It's already 1 am and the main event is already done but the party goes on. It's their after party where they can dance freely while transmusic were consuming the whole back yard. Drunk whatever they want.
"Whooo...." sigaw ni Clau habang sumasabay sa malakas na tugtug ang katawan. "Let's party!! Yeahh...." Iginiling pa lalo nito ang mga bewang habang ang dalawang kamay ay nakataas at ang isa ay may hawak na wine glass. Lasing na lasing na ito at hindi na nito halos alam ang pinaggagawa.
Ang kaninang formal na party—ngayon ay sobrang ingay na at magulo.
Sila lang magkakaibigan ang natira. Halos lahat sa kanila ay may tama na. Natapos ang main event kaninang 9 pm kaya kanina pa sila nagkakasayahan. .
"Tama na yan, Clau"Awat ni Xym dito. Kinuha ni Xym ang hawak nitong wine glass saka inilagay sa pinakamalapit na lamesa.
"Ayaw ko pa!"nagpupumiglas si Clau. pilit na kinukuha ang wine glass na kinuha mula sa kanya ni Xym "Kaya ko pa ang sarili ko!" inis na reklamo niya kay Xym.
"Tama na,Clau" may pagbabanta ang boses nito "Tama na"mariin na sabi ni Xym habang matiim na tingnan si Clau sa mga mata. "Tara na. Lasing ka na" may inis na sa boses nito.
Napanguso na lang sa takot si Clau, sa takot sa titig ni Xym. Inakay sya ni Xym papasok sa loob ng bahay nila Xym. Dito silang lahat mamamalagi pansamantala.
Si Xam naman ay kaupo sa lamesa nila kanina kasama ang ibang kaibigan na may mga tama na at lasing. Nakayuko na si Gino at Ralph sa lamesa. Si Vaness, Emerald, Luke at Vianca ay nagsasayawan pa rin sa gitna. Si Bryan ay nakahandusay na sa damuhan habang hawak ang isang buti ng alak. At si Jay naman ay nasa tabi niya at umiinom pa rin kahit lasing na.
"Kakaiba talaga kapatid mo. May fiancee na—lumalandi pa"wala sa sariling wika ni Jay na sinabayan pa ng mahinang tawa kaya natatawa syang napalingon dito.
Pero sa hindi inaasahang pagkakataon, Pagkalingon nya ay nagtama ang mga labi nila. Sa gulat ni Xam–hindi nya magawang kumilos o maitulak man lang ito. Namalayan na lang nya na gumagalaw na ang labi nito sa mga labi nya habang sya ay hindi makagalaw sa kinauupuan sa gulat.
"Xam—”Natigilang wika ni Xym.
Dun nagising ang diwa ni Xam kaya nagawa nyang itulak si Jay. Bumagsak ito sa damuhan sa sobrang kalasingan. Nag pass out na ito.
Maski si Xym ay nagulat sa naabutan. Nagtaka siya sa biglaang katahimikan ng mga tao sa garden ng makababa sya mula sa hagdan kaya dali syang naglakad palabas—at yun na ang naabutan nya.
"Xam, tara na. ihahatid na kita sa kwarto mo" walang emosyong wika nito habang inaalalayan sya. "Lasing ka na rin"
Tumango sya "Sige" lutang na wika nya. Ang kalasingan kanina ay biglang nawala.
"Luke, Ayusin mo yang kaibigan mo" turo ni Xym sa nakahandusay na si Jay. "Tara na" sabay akay kay Xam paalis dun.
Ang gulat na si Luke ay agad na nilapitan ang kaibigang bumagsak na sa damuhan. Lumuhod ito para mailagay ang kaliwang braso ni Jay sa balikat nya.
"What was just happened?" Gulat at naguguluhang bulong ni Vianca sa mga kasama pero wala man lang sumagot sa kanya.
Si Vaness at Emerald naman ay napapailing na lang sa nakita.
"Help, guys" tawag ni Luke kila Vaness, Vianca at Emerald nang hindi nya kinaya ang walang malay na katawan ni Jay.
Nagsilapitan naman ang mga ito saka tulong tulong na inihatid nila si Jay sa tutulugan nitong kwarto ngayong gabi. Inihatid na rin nila ang iba sa kanya-kanyang mga kwarto.

YOU ARE READING
Chance Series#1: Second Chance of love(On-going)
RomansaWhat happen if someone you love dearly lies to you? Would you accept it or start a new things...without him?