Chapter 7

4 0 0
                                    

"Vein?Vein wake up! It's already one in the afternoon"

Nagising siya sa malakas na katok at sigaw na iyon mula sa labas ng kwarto nya. That's his mom.

"Gumising ka na dyan. Malalate na tayo sa party ni Clau."

Napabangon sya bigla sa narinig nya kaya ang tendency ay biglang umikot at nagdilim ang paningin nya. Kaya napahawak sya mata nya saka pabagsak na nahiga ulit.

"Shit!" He hissed

"Bangon na..Vein" pangungulit ng mama nya.

"I'm already wake up now, mom" sagot nya habang nakapikit pa rin at hinihintay maging maayos ang paningin niya

"Bilisan mo at malayo pa ang biyahe natin."

"Okay po"

Lumipas ang ilang Segundo, umayos na ang paningin nya kaya agad na siyang nagpunta sa bathroom para maligo at mag-ayos. Hindi sya nakatulog kagabi kaagad. Ginugulo pa rin nang babaeng tinulungan ang isipan nya. Madaling araw na ata sya nakatulog. Naka suot na sya ng isang black suit with a violet necktie. Inaayos nya ang necktie nya ng bumukas ang pinto ng kwarto nya. Sumilip dun ang papa nya.

"Captain? Hindi ka pa ba tapos? Aalis na tayo."

"Tapos na po, Dad"sagot nya bago kinuha ang regalo nya kay Clau at cellphone na nakacharge saka lumabas ng kwarto at bumaba.

"Let's go" naabutan nya ang mga itong hinihintay na sya sa living area. Dumeretso na sya sa may pintuan. Sumunod naman sa kanya ang mga magulang.

"Akala ko, matagal ka pa eh" reklamo ng mama nya sa kanya.

Alanganin syang napangisi habang nagkakamot ng batok."Sorry ,Ma"yakap nya dito. Bumaling naman aya sa papa nya "Ako na po magdridrive" presenta nya ng makarating sila sa garahe. Ibinigay naman sa kanya ng papa nya ang hawak nitong susi kanina pa.

Nang makasakay na silang lahat ay agad na nya pinaandar ang sasakyan. He's on leave kaya nakaattend sya sa birthday ng pinsan nya ngayon. Gaganapin ang birthday nito sa hotel sa tagaytay kaya kailangan nilang medyo maaga makaalis dahil traffic ngayon. Alas singko na ng hapon nang nakarating sila sa Tagaytay. Pagkapasok nila sa Hotel ay dumeretso na sila sa Hall kung saan gaganapin ang 23th birthday ni Clau. Pagkapasok nila ay sinalubong sila ng napakagandang tanawin. The whole room is on in deam lights. Ang mga pabilog na lamesa ay nababalutan ng violet at puting tela. Ang mga upuan ay clear kaya nagrereflect ang violet theme ng lugar. May center piece table din itong kulay violet na Italian Aster. May iilang mga bisita na ring nandun. Ang lamesa para sa buffet food ay nasa magkabilaang bahagi ng venue. May stage din kung saan tumutogtog ang live band. Sinalubong sila ni Clau ng makita sila nitong papasok sa venue

"Good Evening, Tita"humalik ito sa pisngi ng mama nya "Tito" humalik rin ito sa pisngi ng papa.

"Happy Birthday, Clau" bati dito ng mama nya saka ibinigay ang regalo ng mga ito para dito

"Thank you, Tita" Kinuha nito ang regalo saka nito kinalawit ang mga kamay sa braso nya "Tita pahiram muna ako ng pinsan ko ah" paalam nito saka sya binatak nito kung saan. Natawa naman ang magulang niya sa ginawa ng pinsan nya.

Sila Xam at Xym naman ay kararating lang. It's already six in the evening when they arrived. Pagkapasok nila ng venue, nakuha nila ang atensyon ng mga taong nandoon. Walang kamalay-malay si Xam sa titig ng mga taong nandun sa kanila. Sinalubong sila ni Clau

"Xam!" niyakap sya nito ng napakahigpit. Naikinatawa nya "I really missed you" sabi pa nito bago nito bumitiw sa pagkakayakap kay Xam

"Happy Birthday, Clau" niyakap rin pabalik ni Xam "I miss you too, girl"

Chance Series#1: Second Chance of love(On-going)Where stories live. Discover now