Chapter 16

0 0 0
                                    

Nasa condo sila ni Vein ngayon. Nagluluto sya ng tanghalian nila ni Xam. Gusto daw kasi nito matikman ulit ang luto nya kaya dito sila tumambay ngayon.

Di nya makalimutan ang naging sagot nito sa kanya nung camping nila. And it has been months already

Matapos magwalk out ni Xam. Nanatili syang naiwan sa kinauupuan nya. Nasaktan sya-oo pero kailangan nyang unawain ito. alam nyang may dahilan ito para ganun ang maging reaksyon nito.

Lumipas ang oras at nandun lang siya nakatulala at malalim ang iniisip. Nailigpit na nya ang mga ginamit nila kanina. Makalipas ang ilang minuto napagdesisyonan nya pumasok na rin sa tent nila.

Naabutan nyang gising pa rin si Xam. Dilat na dilat ang mga mata nito. Nakatulala lang habang nakahiga. Halatang malalim ang iniisip.

"Xam?" tawag niya dito para ipaalam na sya iyon. Pumasok na sya ng tuluyan at nahiga sa kabila ng net na naghahati sa hinigaan nila. Nakatihaya rin sya.

Akala nya ay hindi sya nito papansinin pero laking gulat nya ng magsalita ito bigla.

"Sorry" yun pa lang ang lumalabas sa bibig nito pero parang ang dami ng ibig sabihin nun.

Pasimple syang bumuntong hinga bago nagsalita "It's okay. I understand" napangiti sya ng mapait "I don't want to force you" buti na lang at hindi sya nakikita nito kaya malaya syang ilabas ang nararamdaman nya.

"Vein-"

"It's okay, Xam" putol nya sa sasabihin nito.

pero hindi nagpapigil si Xam"-Do you want to hear a story?" tanong nito sa kanya pero hindi sya nagsalita. Pinagpatuloy ni Xam ang pagsasalita "I was so inlove when i was in high school with my ex-boyfriend until we are in college."Huminto sya saglit "M-Minahal ko sya ng sobra pero nung malapit na kami mag l-limang taon-" pimiyok ito kaya napagdesisyonan nyang lingunin ito. Tumutulo na ang mga luha nito habang walang emosyon ang mukha habang nakaupo at yakap ang mga tuhod.

Ang kaninang sakit na nararamdaman ay napalitan ng matinding pag aalala.

"Tama na, Xam" bakas ang matinding pagaalala sa tono nya. Napaupo na rin sya.

Sinubukan nyang pigilan ito pero talagang wala itong balak tumigil.

"-N-Nakita ko s-sya. M-May kasama ng i-iba" Nanginginig na ang boses nito at mas lalong tulo ang mga luha na mas lalong ipinag alala nya.

"Xam, Tama na please? that's enough of that story"

"--Minahal ko sya pero bakit ganun? Parang wala lang sa kanya lahat yun? then years passed, I forgave him-Yes but i can still feel this slight pain in my chest"

Hindi na sya nakatiis, Tinanggal na nya ang naghahati sa hinihigaan nila saka nilapitan ito at niyakap ng mahigpit.

"Shhh"

"After that...I didn't commit in a relationship again...I'm afraid to feel that pain again...I got traumatized"

"Shhh...it's okay. I understand it now. Stop crying, okay?" hinagod nya ang likod nito.

"I'm really sorry, Vein."

Nabalot sila ng nakakabinging katahimikan habang magkayakap. Nang maramdaman nyang kumalma na ito.

"Xam..." basag nya sa katahimikan.

"Hmm...?"

"Can you at least give me a chance to prove myself to you? Just this one. Promise i will do everything." malumanay na wika nya habang hawak ang mga pisngi nito.

"Pero baka masaktan lang kita-" May pag-aalala ang boses nito.

"Don't worry about me. Just give me the chance."pamimilit nya "Please? Just one chance and i assure you. You will not regret it"

Chance Series#1: Second Chance of love(On-going)Where stories live. Discover now