"Ahh... sa wakas" Nag-unat na si Vein Habang nakatingin sa malawak na dagat matapos ng mahabang byahe.
Sya ang nagdrive ng sasakyang kinalululanan nila Clau, Xam,Avi at Xym. Nagconvoy silang magkakaibigan dahil masyado silang marami para sumakay sa iisang van lang
Nasa Beach resort sila napag-aari nila Vianca dito sa Batangas. It's their week vacation. Nag day off silang lahat para lang sa araw na 'to.
Kitang kita ang asul na dagat at mga mangilan-ngilan na tao na nagswiswimming na mula sa kinatatayuan niya.
Nang makuntento sya sa nakikita, lumapit sya sa kanang bahagi ng backsit para pagbuksan ng pinto si Clau at Xam na nasa loob pa rin. Si Xym at Avi naman ay abala na sa pagkuha ng gamit nila sa compartment.
"Akala ko wala kanang balak eh" masungit na wika ni Clau"Alis nga dyan"sabay tulak sa kanya para makalabas na–na syang ikinagulat nya at pinagtaka.
Dumiretso ito sa compartment at basta lang hinigit ang bag–walang pakiaalam kung may matamaan o may malaglag sa mga gamit nya. Maski ang dalawang nasa likod ay nagulat din sa inasal nito.
"Anyari dun?"nagtatakang bulong nya. Hinarap nya si Xam na naiiling sa naging asal ni Clau. "Tara na nga, Xam" Aya niya dito.
"Hmmpp.."inistretch ni Xam ang nananakit na likod. "Ang sakit sa likod" bulong nya sabay masahe sa sariling balikat.
"Ayos ka lang?" tanong ni Vein ng mapansin ang ginawa nito. Inalis nya ang kamay nito sa balikat at sya na ang naghilot ng balikat at likod nito
"Hm-mm"tumango ito "Medyo sakit lang"
Patuloy nyang hinilot ang likod nito. "Feel better?"
"Yeah..Thank you" nakangiting wika nito.
"Ako na magdadala ng bag mo,Xam" anunsyo ni Xym bago isara ang compartment.
"Gamit mo?" tanong ni Xam ng makapa na wala syang dalang bag. nasa likod nya kc ang isa nitong kamay habang sya ay nakaakbay sa balikat nito.
"Babalikan ko na lang mamaya. You first"
Si Xam naman ay di malaman ng expression. natatawa ba ito o kinikilig na iwan. "Tara na nga. Daming alam" bulong nya.
Naiiling naman si Vein habang malawak ang ngiti. Mahigit isang taon na rin pala mula ng nakilala nya ang dalaga.ul
"Yes...Nakarating din" wika ni Gino ng makababa ng sasakyan. Hinihilot nito ang sariling likod.
Naglabasan na rin ang iba pa nilang kaibigan dala ang kanya kanyang mga gamit maliban lang kay–
"Beach, here we come..." sigaw ni Emerald habang malawak ang ngiti...nauna na itong tumakbo papunta sa shore.
–Emerald na tumatakbo na.
"Tss...ang babae talaga na yun" Bulong ni Ralph na syang may dala ng mga gamit ni Emerald at sariling gamit nito.
"Hmm..." Dawn groaned while stretching his back and arm "Nakakamiss magbeach. Buti na lang maganda ang panahon" Wika nito na kakalabas lang ng sasakyan nila Emerald. Isinuot nito ang Shade na nakasabit sa White V-neck nito na may hawaiian polo bilang blazer.
Umuwi ito kaya sinulit na nila na nandito ito sa pilipinas. Kaya naisipan na rin nilang mag beach bilang bonding at Celebration dahil nakagraduate na rin ito sa wakas.
Naglakad na sila papasok ng resort nang maibaba na nilang lahat ang mga gamit.
"Ang ganda naman dito..." mahinhing wika ni Avi ang Fiancee ni Xym habang nahawak sa isa braso ni Xym.

YOU ARE READING
Chance Series#1: Second Chance of love(On-going)
RomansaWhat happen if someone you love dearly lies to you? Would you accept it or start a new things...without him?