Chapter 23

4 0 0
                                    

Maagang nagising si Xam kahit puyat sya kagabi. Muntikan pa nga nya makaligtaan ang alarm nya buti na lang at ginising siya ni Yaya Madeth.

"I missed you, Jay" Nakaupo sya sa damuhan habang nasa harap naman nya ang puntod ng matalik na kaibigan. May dala syang bulaklak para dito at Nagtirik na sya ng kandila

Jayden Lucas Grey

Birthday: June 15, 1992
Died: January 22, 2017

"Kung nasaan ka man sana ay masaya ka" Hinaplos nya ang lapida nito "Apat na taon na rin pala ang nakalipas mula ng mawala ka." Malungkot na nagpakawala sya ng hininga. "Limang taon na rin ang nakalipas ng mawala na lang sya bigla" mahinang bulong nya. "Kamusta na kaya sya? Nasaan na sya? Buhay pa ba sya?" Tanong na para bang kaya nitong masagod lahat ng tanong nya.

"Hay naku! Umiiyak na naman ako sa harap mo" she chuckled habang pinunasan nya ang luhang tumulo sa mga pisngi nya gamit ang palad. "Pasensya ka na. Lagi na lang ako ganito pag nandito ako. Hindi ko lang talaga maiwasan."patuloy ang pagtulo ng luha nya kahit anong punas nya. "Ikaw lang ang napagkwekwentuhan ko nito. Ayaw ko naman na pati sila ay madamay sa nararamdaman ko" mapait syang ngimiti.

Naalala nya nung umuwi sila galing sa ibang bansa. Sa Sementeryo ang deretso nya kaagad pagkadating na pagkadating nila ng pilipinas. She recovered for almost a year after her transplant. So it's okay to be emotional. Yung panahon na hindi pa nya alam na ito ang nagdonate ng mata para sa kanya.

Naupo siya sa damuhan sa harap ng puntod ng binata.

"Hey, Jay"she cheerfully said"I'm back..."May ngiti sa kanyang mga labi "Pasensya ka na ha? Hindi ako nakapunta sa libing mo. May nagdonate na kasi ng mata para sakin. Sayang hindi mo na naabutan pa ang pagbalik ng paningin ko. Sakto kasi sa pagkawala mo ang pag-alis namin pero don't worry lagi na kitang dadalawin mula ngayon. Hindi na kami aalis. Dito na kami for good" hinaplos niyang ang lapidang nasa harapan.

"Alam mo ang dami ko ng nagawa mula nung makakita ako ulit."Masaya nyang pagkwekwento. Yung mga ginagawa ko dati nung nakakakita pa ako ay nagagawa ko na ulit. Umakyat kami sa bundok, Camping, Bar, Party...lahat yun. Pero syempre may limitasyon" tumawa sya. Alam nya kung buhay pa ito ay babatukan sya nito dahil sa huling mga kataga nya.

Ayaw na ayaw nito ang masyado syang nagliliwaliw at umiinom. Masama daw kasi sa liver nya. Natawa na naman sya.

"I wish you're still with me. Sana binigyan mo ako nangpagkakataon na maalagaan ka sa panahong kailangan mo ako. Panahong malakas ka pa. Pero hindi eh, Mas pinili mong magsinungaling sakin at magkahiwalay tayo kaysa ang sulitin ang panahong nalalabi sayo ng magkasama" may lungkot sa mga mata nya. "Pero salamat na rin dahil kung hindi mo yun ginawa, hindi ko makikilala si Vein. Hindi ako makakatagpo ng kasing bait mo pero syempre tingin ko sya mas gwapo sayo" biro nya saka humagalpak ng tumawa.

Nahiga sya sa damuhan habang nakatunghay sa asul na kalagitan. Ikinukwento nya lahat ng gusto nya ikwento sa binata hanggang sa kailangan na nya umuwi dahil mag gagabi na.

"Bye, Jay. Babalik na lang ako sa susunod"Paalam nya bago tumalikod at naglakad papasok sa kotse. Mula noon ay lagi na nyang dinadalaw ito.

Nanariwa rin sa isipan nya ang araw na nalaman nyang ito ang nagdonate sa kanya ng mga mata kaya nakakakita na sya ngayon.

Kakapasok lang nya ng bahay ng maabutan nyang walang tao sa sala. Madalas kasi ay dun nya naaabutan ang mga magulang kaya dumeretso sya sa kusina pero wala pa rin ang mga ito. Halos libot nya buong bahay nila kakahanap sa mga ito. Buti na lang ay nakasalubong nya si Yaya Madeth ng paakyat na sana sya sa 2nd floor.

"Yaya, Sila Mom and Dad?"

"Nasa library sila" Turo nito sa pinakadulong hallway ng 2nd floor

"Ahh...sge po, Yaya. Salamat po" Nilagpasan na nya ito bago nag lakad papunta sa dulo ng tinuro nitong hallway.

Chance Series#1: Second Chance of love(On-going)Where stories live. Discover now