Xam was lying beside Vein habang ang ulo nito ay nakaunan sa braso ng binata. It's already 3 in the morning. That was steamy night for them. Malamyos na nilalaro ni Vein ang buhok ni Xam habang nakayakap ito sa kanya.
"Ang lalim ata ng iniisip mo?" Rinig nyang wika ni Xam kaya tingnan nya ito. Nakatingala ito habang nakatingin sa kanya.
Umiling sya"Wala" wika ni Vein saka malambing na ngumiti. "Masaya lang talaga ako kasi nandito ka na ulit sa tabi ko"
Napangiti si Xam sa sinabi ng binata at humigpit ang yakap sa binata. She feltsomething to her stomach. "I'm glad that we're back together." She sweetly whispered. Biglang nagbago expression ng dalaga ng may biglang maalala "Alam mo ba kung gaano ako nasaktan nung umalis ka" gigil na hinampas ni Xam ang dibdib ng binata. "Kung 'saan-saan' kita hinahanap ha?!" gigil ding nyang kinurot ang tagiliran ng binata na ikinaigtad nito.
Natawa si Vein sa inasal ng dalaga. Parang bumalik ito sa Xam na nakilala nya 6 years ago.
"Oh!A-Aray!!Tama na, Xam!!" Natatawang reklamo ni Vein sa ginagawa sa kanya ni Xam.
Hinuli ni Vein ang kamay nito para pigilan ito pero sumimangot ito ng mahuli nya ang isang kamay nito at pinagsalikop.
"Hmmpp" singhal ni Xam bago tinalikuran ang binata.
Naramdaman ni Xam ang kabilang braso ni Vein na umakap sa bewang nya. Namula siya ng may ibulong ito sa tenga nya.
"Buntis ka kaagad? Ngayon palang may nangyari sa atin ah?" Pabirong wika ni Vein kaya nakatikim na naman 'to ng kurot mula kay Xam. "Aaaray! Sige na! tama na! Di' na kita aasarin" natatawang wika ni Vein habang namimilipit sa kurot ni Xam.
Binitawan naman sya ng dalaga saka tumalikod ulit ng higa mula sa kanya. "Tulog na tayo" bulong ni Vein bago binalot muli ng mainit na yakap si Xam. Sabay silang nakatulog. This warm feeling always hunts him while he was gone away from Xam.
Naalala nya yung araw na bibisitahin dapat nya si Jay sa Hospital dahil nacomatose ito ng ilang buwan at ibinalita ng pinsan nya na gising na ito, sakto naman na naglalakad na sya paakyat sa floor na kinaroroonan nito pero bigla syang na pahinto ng biglang may narinig sya sa loob na para bang nagtatalo talo.
"I am Xam's ex-boyfriend" rinig nyang wika ni Jay na ikinatigil nya. Narinig nya ang lahat ng paliwanag nito ngunit hindi pa rin nya maiwasang masaktan sa nalaman. Maraming pagkakataon ang pinalagpas nito para sabihin sa kanya lahat ng patungkol dito at kay Xam. Ngunit mas pinili nito ang itago yun mula sa kanya. Gusto nyang magalit sa binata pagpumapasok sa isipan nya na ito ang may kasalanan ng pagdurusa ni Xam ngunit hindi nya magawa dahil alam nya sa loob loob nya naiintindihan nya ang dahilan nito. Gulong-gulo sya ng araw na yun kaya mas pinili nya ang hindi na muna bumisita sa hospital. Gusto na muna nya kalmahin ang sarili.
"Ilang araw ka nang 'di pumupunta sa hospital" wika ng pinsan nyang si Clau nang puntahan sya nito sa condo unit nya. "Hinahanap ka na ni Xam. Hindi mo rin sinasagot ang mga tawag sayo." Inilapag nito ang dalang pagkain sa center table bago naupo sa pang isahang upuan at sya, nakahiga habang nakapatong ang isang braso sa noo.
"Ayaw ko munang may makausap na niisa sa kanila" bulong nya. "Ayaw kong pati sila madamay sa pinagdaraanan ko. Ako lang ang makakasagot sa sarili kong problema kaya mas mabuti na sarilinin ko na muna sa ngayon." Umupo sya para maharap ang pinsan. "Ano 'tong dala mo?" Hinalungkat nya ang plastic na dala nito.
Naglalaman yun ng mga tupperwear ng may lamang pasta, rice, and chicken.
" Pinadala yan ni Tita. Di' mo daw sinasagot tawag nila.
"I had been busy with flights lately" sagot nya bago inilabas ang lahat ng pagkain na nasa plastic at kumuha ng kutsara sa kusina.
Matapos ang araw na yun. Nagpaalam ang pinsan nya na aalis na dahil may flight pa ito bukas ng maaga. Sya naman ay naiwan na naman mag-isa sa condo nya, Tulala sa kisame habang binabalikan ang mga iniisip nya nitong mga nakaraan na araw. Hindi nya alam kung paano pa haharapin ang mga kaibigan, lalong lalo na si Xam.

YOU ARE READING
Chance Series#1: Second Chance of love(On-going)
RomanceWhat happen if someone you love dearly lies to you? Would you accept it or start a new things...without him?