Kinabukasan, Maaga silang nagising para mag island hopping. Nagdala sila ng DSLR at Underwater Camera para sa mga pictures. Nagpunta sila malalapit na isla na nasa paligid para mag scuba diving at snorkling. Aliw na aliw sila sa mga isdang nakikita. Kahit mainit na ay sinulit pa rin nila ang paglangoy.
Nang dumating ang tanghali, huminto sila sa isang isla kung saan may Floating Restaurant at dun kumain. Nagtagal pa sila ng konti at Ininjoy ang pananatili dun. Nagpicture picture at lumangoy ulit dahil ang ganda ng white sand beach dun.
Nang magsawa sila sa lugar, Lumipat naman sila ng ibang isla. Hanggang sa magdapit hapon na.
Kapansin-pansin ang pagiging sweet ni Jay kay Xam pag magkasama ang dalawa pero binaliwala na lang yun ng magkakaibigan dahil ayaw nilang masira ang araw na yun. Alam nilang si Vein ang nanliligaw dito at ung ang pinagtaka ng mga kaibigan nila Jay at Xam na hindi nakakaalam ng nakaraan nila. Hindi naman ito ganon sa iba nilang kaibigan na babae.
Sa Sumunod na araw naman ay nag resort activity na lang sila bilang pahinga sa ginawa nila kahapon. Tanghali na rin kasi sila nagising pare-parehas. Marami na silang nagawang activity nag parasailing, Jetski, beach trampuline-kung saan pwede ka tumalon-talon bago magdive sa dagat. at marami pa silang sinubukan na kumain sa buong maghapon nila.
Kasalukuyang nasa banana boat sila Avi, Xym, Emerald at Ralph.
"Wooooaaaahhhh" sigawan ng mga ito habang batak batak ng speed boat ang sinasakyang banana boat.
Mayamaya pa ay nagtawanan sila ng laglag si Emerald at sumama si Ralph sa pagkahulog nito.
Si Vein at Jay naman ay nag kayak boat racing-papunta at pabalik. Ang iba naman na nasa dalampasigan ay todo ang cheer sa mga nagraracing. Nahati kasi sila sa dalawang grupo—tig-tatlo per group. Ang matatalo ay manglilibre sa last day nila sa malapit na beach bar sa resort.
Kasalukuyan na si Dawn at Gino ang naglalaban sa kayak racing.
"Go Babe!" Sigaw ni Vaness na kagrupo nito.
"Go Dawn!Fighting! Bilis!Bilis!" sigaw ni Clau na nasa kabilang grupo.
Nagsigawan sila ng biglang tumaob ang kayak ni Gino ng paikot na ito. Nagtawanan sila pagkaahon nito. Tuwang tuwa naman ang nasa kabilang grupo dahil sa nangyari.
Ramdam ni Xam ang saya ng mga kaibigan kahit hindi nya nakikita ang mga ngiti ng mga ito na syang nagpapangiti sa kanya pagnaririnig ang tawa ng mga ito.
"Ayos ka lang?" tanong ni Vein ng mapansing nakaupo lang sya sa lounge habang nakaharap sa direction ng mag kakaibigan. Umupo ito sa tabi ng dalaga.
Tumango ito"Hmm-mm..Yeah. Ayos lang ako" sabi nito habang may malawak sa ngiti sa mga labi.
"You enjoy here? Ayaw mo sumali dun?" Tanong niyang muli.
Umiling ito"Ayaw ko. Dito na lang muna ako. Ayoko na makigulo pa dun" sinabayan pa yun ng tawa ni Xam.
"Okay. Dito na lang rin ako"may pinalidad na wika nya habang may ngiti sa mga labi. "Sasamahan kita dito"
Tinaasan naman sya ng kilay nito "Dun kana"Pinagtulakan sya ng dalaga "Pumunta ka na dun. Bilis!"Hinampas sya nito sa braso "Dun ka na. Nagraracing kayo di ba?"
"Ayaw. Dito lang ako"parang bata bang wika pa ni Vein.
"Isa" bilang ni Xam
"Sama ka" pilit nito
"Dalawa"
"Sige,Swimming na lang tayo."Pilit nyang binatak ang dalaga patayo.
"Vein, Tigilan mo kung ayaw mo mabalibag ulit. Tumigil ka na." Banta pa nito.

YOU ARE READING
Chance Series#1: Second Chance of love(On-going)
RomansaWhat happen if someone you love dearly lies to you? Would you accept it or start a new things...without him?