Rinig na rinig nya ang hampas ng alon sa dagat habang nakaupo sa buhanginan at dinadama ang malamig na simoy ng maalat na hangin. Nakabalot sa kanya ang malong na dala kanina habang ang mga kamay ay nakapatong sa mga nakatiklop nyang tuhod. Hawak sa kaliwang kamay ang kanyang cellphone.
Madilim na ang buong paligid kung nasaan sya nakapwesto. Ang tanging nagbibigay liwanag sa kanya ay ang bilog na bilog na buwan na narereflect sa tubig. Ang ganda nun tingnan. Para syang nasa isang painting pero 4D nga lang.
Ipinayapa nya ang kanyang isipang habang Inienjoy ang tanawing nasa harapan. Hindi nya alam kung mauulit pa ba ang ganitong senaryo. Ngayon na...nahanap na nya ang taong matagal na nyang hinihintay at mukha naman itong masaya. Bakit pa sya mangangamba. Dapat ay maging masaya na sya para dito.
She felt a pang in her chest. Her tears streamed her cheeks unconciously. She imagined his face, happy with someone else and that makes her heart hurts so badly.
Tumingala sya para pigilan ang pagtulo ng kanyang mga luha habang kinukurap kurap ang mga mata. Nagpakawala sya ng malalim na hinga para pakawalan ang bigat na dinadala.
Ang gusto lang naman nya ay ang mag enjoy sa bakasyon na'to pero bakit iba ang kinakalabasan.
Pinunasan nya ang luhang hindi nagpapigil sa pagtulo nang maramdaman nyang nag-vibrate ang hawak cellphone. Sinagot nya yun ng hindi tinitingnan ang tumatawag.
"Hello?"sagot nya.
"Tinatawag kita kanina hindi ka sumasagot" salubong sa kanya ng nasa kabilang linya. It is Xym.
"Sorry, nakatulog ako kanina pagkarating ko kaya hindi ko nasagot" paliwanag nya.
"Akala ko kung ano nangyari sayo eh"sermon pa nito sa kanya "By the way, How's trip?"
"It's alright."kibit balikat nya
"Then How's your stay?"
"I got some problem but it is settled now"she assured him.
"Kumain ka na?"
"Yeah. kanina"
"Okay, Good.Oo nga pala. Kaya ako napatawag kasi hinahanap ka ng pamangkin mo. Ayaw matulog hangga't hindi ka nakakausap. Anak ko ba to o Anak mo" he hissed the his last sentence.
Natawa naman sya sa sinabi nito. Mas close sa kanya ang pamangkin kaysa sa ama nito "Sge na. Ibigay mo na sa kanya para makatulog na yan."
"Baby…tawag ka ni Tita-mommy" rinig nyang wika nito sa linya.
Maya maya pa ay naririnig na nya ang excited na boses ng pamangkin.
"Tita-mommy–"
"Hi,Baby–"
" —Where are you?When will you come back? I already missed you,Tita-mommy"tuloy-tuloy nitong tanong sa kanya na ikinatawa nya.
Her nephew was a so sweet and adorable boy. He was an intellegent child that's why he always has question and that make her laughed always.
"Nasa Batangas si Tita-mommy ngayon, Baby" malambing na wika nya. Na-iimagine na nya ang malungkot nitong mukha ngayon palang.
"When will you come back, then?"may lungkot na sa boses nito ngayon.
"Maybe, Tomorrow night?or on monday morning? I still don't know yet. May aasikasuhin pa kasi ako na business dito baby eh."
YOU ARE READING
Chance Series#1: Second Chance of love(On-going)
RomanceWhat happen if someone you love dearly lies to you? Would you accept it or start a new things...without him?