
"Nasaan ka na?" Tanong ng nasa kabilang linya. That's Emerald.
Kinuha nyang muli ang cellphone at umayos ng upo nang maayos na nya ang seatbelt.
"Ha? Anong meron?" Natataka nyang wika.
"Hindi mo ba nabasa? Nag-text kaya ako sayo"
"Wehhh..Hala" Dali-dali nyang binuksan ang mga message sa kanya

YOU ARE READING
Chance Series#1: Second Chance of love(On-going)
RomanceWhat happen if someone you love dearly lies to you? Would you accept it or start a new things...without him?